Chapter 44: Two minutes

58.5K 737 7
                                    

Tinulungan ako ni Chad na magbaba ng aking gamit, isang travel bag lang naman iyon. Hindi ko na dinala pa ang mga damit ko, meron pa naman ako sa bahay. Besides, Christmas break lang naman ito. This won't last, babalik pa ako.

Sana...

Chad offered the door of his car at pumasok ako roon. Linagay ko ang aking seatbelt habang si binuhay ni Chad ang makina ng kanyang sasakyan. Kinuha ko ang aking cellphone para i-open ang GPS. I'm sure hindi alam ni Chad ang bahay namin, hindi pa siya nakakapunta roon. So it's his first time right now.

"Who are you texting?" Narinig ko ang kanyang seryosong boses, no trace of humor.

Iniangat ko ang aking mata sakanya, "Just using my GPS para di tayo maligaw." Mahirap na kung saan kami mapadpad. Sina George at iba pang bodyguards ay pinauna ko na, somehow they trust Chad na magiging maayos an gaming biyahe. Hindi naman kalayuan ang aming bahay sa school.

"Put it down Angel, I know you're place."

Kinagat ko ang aking labi, he's making himself paranoid. "Paano?"

"Tsk. Mahaba-habang kwento pa." Aniya, binaba ko ang aking phone at ipinagkatiwala sakanya ang pagda-drive.

Makalipas ng ilang minuto ay nagpark na si Chad sa aming bahay. Bumaba kaming dalawa, hinintay ko siya sa harapan ng aming bahay bago pumasok. Kinuha niya ang aking bag sa backseat at lumapit sa akin.

Pinagsaklob niya ang kamay at sabay kaming pumasok sa bahay, bumungad sa amin si Manang Linda. "Paula, ang alaga ko." Ngiti niya. Aambang lalapitan niya sana ako but she stop. Alam kong naalala niya na hindi ako nagpapayakap. Pinabayaan ko na lang sina manang, sooner she would noticed that I've changed. Hindi na kailangan pang sabihan ito.

"Sino ang kasama mo Paula? Pinacheck mo na ba kay George? Naku, magagalit ang mommy at daddy mo niyan. Safe ba siya?" Sunod-sunod na tanong ni Manang.

"Manang, si Chad po." Pagpapakilala ko. Pormal na tumango si Chad kay Manang habang si manang naman ay binigyan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napangiwi na lamang ako, it's my first to bring someone with me. "Alam na po nina George ang tungkol kay Chad."

Bumaling sa akin si Chad na nakakunot ang noo, he's wondering kung sino itong si George. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. Here we go again, I think I have an explaining to do. "Si George ay ang head ng bodyguards Chad. Remember yung mga men in black sa school. Sila iyon." Pagpapaliwanag ko.

He half nod. Bumaling ako kay manang, "Sige po, aakyat na kami." Hinigit ko si Chad papaakyat ng aming engrandeng hagdanan. Pinasok ko siya sa aking room.

"You imitate your room there?" Tanong ni Chad, surprised.

"My mom did, pero ang ginagamit ko is yung maliit na room." Sagot ko.

Linagay niya ang aking bag sa sofa ko roon at umupo siya doon. Linibot niya ang aking buong kwarto gamit ang kanyang mga mata. Pinanuod ko siyang ginawa ito habang nakaupo ako sa kama. Then his eyes stayed on mine, "This is your own little world." Aniya.

Tumango ako. "Bago ako pumasok sa school niyo, ito ang mundo ko. I would stay here most of the day." Sumimangot ako, I knew I would have to let him go. Kailangan din niya umuwi sakanila. "Kailang ka aalis?" I heard the sadness to my own voice.

Huminga siya ng malalim at lumapit sa akin. Tumayo siya sa aking harapan, iniangat ko ang aking baba para makita ang kanyang mukha. Linagay niya ang kanyang dalawang palad sa magkabilang pisngi ko. "There are things that are in between my palms right now that I wouldn't even dare to think to lose."

Rich Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon