Chapter Twenty Seven: See you Again

24 2 0
                                    

<ANDREW'S POV>

Time flies so fast. Pakiramdam ko parang kahapon lang ako tumapak sa lugar na 'to, tapos ngayon last day na namin dito. Awarding ceremony na para sa mga bata.

"Nako, sino kaya ang ating best in dance?" tanong ni Trixie sa mga bata habang hawak yung envelope.

"Uy, dalawa ang best in dance natin..." pambibitin niya sa mga bata. Kanina pa sana nai-announce lahat ng awards kaya lang puro pa-suspense tong si Trixie.

"Our best in dance are... Simon and Cielo!" Banggit ko sa mga nanalo. She gave me an 'epal ka talaga look.' Tinawanan ko lang siya, ang bilis kasi niyang maasar.

"Alright, tawagin ulit natin dito sa harapan lahat ng awardees para makapagpa-picture tayo." Pinaakya ulit ni Ms. Angela yung mga nakakuha ng award sa platform. Kasama nila yung mga magulang nila, yung iba naman kapatid or lolo nila.

Pagkatapos ng ilang picture taking, nagsalo-salo kami sa isang simpleng kainan.

"Sister Stella, hindi po ba pupunta si Tita Lilian?" narinig kong tanong ni Trixie kay sister.

Ang sabi sakin ni sister Stella, bumalik na siya sa America. See? She doesn't care about me. Mabuti na nga lang din at hindi siya nagpakita dito dahil kung pumunta siya, baka wala ako ngayon dito sa awarding ceremony.

"Nagpunta na sa America Trixie. Hindi ko lang alam kung kelan ulit siya uuwi para bumisita dito. Pero nagpapasalamat siya sa inyo ni Andrew sa pagvolunteer sa project na ito. Sayang nga lang at hindi sila nabugyan ng pagkakataong mag-usap ni Andrew." sagot naman ni sister Stella. Tumalikod ako at napagpasyahang lumabas muna sandali.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Huy. Ako lang ang pwedeng mag-emote diyan, pwesto ko yan." Parang kabute talaga to. Bigla-bigla na lang susulpot.

"Namiss mo agad ako?" biro ko sa kanya. Inirapan lang niya ko at tumabi sa akin. Andito kami ngayon sa garden at nakaupo sa may bench kung san ko siya nakitang umiiyak noon.

"Kapal mo... Hay salamat, tapos na rin ang isang buwan. Hindi na kita makikita." Tinignan ko siya, ang lawak ng mga ngiti niya.

"Masaya ka talaga ha." Inakbayan ko siya at inilapit sa akin. Bigla naman niyang inalis yung kamay ko sa balikat niya.

"Wag ka ngang touchy.. di naman tayo close eh." naiilang niyang sabi. Natawa ako sa kanya.

"You're blushing.. iba talaga ang epekto ko sayo no?" pang-aasar ko. Mas lalo naman siyang namula.

"Tss. Pwede bawal ang makapal. Hindi lang ako sanay na may ibang umaakbay na lalaki sakin bukod kay Justin." sabi niya at lumayo ng konti sakin.

"You really love him, do you?" I asked.

"Syempre...he's everything to me. My partner in crime, a shoulder to cry on, a friend and a great lover." Every time she talks about him, kita mo yung kislap at ningning sa mga mata niya.

"You know what? Ang swerte niya. Kasi lahat ng taong mahal niya..mahal din siya."

"Andrew, nung malaman ni Justin na pangalawang pamilya lang sila sa mommy niya, hindi rin naman agad niya yun natanggap, nagalit din siya kay Tita Lilian. Pero mas nangibabaw yung pagmamahal niya sa mommy niya. Alam mo bang ipinahanap ka niya. Gusto sana niyang makilala ka." Alam ko na mabuting tao si Justin. Kaya nga siguro magaan ang loob ko sa kanya nang magkita kami noon sa hospital.

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon