Chapter Thirty Nine: Cooking Battle

30 2 0
                                    

<TRIXIE'S POV>

Pagkatapos kong malaman na nawala na talaga yung necklace ko, hindi ko na rin ulit nakita si Andrew. Ang hirap mawalan ng mahalaga sa'yo. Ramdam na ramdam mo yung lungkot.

Huli kong nakita si Andrew noong birthday ni mama, pagkatapos nun wala na. Walang tawag, walang text, walang bisita. Sinabi ni Manager Lucy na umalis daw ito papuntang Italy. Ganon na lang kadali para sa kanya na umalis ng hindi man lang nagpapalam. Ganon na lang kadali para sa kanya na baliin yung pangakong susuportahan niya ko sa laban ko.

Ngayong araw na yung cooking battle. Lahat ng malalapit sakin nandito ngayon maliban sa kanya. Halos ikutin ko na yung buong lugar para lang makita siya sa mga audience. Pero wala eh, niloloko ko lang yung sarili ko.

Kaya ko pa bang manalo nito? Sabi niya dapat meron lang akong inspirasyon para mapasarap yung luto ko. Paano ko magagawa yun kung hindi ko siya nakikita? Kung patuloy niya kong pinagaalala.

Host # 1:

"Alright, so we're going to start the first challenge on this year's cooking battle. For our five contenders please listen carefully. Your first challenge is to make a Filipino Version of a known dish in other countries." Pagkatapos kaming ipakilala ng dalawang hosts ay in-announce agad yung first challenge.

Host # 2:

"Yes partner, the International dishes that will be converted to a Filipino dish were given ang suggested by our dear juries."

Host # 1:

"So earlier, our five contenders were assigned on what dish they will prefer. Contender No. 1: Chef Jonie San Pedro will be preparing a Filipino version of PAELLA, a Spanish dish. Contender No. 2 Chef Sherlie Morales will prepare a Filipino version of WONTONS , one of the famous Chinese food."

Host # 2:

"Contender No. 3 Ian Rosales will make a Filipino version of SALISBURY STEAK, an original American dish. Contender No. 4 Joana Gamboa was assigned to make SHAMI KEBAB, a popular Indian dish and Contender No. 5 Trixie May Valdez will prepare a Filipino version of PIZZA, an Italian dish.

Pasalamat na lang ako dahil madali yung napunta sakin na dish. Kaya lang, madali na nga lang yung dish pero hindi ko magawang magconcentrate sa ginagawa ko. Come on Trixie, hindi lang siya ang nageexpect na manalo ka. Pinilit kong i-motivate yung sarili ko na malampasan yung first round na 'to.

Una kong ginawa yung Pizza Dough, madali ko lang nagawa yung thin crust dough. Habang bine-bake ko yung dough ay nagsimula na ko sa sauce. Gumawa ako ng natural version ko ng pizza sauce kung saan gumamit akong fresh tomatoes, sesame oil at hinaluan ng mga herbs and spices.

Dahil sa Filipino version ng pizza ang kelangan kong gawin, gumamit ako ng mga toppings na hindi karaniwang nilalagay sa Pizza. Garlic Longganisa from Vigan at Spicy Longganisa from Pampanga, Salinas Tinapa, Shredded Adobo Pork, red onions and salted egg. Isa-isa ko itong nilagay bilang toppings ng pizza at gumamit ng tatlong klase ng cheese bilang final topping. Inuna kong nilagay yung mozzarella cheese, cheddar at ang pinakahuli para sa panlasang pinoy ay ang kesong puti.

Pagktapos nito ay nilagay ko na ito sa oven at hinintay maluto. Habang naghihintay ay hindi ko naiwasang igala yung paningin ko sa audience, umaasa ako na makikita ko ngayon si Andrew. Nakita kong kumaway sakin sila Rocky at Jasper ng makitang nakatingin ako sa gawi nila. Binigyan ko sila ng tipid na ngiti at binalik yung focus ko sa pagluluto.

BInigyan lang kami ng 30 minutes para sa first round kaya pagkatapos ng given time ay madaling ipinatikim sa mga judges ang luto ng bawat contender.

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon