Chapter 8.

15.8K 305 4
                                    

Ilang Tao pa ba Ang kailangang pagsabihan siya para magising na sa katotohanan na Wala siyang mapapala Kay blade? Nung pinagsabihan siya ni ursula ay parang pinipiga Ang puso Niya Dahil sa mga sinabi nito, mga katotohanang kulang na lang isampal sa pagmu-mukha niya. May punto din naman si Ursula kahit balig-baligtarin man siya pa din Ang dehado.

Unang una Ang kuya niya na binalaan na siya sa nararamdaman Niya para Kay blade kahit nung una pa lang, pangalawa si dwaine na inis na inis kapag nakikita siyang umiiyak, pangatlo Ang kaibigan niyang si Ursula na mas lalong inis na inis sa kanya Dahil tatlong taon at kalahati na niyang iningatan Ang nararamdaman, nagpapa katanga at nagpa-padala sa pusong tuliro sa pagmamahal.

"Ang hilig mo Talagang mang-hila dwaine! San mo na naman ba Ako dadalhin? -wika Niya habang hinihila siya ni Dwaine palabas ng boutique na yon iniwan pa Nila si Ursula ng mag-Isa since Hindi pa din Ito nakapili ng susuotin sa graduation ball

"Ice cream muna tayo. -saad ni Dwaine na Hawak Hawak pa din Ang palapulsuhan niya kahit NASA ground floor na sila patungong parking area

"T-talaga? Dun pa din ba? -natigilan siya sabay guhit ng ngiti sa labi

"Tsk! Ice cream lang pala katapat mo. Halika na nga! -hila ulit ni Dwaine sa kanya

"This time gusto ko yung French salted caramel ah?

"Anything you like lady marie.

"Cool. Dami ko ng utang sayo.

"Why are you always counting everything I'm doing for you?

"Eh Kasi---

"Just don't mind about it ok? I just want to make you feel better despite of the pain you are feeling because of that barumbad-ass.

"Baka kasi isang araw ipagmukha mo Ang lahat ng nagawa at Nabili mo para saken o Baka humingi ka ng kapalit na Hindi ko matugunan o mabigyan.

"Hindi Ako ganun klaseng tao, sadyang pinalaki Ako ng mommy at daddy ko na maging isang mabuting anak. -wika ni Dwaine sabay hawak sa kamay  Niya ng mahigpit para alalayan siyang pumasok sa shut gun seat ng sasakyan nito

"Bakit ba Ang bait mo saken? Magda-dalawang linggo pa lang tayong magka-kilala Pero parang matagal na kitang kilala at Ang gaan ng pakiramdam ko sayo.

"Mabuti. -ikling saad nito at ngumiti

Ngumiti din siya pagkuway hinintay si Dwaine na pumasok sa driver seat para,

"Barumbad-ass? Bakit?

"He's badass Sabi din ni Ursula barumbado based din sa nakita ko nung unang gabi na nagkakilala tayo. He's more than barumbad-ass actually. -he said as he start the engine of the car

"Ewan ko ba Bakit Ako nahulog sa kanya. -malungkot na wika Niya

"Dahil Hindi natuturuan Ang puso Kung kanino Ito titibok.

"Ikaw ba Dwaine pagkatapos ng ex mo, tumibok ba uli siya?

"Lagi namang tumitibok Ang puso Dahil buhay na buhay ka. -he smiled then continue "Kung Ang tinutukoy mo ay tumibok ba uli sa iba? Kamakailan na nga lang Ito tumibok ng mabilis, masaya masayang masaya Ako ngayon Dahil Iba Ang nararamdaman ko Hindi Gaya ng dati.

"Oy intriga iyan! Kanino?! -wika Niya sabay palakpak

"To someone I know that I can't have. -malungkot na saad ni Dwaine

"Oh? You can't have? Pero masaya ka Sabi mo?

"Masaya Ako Dahil Akala ko Hindi ko na uli Ito mararamdaman. Ang sarap mabuhay kapag may inspirasyon ka sa araw araw aside sa pamilya mo.

"But why you can't have her?

"She's into someone that she can't have too.

"Pareho pala kayo eh! Bakit di mo ligawan? Sino ba iyan? Naku Pareho din pala tayo ng situation, mahal ko si blade Pero Hindi Niya Ako mahal. Minsan naiinis Ako Bakit inimbento Ang salitang unrequited love, kita mo tuloy Pareho tayong biktima.

"Ayokong samantalahin Ang pagkakaton, kahit gusto ko siyang sagipin sa pagkalunod Hindi ko magawa Dahil mismong sarili Niya Hindi Niya magawang tulungan. Naiinis Ako, naalala ko nga minsan Ang sarili ko sa kanya nung panahong lunod na lunod din Ako sa pagmamahal.

"Alam mo dwaine marami akong nababasa at naririnig na masarap daw magmahal Pero Hindi naman pala, kita mo ngayon sa experience ko. Siya na nga Ang first love ko, saklap pa ng dinanas ko.

"Dahil Pareho sila ng nararamdaman sa isa't isa Kaya nasasabi nilang masarap magmahal lalo na't Kung tunay at tapat Ang pagmamahal na iyon.

"Ba't Ang dami Mong alam Dwaine?

"Ba't Ang dami Mong tanong lady marie?

"Syempre curious noh!

"Para kang pusa.

"Para kang leon.

"Leon talaga? -Dwaine retorted

"Kasi kapag naiinis ka laging nakakunot iyang noo mo, lalong lumalalim yang mga mata mo at may mga pagkakataon na bigla ka na lang pumipikit sabay buntung hininga ng malalim.

"Ganun ba Ang leon?

"May katangiang ganun.

"Ewan ko sayo lady Marie.

"Bakit pusa?

"Ang cute mo pa rin kahit umiiyak, para kang pusa kapag nalulungkot at bigla na lang tumatahimik. Kapag ngumingiti kasing laki ng pusa kapag nakakita ng daga.

"Sus! Ang sabihin mo----

"Kasing daldal mo din Ang pusa.

"Dumadaldal ba Ang pusa?

"Kapag naghahanap ng kasintahan, way Nila Ang pagsigaw para makuha Ang attention at makahanap ng partner katulad mo madaldal ka at laging laman Ang pangalan ni blade sa bawat salita mo. Lagi kang nagpapansin para makuha Ang attention nun kahit Ang sakit sakit na.

Tumahimik siya sa sinabi ni Dwaine kuway binalingan ng tingin Ang kalsada, napansin agad yun ni Dwaine kaya tumikhim Ito sabay saad ng,

"I'm sorry I didn't mean to---

"Truth hurts Dwaine. Masakit Dahil totoo. Hindi ko din kayo masisisi ni Ursula Kung Bakit Pareho kayo ng sinasabi saken, kasalanan ko din naman Kasi Sige pa din Ako ng Sige kahit masakit na. Lunod na lunod pa din Ako kahit Hindi Niya Ako magawang sagipin at mahal ko pa din siya kahit Hindi Niya magawang tugunan Ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Tama na nga lady marie! Umiiyak kana naman!

"Hindi ko din naman magawang magalit Kay blade Kasi Wala siyang kasalanan at Wala din akong karapatan.

"Kahit na, sana kahit Wala siyang nararamdaman para sayo Hindi ka Niya pasasakitan ng ganyan. Pwede ka namang kausapin ng mabuti at Hindi Ang pagsalitaan ng masama at masasakit na salita daig Niya pa Ang babaeng nasa menopausal stage!

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon