Chapter Six: Enchanting Place

41 2 0
                                    

<ALEXANDRA'S POV>

"Hey.. what are you doing?" I immediately close my laptop nang dumating si Andrew. Andito ako ngayon sa unit ko and I invited him to come over kasi I wanted to cook lunch for him. Almost two weeks na ako hindi pumapasok at siya naman kakatapos lang nung launching ng clothing line na bago niyang minomodel. Kaya ngayon..maluwag na ulit yung schedule niya so we see each other now everyday

"Ah...wala naman..nagtitingin-tingin lang ako ng mga recipes. You know something to cook for you." I know hindi naman talaga ako marunong magluto pero para kay Andrew..gusto ko matuto. Kahit gaano pa kaganda yung built ng katawan niya, number one hobby pa rin niya ang pagkain. Isa rin kasi 'to sa gusto ko gawin bago ko mawala..ang mapagluto yung taong mahal ko.

"Really? kaya ka ba nagresign sa work? 'Coz you're practicing now to be a wife?" Hindi ko maiwasan na malungkot sa idea na yun. Alam ko naman kasi na hindi na kami aabot pa dun sa time na yun. If only I had a longer years to live.. if only.

"Wife agad? Hindi ba pwedeng nagpa-practice lang maging cook?" he smile as he come closer to me.

"Well sabi kasi nila.. the way to a man's heart is through his stomach." He hug me from my back and kiss me on my cheeks.

"Bakit hindi ko pa ba nakukuha yang puso mo?" Umalis ako sa pagkakayakap niya sakin at inalis yung laptop na nakapatong dun sa kitchen counter. Kumuha ako ng chicken mula sa ref and decided to cook his favorite. Isang malaking goodluck na lang sa akin.

"Hmmn.. oo nga no?" He smile and grabbed me by my shoulders..

"What?" Tanong ko. He was smiling at me na parang nakakaloko and pull me closer to him.

"Nakuha mo na pala yung puso ko.. katawan ko na lang ang kunin mo." He said and hug me tight. Kinilabutan naman ako sa sinabi niya at tinulak siya palayo. Nakita kong nagpipigil siya ng tawa ng makita niyang namula ako at hinarang yung dalawang kamay ko sa may dibdib ko.

"Hoy..magtigil ka nga sa sinasabi mo diyan. Andrew!" Unti-unti siyang lumalapit sa akin habang paatras naman ako ng paatras. Hanggang sa naramdaman ko na nasa likuran ko na pala yung refrigerator..nacorner na niya ako. Bigla naman siya kumuha ng apple na nakalagay sa lalagyan ng fruits sa may ibabaw ng ref.

"Don't worry Xandra..hindi pa naman ngayon.. I love you." He kissed me on my forehead at kinagat yung apple na kinuha niya at umalis sa harap ko.

"Hey Suarez.. hindi kita papa kainin ng adobo ko." Tumawa naman siya sa sinabi ko at pumunta na siya sa may sala at doon naghintay habang nanonood ng tv. Sinimulang ko naman na magluto ng Chicken adobo. Inopen ko yung ipad tablet ko at nagplay ako ng video na dinownload ko kanina.. How to cook chicken Adobo..Madali lang naman pala to.. sinunod ko lang yung mga procedures na nasa video.

"Ouch!" Napaso ako ng hawakan ko yung cover ng casserole.

"Xandra..are you okay??" Tumakbo naman agad si Andrew palapit dito sa kicthen. Hinawakan naman agad niya yung kamay ko at tinignan ito.

"Ah oo.. napaso lang ako.okay lang ako. Balik ka na dun. Luto na yung adobo. I'll just prepare the table."

"Are you sure...di ba masakit? Tulungan na nga kita." Kinuha niya yung pot holder na nakasabit sa ref at kinuha yung niluto ko sa stove.

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon