Chapter 12 - Playful Soul

12.7K 728 118
                                    

Chapter 12 - Playful Soul


April 16, 2015

Corinthian Gardens, Quezon City

11:30 pm.


Tahimik na nanunuod ng movie si Hannah sa kanyang kwarto. Kanina pa siya inaantok ngunit hinihintay niya ang kanyang ina na umuwi upang pagbuksan ito ng pintuan. Pumunta kasi ito sa burol ng kaibigan niya.


*yawn*


Pinause muna ni Hannah ang palabas upang tumayo at pumunta sa kitchen nila.


Kukuha siya ng pagkain upang mawala ang kanyang antok.


Tanging ang ilaw lang sa kitchen ang binuksan niya dahil tinatamad siyang buksan ang lahat ng ilaw sa bahay nila.


Tamad na tamad na naghanap ng makakain si Hannah sa refrigerator nila.

May nakita siyang yema cake na tira niya kahapon at yun ang kinuha niya.


Dalawang slice na ang kinuha niya upang kapag kinulang ay hindi na siya bumalik pa.

"Psst"


Napatigil si Hannah ng may marinig siyang sumutsot.

Wala ang dalawang maid nila dahil pinagbakasyon sila ng mama niya kung kaya't sigurado si Hannah na siya lang ang tao ngayon sa bahay nila.

Binalewala na lang niya ito at ibinalik na ang cake sa ref.


"Psst!"


Mas lumakas na ang pagsutsot na narinig niya na sadyang ikinaba ni Hannah.

Nagpanggap siyang walang narinig upang wag siyang matakot.



Kumuha pa siya ng pitsel ng tubig at ng baso ngunit halatang nagmamadali na siyang makaalis sa kitchen nila.

"Hannah! Psst!" Bulong ng isang batang lalake.


Wala akong naririnig. Hindi totoong may tumawag sa akin.Guni-guni ko lang iyon.


Pilit na kinumbinsi ni Hannah ang sarili na hindi totoo ang narinig niya.

Dali-dali siyang naglakad papunta sa kwarto niya.


Nakahinga siya ng maluwag ng ma-lock na niya ang pintuan ngunit pagikot niya ay halos manigas siya sa takot.


Kitang-kita niya ang batang lalake na nakatayo sa sulok ng kwarto niya.

Hindi ito nagalaw ngunit sigurado si Hannah na hindi niya rin ito imahinasyon.


Pumikit agad si Hannah at nagdasal.

Nanginginig na siya lalo na at nararamdaman niyang hindi pa naalis ang multong iyon.


Dahan-dahan niyang binuksan ang mata niya at hindi makapaniwalang wala na ang bata.


Hindi muna siya gumalaw ng ilang minuto hangga't makumbinsi niya ang sariling wala na talaga ito.


Naglakad siya papunta sa table sa gilid ng kama at dun ipinatong ang baso ng tubig at ang platitong hawak niya.


Paakyat na sana siya sa kama niya ng may humawak sa kanyang mga paa.

Napatalon si Hannah sa gulat sabay sigaw ng sobrang lakas.

Umakyat agad siya sa kama at nagtakip ng kumot.


Hindi niya malaman ang gagawin dahil gustuhin niya man tumakbo palabas ng bahay nila ay natatakot siyang hawakin muli nito ang paa niya.


Damn this curse! Hindi na ko pinatahimik! Lumayo na nga ako sa Davao ngunit hanggang dito ba naman ay hindi pa rin nila ako iniiwanan!


*Dingdong*


Nagpanic si Hannah ng marinig ang doorbell nila.

Andito na ang mama niya pero hindi niya naman magawang pagbuksan ito ng pintuan dahil natatakot siyang tanggalin ang kumot na nakatakip sa kanya.


*Dingdong. Dingdong*


"Bahala na nga!At the count of 3, tatakbo ako papunta sa baba! One! Two!"


"Three!" Sagot ng isang batang lalake.

Rinig niyang nasa dulo lang ng kama nanggaling ang boses nito.


"AAAAAAAAAAAAAHHH! LEAVE ME ALONE!!" Sigaw ni Hannah sabay matapang na tinanggal ang kumot na hawak hawak niya.


Natahimik siya ng wala siyang makitang multo sa paligid.


*Dingdong. Dingdong*


Tumayo na siya at nagtatakbo papababa ngunit pagbukas niya ng pintuan ay nagtaka siya dahil walang katao-tao dun.


Wala pa ang kotse ng ina at walang nakatayo na kahit na sino sa porch nila.


Napaupo na lang si Hannah at natulala.

They really love playing with me.

----------------------------------------

Stop with the kilig moments and let's get back to the real deal. Hahaha Sana may natakot hehe.

THANK YOU SOULISTAS DAHIL NO. 3 SA PARANORMAL ANG LOST SOUL AS OF TODAY! YEY! ♥

Lost Soul (Soul Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon