Chapter 6.

16.7K 356 11
                                    


"Tangina, bakit ka sumama dun? -galit na wika ni blade ng daanan Niya Ito sa may gate

Akala pa Naman niya ay pumasok na sa loob si blade ng hilahin Niya si Dwaine paalis dito.

"Ano bang pakialam mo kapag sumama ako Kay dwaine?

Nakita niyang natigilan Ito ngunit napalitan ng ngisi ang mga labi nito na siyang ikinainis niya lalo.

"Oo nga naman. Wala nga pala akong pakialam sayo kahit na sumama kapa sa kahit na sinong puta diyan.

Nang sinabi iyon ni blade ay nagnginginig siya sa inis pagkuway,

"Hindi siya puta, may pangalan siya at para sabihin ko sayo ulit Dwaine Ang---

"Pakialam ko ba? -wika nito at pumasok na sa loob ng bahay

Namula siya sa sobrang inis at nang makita Ang Lata ng basura sa gilid ay agad Niya itong sinipa ng malakas Kaya natumba Ito at tumalsik ang mga laman na siyang sanhi ng pagkagulat ni blade Kaya Bumaling uli Ito sa kanya.

"Fuck! Kung galit ka dun ka sa gitna ng kalsada at magpasa-gasa! -galit na Sigaw nito sa kanya at nagmartsa para pumasok na ng tuluyan sa bahay Nila

Agad na nagsi-labasan ang mga luha Niya at Dahan dahan naglakad kasunod nito, ngayon Niya gustong kwestyunin Ang sariling puso Kung Bakit Niya nagustuhan si blade sa kabila ng pagiging hard nito sa kanya.

Magpasa-gasa? Kung pwede nga lang ginawa na Niya para one time na lang Ang sakit na nararamdaman Niya tuwing tinuturn-down siya ni blade o tuwing may mga masasakit na salita na binabato nito sa kanya Kaya lang Hindi din naman Niya kayang gawin iyon sa sarili gayong may pamilya pa siya na mahal na mahal niya.

Naiinis na nga lang siya sa sarili Niya Kung Bakit Niya laging binabalewala ang mga ginagawa ni blade sa kanya sa kabila ng lahat at kahit masakit na para lang makuha Ang atensyon nito o di Kaya matugunan nito Ang pagmamahal na hinihiling niya.

Hanggang saan Niya kayang tiisin ang mga pinang gagawa ni blade sa kanya? Hanggang saan Niya Kayang lunukin ang mga masasakit na salitang binibitawan? Hanggang saan Niya kayang umaasa? Hanggang saan ang kanyang pagmamahal dito?

Sana Kay Dali lang ng lahat Pero mahirap din pala, Akala Niya nung una kapag may pag-ibig may kasiyahan yun pala baligtad. Tama nga si Dwaine ng sinabi nito sa kanya kanina na Ang pag-Ibig ay May kaakibat na sakit na Hindi Niya kakayanin Kaya dapat kalimutan na Niya Ang nararamdaman para Kay blade.

Kaya Niya kayang Ibura Ang nararamdaman at tinitibok ng puso gayong Hindi Niya kayang mawala sa buhay Niya si blade? Sabihin ng unrequited Ang pag-Ibig Niya dito Pero Hindi naman masamang umasa na sana maging mutual diba?

"Bakit ngayon ka lang-----

Umangat Ang tingin Niya ng marinig Ang kuya niyang magsalita ng nakarating siya ng
Sa sala, Hindi na nito natapos Ang sasabihin ng makitang hilam na sa luha Ang kanyang mga mata at pulang pula Ang mukha.

"S-sorry k--uya. -naiiyak niyang wika

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? -tarantang wika ng kuya Niya at nilapitan siya

Kahit malabo ang mga mata Niya Dahil sa luha ay naaninag Niya pa din si blade na galing kusina Kaya mabilis niyang sinagot Ang tanong ng kuya Niya.

"W-Wala po kuya. Ang t-tanga tanga ko po ka-kasi, Hindi ko nakitang nasa gilid pala ng gate Ang Lata ng basura Kaya nadaplis ng paa ko. So-orry po uli, bukas ko n-na lang po li-linisin Ang kalat sa l-labas. -wika Niya at Dali daling pumanhik

Hindi na umimik Ang kuya Niya at sinundan na lang siya nito tingin, alam niyang bukas na bukas din ay tatanungin siya nito Kung Ano Ang tunay na dahilan gayong alam nito na alam niyang sa gilid talaga ng gate Ang pinaglalagyan Nila ng Lata ng basura.

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon