Chapter 1 - The Beginning

35.7K 1.3K 280
                                    

Chapter 1 – The Beginning.


August 6, 1990.

Davao City – L. Mansion.

3 pm.


Everyone is busy arranging Hannah Rose's 1st birthday celebration.

Siya ang kauna-unahang apo ng mga Lopez na isang kilalang pamilya sa Davao.

Sila ang may ari ng mga lupain at mga kilalang business stores doon sa lugar nila.

Hindi pwedeng hindi sila makilala ng lahat dahil bukod sa mayor ngayon ang tatay ni Hannah ay napakabait din ng pamilya nila.

Madaming natutulungan ang kanyang mga magulang.

Mayroon silang limang foundation at scholarships para sa mga mahihirap na bata.


Napakasaya ng lahat ng mga taong nandito ngayon dahil open ang party sa publiko.

Lahat ay imbitado dumalo.

May mga pulitiko din na pupunta mamayang gabi kaya naman on-hands sa pagaayos ang mama ni Hannah na si Mrs. Jenn.


"Yaya, pakiayusan na si Hannah please" Nakangiting utos nito sa maid nila.

Tumayo na ang maid at naglakad papasok ng mansion.

Kada lingon nito sa paligid ay napapangiti siya sa dami ng dekorasyon na nakaayos.

May mga bulaklak, ribbon at balloons na kulay pink at white.


Pagakyat ng yaya sa 2nd floor ay nagtaka siya.

Hindi niya maintindihan kung bakit patay ang mga ilaw.

Ayaw kasi ni Mrs. Jenn na nagtitipid sila ng kuryente.

Kahit sa hapon ay gusto nitong maliwanag ang buong bahay.


"Nako, mapapagalitan na naman kami nito" Bulong nito.


Binuksan niya ang mga ilaw ngunit mukhang sira yata ang switch.

Napakamot na lang siya ng ulo.

Ngayon lang kasi nangyari na may kuryente sa baba pero sa taas ay wala.

Ang weird naman...


Bigla niyang naalala ang kwento ng isang maid na umalis kagabi.

May nakita daw itong babaeng nakaitim at nalutang daw ito kaya siya nagsisisigaw.

Hala! Katakot!


Bago pa lang siyang trahabador ng mga Lopez kaya naman hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa matagal ng kwento sabayan na may multo nga daw sa mansion.

Nilamig bigla ang yaya at nagmadali na lang pumunta sa kwarto ni Hannah na nasa pinakadulo pa ng hallway.

Sus. Hapon ngayon. Malamang walang multo. Mukha naman akong ewan haha.


Pagpihit ng yaya sa door knob ng kwarto ay kinabahan siya bigla.

Nakasarado ito at narinig niya ang biglang pagiyak ng malakas ng baby.

Kumatok siya ng malakas at sumigaw upang marinig ng bantay nito ngunit tanging iyak lang ni Hannah ang mga naririnig niya.

"Oh bakit ka katok ng katok diyan?"


Napalingon siya sa likuran at nanlaki ang mga mata ng makita ang bantay nito na nakatayo at may hawak na bote ng gatas.

"SINO KASAMA NI MA'AM HANNAH?" sigaw nito sa kaba.

"Ah eh...iniwan ko siya saglit. Ngawa kasi ng ngawa, gutom na yata"


Hindi na nakapagsalita pa ang babae.

Kinatok na niya ng kinatok ang kwarto ni Hannah.

Ang ingay ingay na nito at iyak na ng iyak.


"Kunin mo ang susi bilis!"

Tumakbo agad ang bantay ng baby pababa.

Nagsisigaw na rin ito sa kaba.


Dali-daling umakyat si Mrs. Jenn na may mga kasunod na body guards.

Nang makita niya ang yaya na nangingiyak sa kakakatok ng kwarto ay napahawak siya sa bibig niya.

"Ang baby ko!" Iyak nito.


Hindi na nila hinintay ang susi ng kwarto.

Sinipa na agad ng isa sa mga bodyguards ang pintaun.

Tumakbo silang lahat papasok at napatigil.

Kitang-kita nilang tumawa bigla si Hannah.

Walang nakagalaw at nakapagsalita sa gulat.

Ngunit ang mas lalong nakakataas ng balahibo ay nasa ibaba na ito ng crib at may mga dugo ang mga kamay.


---------------------------------------------------

FEEDBACKS please! Hahaha.

And btw, walang ipoportray na characters ito. This is not a fanfic anw :)

Lost Soul (Soul Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon