Chapter 26: Kidnapped

55.5K 815 8
                                    

Nagising ako sa marahang tapik sa aking pisngi, minulat ko ang aking mga mata at nakita ang hindi pamilyar na mukha. Inilibot ko ang aking paningin at nakitang narito parin ako sa abandonadong warehouse, nakatali ang mga paa at kamay.

"Kumain ka na." Nilapag niya sa aking kandungan ang isang tray ng pagkain.

"How will I eat?" Nakagapos ang aking mga kamay.

Nagkamot siya ng ulo, "Ilang minuto ka lang kakain ah." Saad niya bago tanggalin ang tali sa aking mga kamay. Hinaplos ko ang aking palapulsuhan, mahigpit kasi ang tali sa akin kaya bumakat ito sa aking balat.

Tinignan ko ang pagkain, he'to na naman ako sa problema ng tiyan ko at ng pagkain. Wala akong gana. Tinignan ko ang lalaking nanonood sa akin. "Di ka kakain?" I need to eat, that's my excuse para tanggalin niya ang tali sa akin. Kinuha ko ang tubig at uminom.

Mayamaya pa ay may tumawag sakanya, bakas sa mukha nito ang pagkairita. "Babalik ako, kumain ka na lang muna diyan." Umalis siya at agad agad ko namang nilapag ang tray sa sahig. Tinanggal ko ang nakatali sa aking mga paa, inikot ko ang mga ito dahil mukhang namanhid na sila.

Kinuha ko naman ang isang pocket knife ko sa waistband ng aking palda. Kung bakit ngayon ko pa kasi naiisipang hindi dalhin ang aking baril. Damn it!

Nagtago ako sa may pintuan, nakarinig ako ng yapak at pumasok ang lalake kanina. Tumayo ako sa kayang likod pero bago pa siya makalingon ay sinaksak ko na siya, agad naman siyang humilata sa sahig. Dumaloy ang isang pamilyar na emosyon sa aking dugo, nakaramdam ako ng dahas at lupit. This is what I am feeling tuwing nakikidnap ako, I suddenly felt the urge to kill someone. Dahil parte sila ng rason kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Tinitigan ko ang lalaking nakahiga at sinaksak pa siya ng isang beses. Pinunasan ko ang aking duguang knife gamit ang aking palda bago ito tinago. Kinuha ko ang kanyang baril bago lumabas sa silid na iyon.

I transformed myself to being a cold killer real quick. Kailangan ang maka-alis ako dito ng buhay.

Tahimik akong nagtago sa mga malalaking poste, I think my kidnappers are idiot. Onti lamang ang tauhan ni Aaron. This is an easy one.

Pininturya ko ang isang lalaki na nakaupo habang nakikipagkwentuhan sa isang lalaki. Kinalabit ko ang baril at narinig ko ang putok nito kasabay ng paghilata ng lalaking pinuntirya ko. Napatingin naman ang kanyang kasama sa gawi ko kayat agad akong nagtago.

Sumilip ulit ako sa lalaki at naroon siya, lumilinga linga, hinahanap ako. Nagulat ako ng maramdaman kong may presensya sa aking likuran. I think I'm screwed.

"Dearest Paula, you should've done that." Narinig ko ang boses ni Aaron sa aking likod. Pumikit ako ng mariin, I need to make a plan.

Naramdaman ko na tinutok niya sa aking ulo ang kanyang baril. "I want you to throw away your gun." Utos niya. Aaron is heartless. Alam kong kaya niya akong patayin pero he needs me. He wants the wealth at para makuha niya ito ay kailangang buhay ako. I think I have the advantage here.

Sumagot siya na para bang nababasa ang aking naiisip. "Don't think like that, Paula. Pwede kitang patayin at palabasin na buhay ka pa para makuha ko ang aking pera. Pagnakuha ko na ito, malalaman ng magulang mo that their heiress is already dead." Tumawa siya sa kanyang malupit na plano.

"I have the upper hand here so..." He pulled the trigger of his gun. "Throw away the gun!" Sigaw niya. Hindi ako natibag sa lakas at tono ng boses niya, but I reluctantly throw away the gun. Nakita ko ang lalaki na dapat ay papatayin ko kung hindi lamang dumating si Aaron, lumapit siya samin.

"I'm sorry boss." Pagpapaumanhin niya kay Aaron.

Sandaling nawala ang baril sa aking ulo dahil tinutok niya naman ito sa kanyang tauhan at pinatay. I took that advantage para sipain ang kanyang kamay na dahilan kung bakit nabitawan niya ang kanyang baril.

Hinarap ko siya, "I think we're even."

He smiled devilishly and nodded. "I think we are." Sumugod ako sakanya, pinaambunan ko siya ng suntok at sipa pero magaling siya, nasangga niya lahat ang mga ito. Lumayo muna ako sakanya, catching my breath. Now it's his turn to attack me and I should take my defense. Inihanda ko ang aking sarili, umatake siya at sinubukan kong iwasan ang mga suntok niya pero ilan lamang ang nagawa ko.

Pinunasan ko ang pumutok kong labi, I am sure that I look rubbish right now. But Aaron doesn't seem like contented. Umatake pa siya, sinuntok niya ako sa tiyan na hindi ko nagawang ilagan. Damn it! Napahiga ako sa lakas ng kanyang suntok. I need to do something.

Naramdaman ko ang hapdi ng aking tuhod, nagasgasan ito noong napahiga ako. Ugh, nice to add to my wounds huh? Pinanood kong maglakad si Aaron papunta sa kanyang baril, kinuha niya ito at ngumiti sa aking gawi. Fuck!

Luminga-linga ako at nakita ang baril kanina na itinapon ko. "I'm going to play fair, you can pick up your gun." Aaron says confidently. Tumayo ako pero hindi ko magawang mabalanse ang aking katawan kaya't napaupo ako sa sahig. Unfortunately, I think I sprained my freaking ankle. What a good timing, great! Just fucking great!

Tumawa si Aaron habang pinapanood ako. I've never been this week. C'mon Paula, you need to something! Think something! I swallowed my pride, determinado akong makalabas rito ng buhay kahit na sugatan pa ako. Kahit na naghihinalo pa ko. All I want is to get out of here in one piece.

I did something I never dreamed of doing. The heiress, I mean me crawling para maabot ang baril. Narinig ko ang hindi makapaniwalang tawa ni Aaron sa aking ginagawa, pinabayaan ko ito at ipinako ang aking mga mata sa baril na dapat ay maabot ko.

Onti na lang, bulong ko sa aking sarili. Narinig ko ang yapak ni Aaron na papalapit sa akin. Ang paggyanyak ko sa aking sarili ay nawala nang sipain niya ito papalayo sa akin. Nanliit ang aking mga mata sa sahig. Kumuyom ang aking mga kamao sa sobrang galit.

Life is cruel, he is cruel.

Kinuha ko ang aking knife at tinusok siya, bakas sa kanyang mukha ang gulat sa aking ginawa. I know na hindi pa siya patay, hindi naman namamatay agad ang taong nasaksak. Kaya hindi ko ito ginawa kanina pa, I want him to die instantly and a bullet will do the work. Pero gusto ata ng kapalaran na pahirapan muna ang lalaking ito, sinaksak ko siya ulit ng ilang beses hanggang sa humilata na siya at punong puno ng dugo ang kanyang damit pati na rin ang aking kamay.

I stared at him coldly, nagawa pa niyang ngumisi sa akin. Lumaki ang aking mga mata ng itutok niya sa akin ang kanyang baril, pinaputok niya ito buti na lang at nakailag ako pero nadaplisan ang aking braso. Itinapon ko ang aking kutsilyo sa kanyang kamay para mabitawan niya ang kanyang baril. Malayo na ito kaya't hindi na niya ito maaabot. I crawled papunta sa pinakamalapit na baril, kinuha ko ito at inasinta si Aaron. Pinutok ko ito sa nakahigang katawan niya, he deserves it.

Humilata rin ako sa sahig at pumikit, I need to get out of here real quick. Pinilit ko ang aking sarili na tumayo at paikaika akong naglakad papalabas ng warehouse na ito.

Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Alam kong ang aking itsura ay nakaka-agaw ng pansin. Duguan ang braso, bruised, fractured ankle at madumi. Yep, I gain so much attention from the public more than I want to. Agad akong pumara ng taxi. Hindi pa ata nauubos ang aking swerte nang may huminto sa aking tapat. Binuksan ko ang pintuan at pumasok.

Tumingin sa akin si manong driver, he's too old to be a taxi driver. "Hija, anong nangyari sayo?"

How can a stranger looks so concern about me? Nag-iwas ako ng tingin. I don't need mercy from anyone. "I'm okay po." Gumalaw ang sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho.

"Manong, alam niyo po ba kung saan ako ihahatid?" Tanong ko, tinignan niya ako gamit ang salamin sa loob ng kanyang taxi.

Ngumiti siya, "Oo naman, dahil sa uniform na suot mo." Napatingin ako sa suot ko, and yes suot ko ang aming uniform.



Rich Girl in DisguiseWhere stories live. Discover now