Chapter 4 - Can we play?

20.1K 939 268
                                    

Chapter 4 – Can we play?


August 14, 1995.

Davao City – Lopez Funeral Home.

11:30 pm.


Huling gabi na ng burol para kay Mayor John Lopez.

Napakadaming tao ngayon kumpara sa mga nakaraang araw.

Halos lahat ng mga kaibigan nito sa pulitiko ay dumating upang makiramay kay Mrs. Jenn.


Medyo magaling na ang mga sugat nito ngunit sa kasamaang palad ay nalumpo na siya.

Naipit kasi ang mga binti niya sa pagbagsak ng kotse nila sa bangin.


"Tita tita, can Hannah and I play outside?" Tanong ni Leon.

"Oh sige, isama niyo ang yaya niya"


Dali-daling tumakbo si Leon at hinila si Hannah na nakaupo lang sa gilid at nagmamasid.

Hindi naman napansin ni Mrs. Jenn na nakatakbo na ang dalawa dahil may mga lumapit na sa kanyang mga kamaganak nila.


Madilim sa labas ng funeral home ngunit madami namang tao kung kaya't hindi nagalala ng masyado si Mrs. Jenn.

Hindi rin naman kasi pwedeng pumunta ang mga taong hindi naman kilala ng pamilyang Lopez ng personal.


"Hannah, do you know hide and seek?" Leon asked.

"Oo" Sagot naman ng bata.

"Sige. Yun ang laruin natin. Teka, tawagin ko lang si Lea para tatlo tayo"


Tumakbo na ulit si Leon pabalik sa funeral home para hanapin si Lea.

Si Hannah naman ay pinagsisipa ang mga bato.


Alam ni Hannah na patay na ang tatay niya pero hindi niya alam ang ibig sabihin nito.

Akala niya ay nakahiga lang doon ang papa niya at natutulog.

Hindi rin naman kasi pinapaliwanag sa kanya ng maayos ng kanyang ina.


"Hannah..."

Napalingon si Hannah sa gilid ng funeral home.

May kumanta kasi ng pangalan niya.


Tinignan ni Hannah ng maiigi ang mga puno.

May nakita siyang babaeng nakatayo ngunit hindi niya maaninag ang mukha nito.


"Gusto mo sumama sakin?" Tanong nito na para bang nasa gilid lang ng mukha niya ito nagsasalita.

Kahit malayo ay rinig na rinig niya ang boses nito.


Naglakad si Hannah palapit sa babae ngunit tumigil din nung naalala niya ang sabi ng nanay niya na wag sasama sa mga taong hindi niya kilala.

"Sino ka po?" She asked.


Iniangat lang ng babae ang kamay nito.

Hannah reached for the hand.


Malapit na sana niyang mahawakan ang kamay nito nung biglang may sumigaw ng pangalan niya.


"HANNAH! Asan ka?"

Tumingin ang bata sa kanyang mga pinsan.


Nakita na rin siya ni Leon kaya naman tumakbo silang magkapatid papunta kay Hannah.

"Anong ginagawa mo diyan?" He asked her.

"Kausap ko siya"

Tinuro ni Hannah ang babae ngunit pagtingin niya ay wala na iyon.


"Sino? Wala naman akong nakikita"

Nagtaka ng sobra si Hannah ngunit nabalin na ang atensyon niya nung hinila na siya ni Lea.


Si Leon ang taya kung kaya't nung kumanta na ito habang nakatakip ang mga mata ay nagtatakbo na si Hannah.

Nung una ay doon siya sa loob ng funeral home nagtago ngunit pinagsabihan siya ni Mrs. Janet dahil baka makabasag daw sila.


Paglabas niya ay nagtago naman siya sa likuran ng mga bisita ngunit sumunod si Lea kaya naman walang ibang naging choice si Hannah kundi magtago sa likod ng mga kotse na malapit sa gate.

Wala nang katao tao dun ngunit sa kagustuhang wag mahanap ni Leon ay nanatili siya dun.

Narinig niyang natapos na magbilang si Leon ng one to fifty.


Tatawa tawa si Hannah habang takip-takip niya ang bibig niya.

Sinisili-silip niya pa si Leon upang makasigurong hindi siya makita nito.


"Psst"

Hannah frowned.

Ayaw niyang sinusutsutan siya dahil naalala niya ang babaeng nakaitim sa gitna ng kalsada.


Natakot siya bigla nung naalala niya iyon at tatakbo na sana pabalik sa kanyang nanay nung nakita niya ang shadow ng isang bata.

Wala kaming ibang bisitang bata ngayon ah.


Dahan-dahan siyang lumuhod at tinignan ang ilalim ng kotse ngunit wala naman siyang nakitang paa ng bata doon.

Napakamot siya ng ulo at tumayo.


"Ahh!" Sigaw niya sa gulat nung nakita niya ang bata sa gilid niya.

Batang lalake at mukhang gusgusin ito.


"Hi" Bulong nito.

"Sino ka? Bakit andito ka?" Hannah asked.

"Gusto ko makipaglaro. Pwede bang sumali?"

"Ayoko. Madungis ka at ayaw ng mama ko na nakikipaglaro ako sa mga batang katulad mo. Tabi nga"


Tinulak niya ang bata pero nadapa siya.

Lumusot kasi siya sa katawan nito.


Napatingin si Hannah sa bata ngunit wala na ito.

Sinilip niya pa ang ilalim ng mga kotse malapit sa kanya pero ni isang paa ng bata ay wala siyang makita.

Kusang tumulo ang mga luha niya sa takot at napaiyak na lang ito ng malakas.


-----------------------------------------------------------------

I swear naduduwag ako kapag sinusulat ko ito.

I feel like someone's watching me. (>_<)

Lost Soul (Soul Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon