Chapter 21 - Reunion

Start from the beginning
                                    

Instead of laughing, Hannah stared at him.

Akala ni Mark ay may nasabi siyang mali dahil nanahimik bigla ito.


"Why? Is there something wrong?"


"Naalala ko lang...dito rin nga pala nakatira ang lolo at lola ko. I haven't talked to them or seen them since I left Davao pero sa pagkakaalam ko, malapit lang din dito ang bahay nila. I think they could really help me"


"Oh tara! Puntahan na natin!"


Napangiti si Hannah dahil nagkaroon siya ulit ng kaunting pagasa.


***


Hindi man alam ni Hannah ang exact address ng kanyang lolo ay naaalala naman niya kung paano makapunta doon. Madalas din kasi siyang dumadalaw doon noong highschool student pa siya.


"Bayad po manong" Pagabot ni Hannah ng bente.


Nagulat siya ng suklian pa siya neto dahil sa pagkakaalam niya ay sampung piso ang bayad dito.


"Hindi po ba dapat wala ng sukli?"

"Ay hindi po, tama po yan"


Napakunot na lang ng noo si Hannah at hinayaan na itong makaalis.


Ano ba yan. Ganun ba kabata ang mukha namin ni Mark at inisip niyang studyante pa kami?


She shrugged it off and went to knock at her grandparent's door.


"Lolo Alberto?" Sigaw niya ng walang nagbukas.


Nasaan sila? Bakit walang nagbubukas ng pintuan?


"Tara dito" She whispered to Mark.


Doon sila sa likuran dumaan. Noong bata kasi siya ay madalas niyang gawin iyon, ang ginugulat ang lolo at lola niya.


Napangiti si Hannah ng makita niya ang lola niya na nagluluto sa may kitchen.


"Lola Rosita!!!" Sigaw niya.


Tinignan siya nito at ng marealize na siya ang apo na matagal ng hindi nakikita ay iniwan agad nito ang niluluto upang mapagbuksan sila ng pintuan.


"Hannah!!!"

She immediately hugged her lola. "Namiss po kita! Kamusta na po, la?"

"Ito, malakas pa naman. Ikaw iha? Aba buti naisipan mong dumalaw naman dito"

"Ang totoo po niyan ay biglaan lang po talaga ang pagpunta ko dito sa Davao"

"Ang mama mo? Bakit hindi mo kasama?"

"May problema po kasi kami..."


Lost Soul (Soul Series Book 1)Where stories live. Discover now