Chapter 34.

8K 182 3
                                    


Pagkatapos ng graduation ay sa isang restaurant sila dumeretso para mag-celebrate, nagulat pa siya ng binigyan siya ng kuya Niya nang cake, malaking huggable teddy bear na kulay beige at isang bouquet ng beige na roses.

"Oh? Ngayon lang iyan, mahal kita Kaya ipaparamdam ko sayo bilang isang babae Kung Ano Ang pakiramdam ng binibigyan ng cake at Rosas Dahil Alam Kong ignorante ka pagdating diyan.

"Kuya talaga!

"Biro lang, congratulations panget. Ito man Ang unang beses na binigyan kita ng regalo Dahil sa Medyo maluwag Ako ngayon tandaan mo na mahal kita lalo pa't nag-iisa kitang kapatid, Hindi ko hahayaan na may mananakit uli sayo.

"Ikaw tong madrama kuya! Pero thank you po talaga kahit lagi mo akong iniinis, mahal din po kita at Salamat sa Hindi pag-iwan saken nung nangyari last week. Thank you po talaga.

Tumayo siya at mabilis na yumakap ng mahigpit sa kuya niya, napahikbi pa siya Dahil naalala Niya uli Ang daddy nila. Sa paraan ng pagkakayakap Niya ay para na ring niyayakap Niya Ang daddy Niya.

"Namimiss ko si daddy. -wika Niya sa gitna ng hikbi

"Ako din naman. -tugon ng kuya na hinahaplos Ang likod Niya

"Oh upo na kayong dalawa! Lalamig na Ang pagkain! -saad ng mommy Niya na siyang pagbitaw Niya sa pagkakayakap

"Pupunta kapa ba sa party kina Ursula Mamaya? -tanong ng kuya Niya pagkaupo

"Opo. 6pm pa naman iyon kuya.

"Pupunta ka anak? -tanong ng mommy niya

"Yes mom, susunduin at ihahatid naman Ako ni ursula.

"Mabuti, may game Ako Mamaya Kaya Hindi kita maihatid Pero pwede kitang sunduin pagkatapos ng game namin.

"Huwag na kuya, si Ursula na po Ang maghahatid saken.

"Sige, Pero itext mo ko Kung kailangan mo ng sundo. Mahirap na Baka mangyari na naman iyon sayo.

"Hindi na po mangyayari iyan kuya, kasalanan ko din naman po iyon Kaya nangyari Ang ganun.

"Kaya napag desisyon namin ng kuya mo na bilhan ka ng maliit na sasakyan. Heto buksan mo. -wika ng mommy Niya sabay abot sa kanya Ang maliit na box na siyang ikinalaki ng mata niya

Nanginginig Ang dalawa niyang kamay habang binubuksan Ang maliit na kahon na iyon, napatutop pa siya ng tuluyan ng makita Ang laman nito.

"Oh my God! -she said in happiness

"Hati kame ni mommy diyan. Alagaan mong mabuti Ang bago Mong sasakyan lady marie.

"Kaya ba minadali mo Ako last time sa pagkuha ng license Dahil dito?

Tumango naman Ang kuya siya sabay subo sa pagkain at ngumiti sa kanya bahagya bago ngumuya.

"Oh my! Thank you! Thank you so much kuya and mommy! -galak niyang wika

"Mabuti ng Meron ka nung sayo para Hindi mo na ko gawing driver mo. Swerte mo ah, Ang gwapo ng driver mo. -tuya ng kuya Niya

"Ang gwapo mo nga kuya!

"Sus sinasabi mo lang iyan Dahil binigyan ka namin ni mommy ng kotse! Alagaan mo iyan ha? Matagal ko ding pinag-ipunan Ang pambili diyan.

"Thank you sobra! Thank you!

"Magagamit mo na iyan Mamaya. -wika ng kuya Niya

"Can't wait! -excited at palakpak niyang wika

Ngumiti siya sa mommy at kuya Niya pagkuway nagsimula na din siyang kumain, natigilan siya ng makita Ang mga pagkain sa harap niya. Naalala na naman Niya si dwaine Dahil doon.

Nami-miss na Niya Ang luto ni dwaine.

"Di mo ba nagustuhan Ang pagkain lady Marie? -tanong ng mommy niya ng mapansing natigilan siya

"A-h eh wa-la po----

"Iniisip mo na naman iyang si dwaine. Tsk! Kumain kana nga! -saad ng kuya Niya

"Naalala ko Kasi yung mga luto---

"Tama na nga sabi eh! Nasaktan kana nga Dahil sa ginawa ni blade hayan naman iyang nararamdaman mo Kay dwaine! Hindi kaba nadadala lady Marie? Pwede ba asikasuhin mo muna iyang kinabukasan mo bago iyang walang kwenta Mong pag-ibig! -inis na inis na wika ng kuya Niya sa kanya

"Naalala ko la---

"Kahit na! Binalaan na nga kita Dati Sige ka pa rin ng Sige! Kita mo ng napala mo! Tapos ngayon nagsisimula kana naman magpakatanga sa pag-ibig, Akala mo Hindi ko napapansin Ang kalungkutan na binigay sayo ni dwaine? Huh?! Nasasaktan din naman Ako na makita kang malungkot Pero sana matuto ka sa nangyari at ayoko ng maulit iyon lady marie.

Nung nasa hospital siya ay tahimik lang Ang kuya Niya at kahit nung umuwi na sila, Pero Ito Ang unang pagkakataon na nagsalita Ito Dahil sa nangyari. Naiintindihan naman Niya Kung Bakit ganyan na lang Ang reaction ng kapatid Niya Dahil sila lang din dalawa Ang magka kapatid at Wala na din silang daddy.

"Kuya, Mahal ko na po si dwaine.

"Alam Ko. -tipid na wika ng kuya Niya

"Pa---

"Kahit nung una pa lang Alam Kong si Dwaine na Ang mahal mo. May pakiramdam Ako Kaya Alam ko higit sa lahat kitang kita sayo.

"Ganun po ba ka-obvious?

"Sobrang obvious. Minsan nga gusto kitang tanungin tungkol dun Pero ayaw Kong pangunahan Ang disisyon mo.

"Pero Bakit Hindi ko Alam iyon?

"Kasi Naguguluhan kapa.

"Tama na nga iyan, kumain na kayo. Huwag niyong paghintayin Ang pagkain. -sabay ng mommy Niya sa kanilang dalawa ng kuya niya

"Dwaine is a good guy. Take it slowly, Hindi kana man siguro nagmamadali diba?

"Papano kapag may makilala pang Iba si Dwaine kuya?

"Kung talagang mahal ka ng Tao kahit Ilang babae pa Ang dadaan sa buhay Niya babalik at babalik pa din yun sayo.

"May balita kaba sa kanya kuya?

"Si dwaine? Dinig Kong nasa Canada siya---

"Canada?! -wika Niya

"Sabi ni Leanne. May dinaluhang food convention, kinuha din daw bilang judge sa isang food show.

"Babalik paba siya kuya?

"Malamang! Diba Sabi ko dinaluhan lang? Wala naman akong sinabi na dun siya titira!

"Nagtatanong lang naman po Ako. -wika Niya at pinagpatuloy Ang pagkain

"Siya nga pala, nagkausap kame ni blade kanina sa school niyo.

Umangat siya ng tingin sabay balin sa mommy Niya na nakatingin din sa kanya.

"NASA CR ako, dun Niya ko kinausap. Sabi Niya gusto ka daw niyang kausapin Pero Hindi ko pinayagan. Gago pala siya eh, sa ginawa Niya sayo hahayaan ko pa ba siyang makalapit sayo?

"Bakit daw Niya gusto akong kausapin? Wala---

"Gusto niyang mag sorry at magpaalam ng maayos. He wants closure.Ano sa tingin mo?

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon