Chapter 33.

8.2K 169 1
                                    


Sobrang excited ng mommy Niya sa araw na iyon Dahil masaya Ito para sa kanya double din naman Ang kasiyahan Niya ngayon Dahil sa nandiyan Ang mommy Niya para sa pinaka-importanteng araw Niya.

Graduation Day.

It's been five days since na discharged siya sa hospital, narinig Niya sa kuya Niya na Naka-pyansa daw si blade pagkatapos ng dalawang gabi nito sa kulungan. Dinig niyang aalis daw Ito ng Bansa para mag-aral uli Pero Hindi naman nabanggit ng kuya Niya Kung Ano aaralin nito don.

And dwaine. She didn't hear anything about him at talagang pinanindigan nito Ang tuluyang pag-alis nito sa kanyang buhay.

She missed him. Badly missed him.

So So much and it feels like she did not see him for long.

"Ano ba iyan lady marie, bihis na bihis na kame ni mommy Ikaw nakatunganga pa diyan? Bilisan mo na nga! Baka malate kapa at Hindi maka martsa! -Sigaw ng kuya Niya sa kanya ng pumasok Ito sa kwarto Niya at dumeretso sa salamin ng built in closet Niya

Napangiti siya sa tinuran ng kuya niya, mas excited pa nga Ang mga Ito kesa sa kanya na siyang ga-graduate. Mabilis siyang tumayo at tinungo Ang built in closet para kunin Ang beige dress na binili ng mommy nung isang araw sa boutique na pinagdalhan siya.

As usual beige Ang pinili Niya Hindi sa paborito Niya itong kulay but it reminds her of Dwaine.

Mabilis niyang binuksan Ang pinto ng closet Niya na siyang ikinasimangot ng kuya niya, pagkasara Niya ay sinalubong Niya Ang tingin ng kuya Niya na nakapa meywang sa kanya.

Agad niyang nilapag Ang damit na susuotin sa Kama at mabilis na tinungo Ang kuya at inayos Ang kurbata nito.

"Ayan ok na kuya. Mag-asawa kana Kasi para May gagawa niyan sayo.

"Hindi pa sa ngayon. Saka na kapag mura na Ang kilo ng bigas.

"Kelan ba bababa Ang presyo ng bigas? Naku! Tatandang binata ka niyan Sige ka!

"Hindi mangyayari iyan, magbihis kana tsaka Lagyan mo ng konting arte iyang Mukha mo para naman maganda ka. graduation day mo ngayon. Bilis na aalis na tayo in 30 minutes.

Nang makalabas Ang kuya Niya ay mabilis siyang nagbihis at nag-ayos ng buhok. Light lang din Ang make up na nilagay  sa Mukha Niya Gaya ng nakasanayan at kagustuhan, natigilan pa siya bahagya ng mapansin na Ang make up na ginamit Niya ay Ang travel make up kit na binigay ni Dwaine sa kanya nung huling gabing nagpaalam Ito sa kanya.

Umangat siya ng tingin sa salamin na nasa harap Niya at marahang sinipat Ang kinalabasan ng pag-aayos Niya sa sarili.

It has to be that someone needs to go, kailangan may mag-paalam para makapag-pa realize sayo Kung Ano Ang pinakawalan mo. Kailangan May mangyari na Hindi inaasahan para malaman Kung Hanggang saan ka at kailangan may masaktan para matuto.

Bakit kailangan masaktan Kung magmahal? Hindi ba pwedeng magmahal na lang Wala na iyang sakit? Yung lagi na lang happy bawal Ang sad, Pero Hindi naman  pwedeng pa easy lang Ang lahat kailangan ding mahirapan para matuto.

Masakit palang magmahal, Tama Ang sinabi ng kuya Niya nung panahong binalaan siyang magmahal. Na Akala Niya kakayanin niya, Pero Ang mas masakit ay hinayaan niyang mawala si Dwaine sa kanya bago pa man Niya marealize na mahal Niya ito.

Nasasaktan siya Dahil Hindi Niya man lang nasabi na mahal Niya si Dwaine, Pero walang kasing sakit ngayong Wala na Ito sa buhay niya.

It takes a courage to let someone know that you love them, Ang saklap lang dahil huli na niyang nalaman Ang tunay na nararamdaman bago pa sabihin Kay dwaine.

But Thanks to her mom, she helped her a lot at mas lalo siyang naclarify sa lahat ng nangyari lalo na't sa tunay niyang nararamdaman. Ngayon Niya napagtanto, Kung may umalis may dumating. Nawala man si dwaine, bumalik naman Ang mommy niya.

"Ang Ganda mo lalo anak. -dinig niyang wika sa likod Niya

"Dapat lang mom, Anak niyo ko eh. -she smiled

"Ngumiti ka man Pero Hindi naman abot sa mga mata mo. At Ang lungkot-- lungkot ng mga mata mo. -wika nito sabay yakap sa kanya sa likuran

"Mom, hayaan niyo na lang po akong ganito. Malalampasan ko din naman po ito, Ang mahalaga magkasama na tayo tsaka Ito na Ang simula ng kinabukasan ko. Panahon na para tulungan ko po kayo ni kuya. Heto na mom, konting kembot na lang.

"Im so proud of you lady Marie, kahit malungkot ka at masakit sayo na wala si dwaine ay Ang hyper pa din ng spirit mo. Masaya Ako sa achievement mo Anak, sana tunay ka ding maging masaya sa tamang panahon na ibigay ng tadhana para sayo.

"Nakakainis Kasi mom eh, Hindi ko matanggap na Wala na siya sa buhay ko gayong parang sasabog na Ang puso ko sa pagmamahal sa kanya.

"Kapag tunay kang mahal ng mahal mo, babalik at babalik din Ito sayo kahit maligaw man Ang landas nito.

"Nagdramahan pa Ang dalawa. Tara na po, malalate na tayo sa program! -Sigaw ng kuya Niya sa may pinto na siyang ikinatuwa Nila ng mommy niya

Agad Niyang Kinuha Ang itim niyang toga na Naka-nahanger pati na din Ang invitation Nila, maagap Niya ding nilagay sa loob ng gray purse Niya Ang cellphone at camera na panggagamitan nila sa picture taking mamaya pagkuway maingat silang bumaba ng mommy niya sapagkat Pareho silang Naka high heel.

"Ang Ganda pa din ni mommy kesa sayo lady Marie! -kantiyaw ng kuya Niya sa kanya ng makapasok sila sa loob ng sasakyan nito

"Alam Kong mas maganda si mommy Pero pwede bang Huwag Mong ipamukha saken iyan kuya?

"Sus! Nagsasabi lang naman Ako ng totoo!

"Mas gwapo din naman si daddy kesa sayo kuya.

"Oy, Ikaw ah! Mas gwapo Ako Kay daddy!

"Ang pangit mo Kaya!

"Ang gwapo ko Kaya! Sikat na basketbolista itong kuya mo malamang gwapo!

"Baka naman basket-bolero kuya?

"Hindi ah!

"Kayo talagang dalawa para kayong mga bata. Tama na iyan. Huwag na kayong magtalo Dahil pareho naman kayong gwapo at maganda, walang panget Dahil Ang Ganda ng lahi namin ng daddy ninyo. -ngiting wika ng mommy niya na nasa harap katabi ng kuya Niya habang siya ay sa likod mag isa

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon