Chapter 33: Not right now

58.2K 889 57
                                    

"Paula, please go to Principal's office." Bungad ng aming teacher pagkapasok na pagkapasok pa lamang niya sa aming classroom. Kumunot ang aking noo, ano na naman kaya ang kailangan niya?

Bumaling ako sa likod kung saan nakataas ang kilay ni Chad habang nakatingin sa akin. Nagkibit balikat ako, I don't know. Sabe nila ay mga importanteng bagay lamang ang inexcuse nila sa klase. Is this one of them? Mas maiging pumunta na lamang ako doon.

Tumango ako sa aming teacher at umalis na.

Ngumiti sa akin ang sekretarya ng dean. Naalala ko, siya yung nagpanic noong nakita niya akong sugatan. Tumayo siya at pumunta sa main office ng aming principal. Narinig ko ang ilang boses, meaning may kausap ngayon ang principal. Kung busy siya, bakit niya ako pinatawag?

Bumalik ang sekretarya, "Pumasok ka na." Malumanay na utos niya. Kahit na may kausap siya? Regardless, sinunod ko paren siya.

Doon ko nakita ang principal na nakaupo sa harap ng kanyang mesa at kausap ang mga mommy ko. Why is she here? Where's Dad? Nakuha ko ang kanilang atensyon at agad na tumayo si mommy para salubungin ako ng mahigpit na yakap.

"Thank God, you're alright." Bulong niya. Naestatwa ako sa kinatatayuan ng marinig ko iyon. Does she know about the kidnap? Sinabihan ko naman ang mga taong nakakaalam na huwag itong sabihin sakanila. Would they send me out of this school? Kaya ba nandito si Mom?

Agad gumana ang aking utak para gumawa ng isang mahabang speech para hindi nila ako i-pull out ditto. Not right now na narealize ko nan age-enjoy na ko rito. Not right now na mukhang okay na kami ng mga kaibigan ni Chad, lalo na kay Daniel at Raf. Not right now na mukhang nago-open na ako sa mga relationships, eg friendship.

Mom, not right now.

Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at hinaplos ang aking mukha, "Mom, why are you here?"

"Didn't you miss your Mom?" Malungkot niyang saad.

Of course I do, pero matagal ko na kayong hindi nakakausap. I didn't know you're whereabouts. "I do, but this is not normal. Bakit kaya nandito?"

Humakbang siya papalayo sa akin at sumeryoso ang kanyang mukha. "You didn't tell us about you being kidnapped, Paula." May bahid ng galit ang kanyang boses.

"Mom, I think it's unimportant." Aambang magsasalita siya pero pinagpatuloy ko paren ang sasabihin ko. "This is usual Mom. I've been kidnapped every now and then. And please don't think na kahit nandito ako sa school ay hindi na ako makikidnap. The risks are still the same." Binabaan ko ang aking boses. "Besides, I don't kung nasa iisang bansa ba tayo."

"How is it not important Paula? You live because we tried to protect you! Can't you see that it is more than important to us? Your dad is mad about what happened." Yumuko ako. I expected that. Dad gets mad only a few times, ngayon lang. I wonder kung anong ginawa niya.

"Are you going to pull me out?" I tried to sound brave. Inalala ko kung ano ang huli kong ginawa bago umalis sa aming classroom. I looked at Chad. Isa siya sa mga rason kung bakit ayokong umalis dito. I feel comfortable with him even his touch na hindi magawa ng ibang tao sa akin.

"Your Dad is planning to. But I talked to the principal, and he said that it's probably a bad idea because he noticed a few changes from you Paula, and it's a positive one. So your Dad and I discussed about it, he's really consistent to his words." Pumikit ako. I can feel the negativity that coming from my Mom's words.

"In the end, I convinced him to tone it down a bit." Inangat ko ang tingin ko kay Mom. "I know that you'll like here in the first place." Ngumiti siya. Yes Mom, you're right. I like it here, I know that now. "So, we're not going to pull you out."

Noong marinig ko iyon kay Mom at linakad ko ang distansayang naghihiwalay sakanya at niyakap ko siya. "It's true huh? You've changed in a good way. Ikaw na mismo ang yumayakap sa akin. I miss my Paula." Naiiyak ang boses ni Mom.

Tinignan ko ang kanyang mukha at nakita ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. I smiled at her. Maybe, I changed.

"But may isang kondisyon..."

"What is it?"

Humalakhak siya. "I know you're not going to like it. But it's the least I can do to convince your Dad. It's either you take it or leave it. But I bet you're going to take it." Kumindat siya. I can't believe that my Mom winked at me!

Sumulyap siya sakanyang mamahaling relos. "I have a meeting in a few, take care okay? Payakap nga ng isang beses pa." Bago pa ko makasagot ay hinigit na niya ako papalapit sakanya at binalot niya ako ng kanyang mga braso. I feel that warmth, I can't believe I missed this mother-daughter hugs we used to have.

"Masasayahan ang daddy mo sa ibabalita ko tungkol sayo. He's longing for a hug too." Narinig kong bumulong ulit si Mom.

"Goodbye, Honey." Pagpapaalam niya at tumango siya kay Principal. Oh yeah, nandito pala siya. Mom and I acted like the Principal isn't here.

"Goodbye Mom. And please say hi to Dad and call me." Saad ko.

Ngumiti siya. "Of course."

Pagkatapos ng aming pagkikita ng aking Mom ay bumalik ako sa klase. I'm so happy right now. First, hindi ako aalis dito. Second, nakita ko si Mom. Third, she noticed a change in me. And hindi ito katulad ng ginawa kong transformation sa aking sarili noong mawala siya sa akin. This, what I am now, is a good change and everyone seems to accept it.

I feel good.

Nang lunchbreak na ay nagpahuli akong lumabas ng classroom dahil sa madaming tao. Pero lumipas ang ilang minute ay hindi paren nawawalan ng tao sa hallway. Napansin kong stagnant lang sila, at hindi gumagalaw. Hindi sila naglalalakad, imbes ay nakatingin sila sa field. Anung meron?

Hindi ko napigilan ang kuryosidad sa aking katawan at lumabas na din. Nakipagsiksikan ako sa mga malalaking katawan ng mga tao kumpare sa petite kong katawan. Everyone pushed each other, at hindi ako excepted doon.

Nagulat ako nang bumungad sa akin ang mga lalaking naka-suit. They seem oddly familiar. Naka-coat and tie sila kahit na tirik na tirik ang araw sa field. Naka-shades sila at kitang kita ang earbuds sa kanilang tenga. Binilang ko sila kahit na mahirap dahil pareparehas sila ng suot, they're 25 of them.

Fuck! Napamura ako sa aking utak. I sense...

Biglang nagvibrate ang aking cellphone, inilabas koi to at nakita ang isang text message mula sa aming tauhan, si George.

"Miss Paula, nandito na po kami sa inyong school as requested ng inyong Dad. Kami po ang magiging bodyguards niyo pero ayon po sa sinabi ng Dad niyo hindi po kami magpapahalata na kayo ang binabantayan namin. Have a good day Miss." Ang text message na ito ay nagkumpirma sa haka-hakang nasa utak ko. That's why they look familiar, tauhan sila ni Dad.

Eto ba ang sinasabing kondisyon ni Mom? Na magkaroon ng bodyguards?

"Bro, di ako nainform na dito pala sa Pilipinas magsho-shooting ang Men in Black." Narinig kong humagalpak si Daniel sa aking likod. Hindi ko napansin na nandito pala sila.

"Bro, I didn't even know na magkakaroon ulit ng movie." Saad naman netong si Raf na nakatingin sa mga bodyguards ko habang manghang-mangha ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Damn it! This is not funny. Baka mas mahuli ako ne'to.

"I think I have an idea kung bakit sila nandito." Nakita kong tumabi rin pala si Cherry sa akin. Ang huli naming pag-uusap ay hindi naging maganda. I cringe, remembering the words I said. Pero narito siya ngayon at nakangiti sa akin na mukhang totoo. I think Cherry and I need to talk.

Napatalon ako sa aking kinatatayuan nang may bumalot na braso sa aking bewang. Hindi ko na kailangan pang tignan kung kanino iyon nang marinig ko ang bulong niya sa aking tenga. "Let's go eat."

Marahan niyang hinigit ang aking bewang papalayo sa kumpulan ng mga tao. Para bang nakakapaso ang kanyang balat nang magbigay ng daana ng mga tao nang makita ang presensya ni Chad.

I always forget that I am with the great Chad.

Damn, may powers rin ba siya? Because I can literally say na umakyat ang ilang boltahe ng kuryente sa aking katawan the moment na magdampi ang balat.

Fuck his small but addicting gestures that gave me so much chills.

Rich Girl in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon