Chapter 15.

11.9K 225 3
                                    


Halos gusto na niyang itapon Ang cellphone  na hawak Dahil sa sobrang inis Niya Kay dwaine. Ilang beses na niyang tinext Ito Pero Hindi pa rin siya nireplayan, Ilang beses na din niyang tinawagan Kung Hindi Magri-ring out of coverage naman.

Nag-aalala na Kasi siya, di naman Kasi ugali ni dwaine Ang Hindi siya I-text o tawagan Kasi kapag galit o inis Ito sa kanya nagagawa pa din naman itong makipag-communicate sa kanya mapa busy man o hindi but this time is different.

"Ursula, nabanggit ba sayo ni dwaine Kung saan yung resto nila? -tanong Niya Kay Ursula sa kanilang linya

"Diba sinabi Niya along makati? May branch din sila sa greenhills at SM Aura na bagong bukas three months ago, bakit?

"Samahan mo naman ako oh.

"Nag-away na naman ba kayo?

"Hindi eh. Di na Kasi nagpaparamdam. Mapupud-pud na lang ang mga daliri ko sa kakatext at kakatawag sa kanya di naman sinasagot, ano Kaya Ang drama nun?

"Baka nagseselos iyon? Pano ba naman Kasi lady marie! Daig pa ni blade Ang asong may amo! Kung makadikit sayo kala mo linta! Halos ayaw kanang bitawan! Di kaba nasasakal dun? Nililigawan ka pa lang nga Pero Kung maka-asta Akala mo pag-aari ka niya! Ni Hindi man lang kita magawang makasama ng matagal kapag nandyan siya! Diyos ko lady marie!

"Ganun lang talaga si blade tsaka ayaw Niya lang talaga na may lalapit saken na iba. Di naman pwedeng magselos si dwaine Kasi magkaibigan kameng dalawa, Alam nun Kung gaano ko kamahal si blade. Hindi Ang katulad ko Ang type ni dwaine, may lahing chinese yun malamang chinita Ang type nun.

"Sumasakit Ang ulo ko sayo lady marie. Kelan mo naman balak sugurin si Dwaine?

"Sabado ngayon, wala din naman tayong gagawin. Pwedeng ngayon na? Teka saan kaba? Bakit Ang Ingay diyan?

"Naku! Nandito Ako sa rustans!

"Sige, magkita na lang tayo saan ba?

"Puntahan mo na lang Ako dito sa rustans, nagpa-pa spa Ako. Malapit na din naman Ako matapos. Then gora na tayo sa SM aura.

"Sige, magbibihis na ko. See you!

Agad din naman siyang kumilos at nagbihis, naligo na din naman siya kanina pa kaya pagbibihis na lang Ang inatupag Niya pati Ang pag-aayos sa sarili. Tumunog naman Ang cellphone Kaya agad Niya Itong sinagot,

"Huwag Mong isama si blade pakiusap! -Sigaw ni Ursula sa kabilang linya

Humagikhik siya sabay saad ng "nasa visayas yun kagabi pa kasama ang mga magulang niya Dahil ikakasal daw Ang isang pinsan Niya, Kung iyan Ang ikinapuputok ng butsi mo.

"Oh! Salamat naman Kung ganun, any moment bubunutin ko na Ang mata nun! Kung makatingin Akala mo gusto Niya na akong patayin! Naku! Di Niya Ako madadala diyan! Bilisan mo na diyan!

"Almost done, be there in 30 minutes Kung Hindi traffic. -wika Niya sabay baba ng cellphone at pinagpatuloy Ang pagbibihis

Habang nagbibihis ay bigla niyang naalala Ang naisip na paraan para sagutin si blade, isasama Niya mamaya si Ursula sa isang shop ng damit pagkatapos Ang misyon niyang puntahan si dwaine sa restaurant nito.

Agad siyang nagpara ng taxi pagkalabas ng gate nila at sinabi Ang lugar na pupuntahan niya, di rin naman siya binigo ng traffic Dahil masyado pang maaga at di pa gaano kadami Ang sasakyan pwera na lang Kung rush hours.

Patakbo niyang tinungo Ang tinext na parlor ni Ursula sa rustans at mabilis na pumasok sa loob nito, naabutan pa niyang nakikipagtawanan Ang kaibigan sa isang bading at ng makita siya nito ay kinawayan at sumenyas na lumapit dito.

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon