Si Steffan kasi ang nag da drive.


"Malayo ba Kuya?" tanong sakin ni Stef at sumandal sa balikat ko.

Hirap na nga akong huminga eh!


"Sa pinaka dulo ng Highlands." Nasa kabilang dulo kasi ang Mansion at nasa isang dulo naman ang malaking park na may palaisdaan.


"Ahh..." sabi niya at nanahimik na.


Halos isang oras ang biyahe. Malaki kasi itong Highlands.

"Here we are!" sabi ni Steffan.

Nilabas na namin ang mga bag na nadala at box. Doon nakalagay ang iba naming pagkain.


"Bat ang daming gamit Kuya?" tanong naman sakin ni Stef. Oo nga pala. ang sinabi ko lang sa kanya ay mangigisda kami.


"Dito kasi tayo matutulog." sumabat naman si Regine.


"Ahh kaya pala.... Kuya wala akong dalang gamit!" sabi ni Stef. ngumiti naman ako sa kanya.


"Meron na."


"Talaga??? damit??" gulat na tanong niya sakin.


"Ang tagal mo kasi gumising kanina, kaya ako na nag ayos ng gamit mo.." napa O ang bibig niya. Hahaha


"Kumuha ka din ba ng.... ahm ano...." lumapit siya sakin at binulong kung kumuha din ba daw ako ng underwear. Hahahaha pasaway talaga to.


"Wala eh." pero meron. Gusto ko lang makita yung reaksyon niya pag nalaman niyang wala siyang underwear. Hahahaha


"Hindi nga kuya??!!" hindi na maipinta ang itsura niya.


"Shempre meron din. Don't worry pumikit ako nung kumuha ako." shempre biro lang. Color black and red nga nakuha ko eh. Ang nipis pa naman.


Yun yung nakuha ko noh! Hindi ako pumili!

Hindi naman ako ang magsusuot. Haha


"I hate you!" sabi niya habang kinukurot ako.


"Ok na." sabi ni Steffan ng makuha na lahat ng gamit.


"Tara na! tama na yang harutan." pagkasabi ni Regine nun ay tumingin sa kanya si Stef. Lagot kang bata ka!


"Gusto mo sali ka? kaso di papayag si Kuya eh." pagkasabi ay kinuha na ni Stef ang isang bag at binitbit ito. Ang bigat kaya nun!


Hindi naman naka imik si Regine. Huh! Kala niya di siya papatulan ah.


"Baby wait!" kinuha kona ang dalawang bag.


Sila Vincent naman ang nagdala ng box at dala naman ni Regine ang gamit niya.

My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now