Chapter 16 - Insinuation

13.1K 620 41
                                    

Chapter 16 - Insinuation


April 24, 2015

Lopez Residence

9 am.


"OHMYGOSH! Mom!" Excited na tumakbo pababa ng hagdan si Hannah. She almost tripped at the last step ngunit buti na lang ay napahawak siya sa gilid.


"What is it honey?" Tanong ng nanay niya.


"Natanggap po ako sa work!" Sigaw niya sabay pakita ng text message sa kanyang ina.


Natawa na lang si Mrs. Jenn at bumalik na sa dining room kasabay si Hannah.

"I knew you'll get the job" She simply said. "Congrats!"


"But I was distracted----" Tumigil si Hannah sa pagsasalita at sumimangot. "Feeling ko may kinalaman dito si Mark. I mean, obvious naman pong hindi ako matatanggap dun dahil wala ako sa sarili nung tinatanong ako ng interviewer"


"Anak, tinulungan ka man ni Mark o hindi, aren't you grateful na may trabaho ka na ulit?"


"Well..."


"Atleast hindi ka na mabobored dito sa bahay" Inutusan ng kanyang ina ang katulong na kumuha ng makakain bago siya umupo sa tabi ng anak. "Oo nga pala, are you okay? Kagabi narinig kitang sumigaw pero nung pumasok ako sa kwarto mo ay ang himbing ng tulog mo"


Hannah frowned at her mom. "Po? Ma, hindi naman ako sumisigaw"


"You didn't have any nightmares?"


"Wala po. Ang sarap nga po ng tulog ko kagabi"


Napakamot na lang sa ulo si Mrs. Jenn. Sigurado kasi siyang sumigaw si Hannah. Maski ang katulong nila ay nagising din.


Ni-let go na lang niya yung topic dahil nakikita naman niya sa mukha ng anak na hindi ito nagsisinungaling. Ayaw niya rin itong takutin dahil alam niyang masaya itong walang gumagambala sa kanyang kaluluwa these past few days.


"So when's your start?" Mrs. Jenn asked as they started eating.


"I have to go back this afternoon for a seminar then aasikasuhin ko na po yung requirements by tomorrow. It's up to them kung kailan po ako magsisimula"


"Okay, that's good. Uuwi nga pala ako sa Davao on monday"


"Ha? Bakit naman po mama?"


"I haven't visited your dad in a while. Do you wanna go with me?"


"No, I'm okay"


Lost Soul (Soul Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon