Chapter Twenty Five: Let's go to the beach!

32 1 1
                                    


<TRIXIE'S POV>

Hey I just met you
And this is crazy
But here's my number
So call me maybe
It's hard to look right at you baby
But here's my number
So call me maybe

Malakas na tumutugtog sa bus yung Call me Maybe at sinasabayan ito ng mga bata. Nakakatuwa silang makita dahil kahit wala pa kami sa destination namin, kitang-kita mo na yung saya sa mga mata at ngiti nila.

"Kids, malapit na tayo.. Gusto ko pagdating natin sa beach, behave tayo ha. Yung mga gusto mag swimming, magsasabi muna samin ni Ate Trixie. Okay?" pagpapaalala ni Andrew. Sa halos isang buwan na pagtuturo namin sa kanila, masasabi ko naman na masunurin tong mga batang to kaya alam kong walang magiging problema.

"Opo!" sabay-sabay nilang sagot. Sobrang energetic nila ngayon. Bumalik naman si Andrew sa tabi ko at kinuha yung hawak kong Caramel Puff Corn.

"Trixie, bawal daw maligo sa beach ng hindi naka two-piece. May dala ka ba?" nasamid naman ako sinabi niya kaya umubo-ubo ako.

"Ano? Pauso ka din eh noh. So ibig sabihin si Sister Stella kelangan din mag two-piece para makapagswimming!" Kaasar 'to. Galing magimbento. Tinawanan lang naman niya ako at inubos yung Caramel Puff Corn ko!

Ilang minuto lang nakarating na din kami sa beach. Hindi naman masyadong madaming tao ngayon dahil hindi pa naman summer. Sobrang tuwa nung mga bata at nagyaya agad na mag swimming. Mabuti na lang, may mga ibang volunteer ngayon na pinadala yung founder para magbantay sa mga bata. Hindi kami mahihirapan na bantayan sila lahat. May mga nurse din kaming kasama para masiguro na okay ang lahat. Hindi rin naman lahat pwedeng maligo sa beach, yung iba kasi hindi pinayagan dahil baka makasama ito sa kanila. Kagaya na lang ni Aria. Nakaupo lang siya sa wheel chair at nanonood sa pag gawa ng sand castle nila Enzo, Carlo at Aliyah. Pero kahit ganon, nakikita kong nage-enjoy pa rin siya.

Lahat sila masaya, hindi mo aakalain na may mahirap silang pinagdadaanan dahil sa sakit nila.

"Nakakatuwang tignan ang mga bata. Sobrang saya nila." si Sister Stella. Kaming dalawa ngayon ang naiwan dito malapit sa cottage at nag-iihaw ng BBQ at Isda.

"Oo nga po eh, sana parati silang ganyan." Kung pwede nga lang na parati silang dalhin dito gagawin ko.

"Basta nararamdaman nila na may nagmamahal sa kanila, sigurado akong parati silang magiging masaya. Salamat sa inyo ni Adrew dahil hindi niyo lang sila basta tinuruan. Nakita kong mahal niyo ang mga bata." nakangiting sabi ni sister.

"Hindi naman po kasi sila mahirap mahalin eh." Bukod dun, masarap din sila kasama at may natutunan din ako mula sa kanila.

"Tama ka diyan iha." Ngitnitian ko lang si sister at nagfocus ako sa mga iniihaw ko. Si Andrew ang nagbabantay ngayon sa mga bata. Pagkatapos namin dito sa pagi-ihaw, saka kami magsisimula sa mga palaro namin.

"Sister Stella, baka sa hapon na daw po makadating si Mrs. Buenaventura." sabi ni Ms. Angela na galing sa loob ng cottage.

"Mrs. Buenaventura?" tanong ko kay Sister. Surname yun nila Justin ah.

"Oo Trixie. Si Mrs Buenaventura ang founder nitong Happy Smiles Foundation. Pupunta siya dito mamaya, para makita ang mga bata. Ipapakilala ko kayo ni Andrew." sagot naman ni sister.

"Ah, sister.. ano pong first name ni Mrs. Buenaventura?" tanong ko.

"Ate Trixie, Sister Stella! Swimming po tayo." napalingon naman kami kay Aliyah na kumakaway mula sa malayo at nagyayaya na magswimming. Kumaway din ako dito at sinigawan na susunod kamin.

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon