Chapter One: Heaven's Idea

150 4 1
                                    

<ALEXANDRA'S POV>

"Sana yung buhay natin parang unli promo sa text no? Para pwede nating i-extend." Hay. Sana lang kahit wala pa sa langit tong kasama ko, magdilang anghel na sya.

"Sana nga may extend life promo..para sa ganon makasama pa natin ng mas matagal yung mga mahal natin." Sinakyan ko na lang sya sa trip niya. Sa ilang araw ko rin naman nakasama dito ang isang 'to, nakakatuwa na nahawa ako ng pagiging postibo niya sa buhay despite ng mga pinagdadaanan namin ngayon.

"Alam mo Alex, nung bata ako..muntikan na ko mamatay. Nahulog kasi ako sa pool noon..kaya lang hindi ako marunong lumangoy.. sobra yung takot ko non..pero may tumalon na isang bata sa pool para sagipin ako..si Trixie. Dun ko siya unang nakita, doon ko siya unang nagustuhan. Simula bata, kami na parati yung magkasama hanggang nahulog na kami sa isa't-isa. Siya lang yung minahal ko ng totoo. At Kung bibigyan ako ng pagkakataon para bumalik sa nakaraan, babalikan ko na lang yung panahong nalulunod ako..kahit nakakatakot..okay lang. Kasi simula ng mahalin ko si Trixie nalaman ko na yung magkalayo kami at mawala sa piling ng isa't-isa yung pinaka nakakatakot na pwedeng mangyari sa buhay ko." Hindi ko napigilang maiyak sa kwento ni Justin.

"Akala mo ba ikaw lang nakakaramdam niyan? Ako din kaya..ang hirap. How I wish I never knew na may sakit ako..kasi ang hirap ng alam mo na mawawala ka sa taong mahal mo, na iiwanan mo na siya." Napayuko ako at nagpunas ng mga luha. Sana kung mamatay ako yung biglaan na lang, para hindi ko na maramdaman yung ganitong sakit at takot.

"Naisip ko din yan, kaso narealized ko na lahat naman ng nangyayari may rason. Maybe God put us in this kind of situation kasi He has a plan. And you know what advantage we had from those who die out of accident or any incident?" He asked. Umiling ako bilang sagot.

"Sabi nila live your life like it's your last day. Kasi, people don't know kung hanggang kelan sila sa mundo kaya naman dapat ienjoy lang natin ang buhay.Kaya lang, maraming pagsbok yung dumadating sa buhay natin minsan pakiramdam natin hindi na natin kaya..kaya kahit gusto nating maging masaya..mahirap. Pero tayo, binigyan tayo ng pagkakataon ni God na i-enjoy yung mga huling araw natin sa mundo, gawin yung mga bagay na hindi pa natin nagagawa and most especially iparamdam natin sa mga importanteng tao sa buhay natin kung gaano natin sila kamahal." Doon ko narealize kung ano talaga yung gusto ko mangyari bago ako mawala.

"Justin, ang gusto ko lang naman kapag nawala ako may taong mag-aalaga at magpapasaya sa taong mahal ko. Yung hindi sya papabayaan, yung hindi niya mararamdaman na nag-iisa lang siya." Bago ko makilala si Andrew, siya yung klase ng tao na hindi naniniwala sa love. Siguro kasi, dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Kaya ayoko siya maiwan mag-isa. Ako na lang ang meron siya sa buhay. Natatakot ako na kapag nawala ako, he'll go back to his old self. Yung hindi marunong ngumiti at walang gana mabuhay.

"Don't worry. Sa pagtagal ng panahon, may makikilala rin sila na ibang tao..meron silang bagong mamahalin.Kahit masakit isipin, that's what I keep on my mind... na kapag wala na ako, may darating sa buhay ni Trixie na magpaparamdam ulit ng pagmamahal sa kanya the way I did." Ngumiti siya and I saw the sincerity in His eyes when he said those things.

"Justin.. what was Trixie like?" Tumingin siya sa akin ngumiti ulit as he describe to me his girlfriend.

"Si Trixie, she's a very optimistic person. Yung lahat ng makikita mo sa kanya maganda lang. The way she talks.. the way she smiles and even the way she sees life.. Sobrang postibo niya sa buhay. She always see beautiful things even in ugly days.That is why she made me happy even without trying.. I'm more than okay knowing that she's happy." Upon hearing those things, parang gumaan yung pakiramdam ko. Then that's when the idea strike me.

"What if she met Andrew. Will it be okay for you if they'll be together?" And that was the question I never knew I would ask...Andrew being with someone else.

<JUSTIN'S POV>

When Trixie and I became a couple.. ako na ata yung pinakamasayang tao sa buong mundo. Kaya ngayon, parang ang hirap sagutin ng tanong ni Alex. Kasi alam ko sa sarili ko na ako yung taong nakakapagpasaya kay Trixie. I'm sure ganon din naman sa boyfriend netong si Alex..siya din yung makapagpapasaya sa kanya. Kaya lang, hindi kami binigyan ng mahabang buhay para pasayahin yung mga mahal namin.

"Trixie being with other men?... I don't think so." Nakita ko na yumuko si Alex at napabuntong hininga.Kaya itnuloy ko lang yung pagsasalita.

"But if your man will love him greater than I did.. I guess they'll be good together. Kaya bang mahalin ng Andrew mo yung Trixie ko?" Kahit hindi pa man nangyayari, parang kinurot na yung puso ko when I ask that question.

"Andrew might not be an expressive person but he has the capability of making someone feel loved even in simple ways." As she said that, I saw a tear shed from her eye. I know what she feels..masakit malaman na maiiwanan mo yung taong mahal mo. I pat her on her shoulder trying to comfort her.

"Bakit ayaw mo sabihin sa kanya yung sakit mo?" she wipe her tears at tumingin sa akin..

"I don't want to be a burden to him. I know it's unfair but I don't wanna ruin our moments on my last few days.. you know what I mean right?" Parang nahihirapan siya mag explain ng dahilan niya pero naiinitdihan ko siya.. kasi nga pareho kami ng sitwasyon. Trixie knew that I have cancer and when she learned about it never siya umalis sa tabi ko..she always makes me feel loved. Kahit alam kong nasasaktan siya, she stays strong. Three months ago ng malaman ko na may taning na ang buhay ko pero ang akala ni Trixie..I am doing good.

Alex and I happen to have the same doctor. When I met her three weeks ago, I saw how devastated she was ng malaman niya na may taning na rin ang buhay niya. She was diagnosed of gastric cancer 7 years ago,she got cured but unfortunately bumalik din yung cancer niya.

"I understand. Hay. Ang hirap. So what's your plan?" Alam ko mas mahirap yung maiwanan kesa sa mang iwan. Kaya naman kung ano man ang mangyari gusto ko mapunta si Trixie sa isang tao na mamahalin siya ng higit pa sa kaya kong ibigay.

"Lalabas na ko ng ospital bukas. Hindi ko na kaya mag-stay pa dito. Feeling ko nasasayang yung bawat oras ko na dapat kasama ko si Andrew. I want to spend my last few days being happy with my loved ones." We actually had the same plan. sa ilang linggo ko siya nakilala masaya ako na may naging kaibigan ako katulad niya.

"Ako din. Gagawin ko lahat ng bagay na makakapagpasaya sa mga taong mahal ko bago ako mawala." Nginitian namin ang isa't-isa at nag apir.

Siguro nga tinadhana ng Diyos na magkakilala kami at mapunta kami sa parehong sitwasyon para pagkonektahin ang mga buhay ng mga taong mahal namin.

"Kapag nagkita tayo sa langit, mas malakas na ang kapit natin kay Lord. Pwede natin i-request sa kanya na tayo yung maging cupid ni Andrew and Trixie." Kahit parang ang weird pakinggan na imatch-make yung taong mahal mo sa iba ngumiti na lang din ako at sumagot:

"Yeah sure. They'll be a perfect match made in heaven."

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon