Chapter 21 - Reunion

13.1K 568 128
                                    

Chapter 21 - Reunion


May 18, 2015

Davao City

9:45 am


Hindi umuwi ng Manila si Hannah kahit na ilang beses na siyang sinubukang pabalikin ng kanyang inay. Buo ang loob niyang nandito sa Davao ang mga sagot na hinahanap niya.


Mom: Bakit ba pinagpipilitan mo ang gusto mo? Wala nga akong alam tungkol sa maria na yan!

Hannah: Pero bakit ka po nagalit nung tinanong kita about sa box na nakita ko?! You are too obvious mom! You're definitely hiding something from me.


Kanina pa nasa loob ng banyo si Hannah dahil ayaw niyang marinig ni Mark ang mga pagtatalo nila ng kanyang nanay sa telepono. At kanina pa rin siya nafufrustrate sa mga sinasabi ni Mrs. Jenn.


Mom: I only got mad at you dahil pinakielamanan mo ang mga gamit ng tatay mo. Nung namatay siya, kahit ako ay walang kinuha o tinanggal sa office niya. It is my way of honoring your father.


Napabuntong hininga si Hannah. Hindi na talaga niya alam ang dapat sabihin upang magbago ang isip nito.


Hannah: Ma, please. Ikaw lang po ang makakatulong sakin. If you really want my curse to stop, you will help me. Ano ba yung tinatago niyo sakin?


Mom: Paikot-ikot na ang usapang ito. Anak, kung kilala ko ang maria na yan, of course sasabihin ko naman sayo kung sino siya. But no, I'm also clueless like you. Kaya tigilan mo na yan at umuwi ka na.


She couldn't help but hissed at her mom's lies.

Alam nitong nagsisinungaling lang ang kanyang ina.


Hannah: No. I'm staying here. And I'll look for the answers myself.


Pinatay niya na ang cellphone niya upang hindi na siya ma-contact pa ni Mrs. Jenn. Padabog niyang binugsak ang pintuan at lumapit kay Mark.


"We should go now"

"Where exactly? Babalik na ba tayo sa Manila?" Tanong ni Mark.

"No. Maghahanap tayo ng taong pwedeng magbukas nitong kahon"


Hinila na niya si Mark at nagmadaling umalis ng hotel.


***


Tirik man ang araw ay hindi iyon naging dahilan upang tumigil si Hannah sa kanyang misyon. She badly wants to know who this Maria is. Ramdam niyang kaunti na lang ay masasagot na rin lahat ng mga misteryong nangyayari sa buhay niya.


"Hannah, kumain muna tayo ng lunch sa bahay..."

Napatigil ito at tumitig kay Mark. "Bahay?"

"Bahay namin" He chuckled. "Don't tell me nakalimutan mo nang nakatira din ako dito sa Davao dati"


Lost Soul (Soul Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon