Chapter 21 - Reunion

Start from the beginning
                                    

Natahimik bigla ang kitchen ng hindi nagsalita ang lola niya.

Mukhang hindi nga ito nagulat na hindi sila magkasundo ng nanay niya.


"Kaya nga po kami nandito ni Mark...Tingin ko po ay matutulungan niyo ako lola"

"Mark?" Tumingin ang lola ni Hannah sa kaibigan niya. "Boyfriend mo?"

Namula ang mga pisngi ni Hannah. "Lola naman, hindi po. Kaibigan lang po"

"Asus. Oh bakit hindi muna kayo pumunta sa sala at kausapin ang lolo niyo? Matutuwa yon kapag nakita ka niya. Mamaya na lang tayo magusap kapag tapos na kong magluto"

"Eh bakit nga po pala napakadami ng niluluto niyo?"

"Hindi pala nasabi sayo ni Jenn. Uuwi ang Tita Janet mo pati na ang mga pinsan mong si Leon at Lea. Kakarating lang nila ng Pilipinas kahapon"


Parang biglang sumaya ang araw ni Hannah. Sakto pala ang pagpunta nila dito dahil may reunion palang magaganap.


Nagpaalam muna siya upang makita na ang kanyang Lolo Alberto.


"LO!" Sigaw niya.

Ngunit tinitigan lang siya nito.


"Sino ka?"

Hannah stared at his lolo. "Si Hannah po. Lolo naman, don't tell me kinalimutan niyo na ang pinakamagandang apo niyo?"


Hindi pa rin nagsalita ang lolo niya.


"Lola..." Sigaw niya. Lumapit agad ito sa kanila.

"Oh bakit?"

"Bakit po...hindi na ko kilala ni lolo?"


"Ay nakalimutan ko palang sabihin sayo, may Alzheimer's Disease na ang lolo mo. Ayun ang sabi samin ng doctor nung isang buwan. Kahit ako ay nakakalimutan na niya paminsan-minsan"


Nalungkot si Hannah sa kanyang mga narinig ngunit tumabi pa rin siya sa lolo niya at ipinakilala si Mark.


"Lo, ito nga po pala ang kaibigan ko. Si Mark Calvin Marquez po, taga-rito rin ho ang pamilya niya sa Davao"


"Marquez? May kilala akong Marquez" Napakamot pa ito ng ulo.

"Talaga po? Sino lolo?"

"Yung dating kasambahay ng anak ko, si Maria"


Hannah stopped breathing. "Sino po?"

"Mabait yon at masipag. Tuwing dumadalaw nga ako noon sa kanila ay siya ang naghahanda ng mga kakainin namin"


She looked at Mark. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi niya na kinausap pa.


"Lo, pwede ko po bang matanong kung bakit siya nawala?"

"Nawala? Hindi nawala si Maria, umalis daw siya sabi ng anak ko"

"Alam niyo po ba kung bakit siya umalis?"

Lost Soul (Soul Series Book 1)Where stories live. Discover now