Chapter 7.

16.6K 347 5
                                    


Pagkalipas ng Ilang araw ay naging busy na siya para sa prepasyon ng kanilang graduation, dalawang linggo na lang ay graduation day na Nila Kaya puspusan Ang kanilang pagpa-practice at pag-submit ng ilang requirements sa ibang subjects para tuluyan na silang makasali sa pagmamartsa.

Naging mailap si blade sa kanya simula nung gabing tumawag Ito sa kanya na Akala Niya ay si Dwaine, Hindi din naman siya nakapag salita agad sa gulat ng mapagtanto Ang bosses nito sa kabilang linya. Mas ikinagulat Niya pa lalo Kung paano nito Nalaman Ang number Niya, Kung dati kapag nagpapa-pansin siya ay inis itong tumutugon pa din sa kanya ngayon ay Hindi na siya pinapansin simula nung gabing iyon.

"Kuya hiningi ba ni blade Ang number ko sayo? -naalala niyang tanong sa kuya Niya kinabukasan

"Wala naman, bakit?

"Ah eh Wala po kuya.

"Kung hingin Niya man saken Hindi ko din Ibibigay, aba't sinuswerte siya! Tinext kaba niya?

"Kasi po---

"Tinext ka nga Niya?

"Tinawagan Niya po Ako kagabi.

"Kaya pala hiniram ng Loko Ang cellphone ko! Anong sinabi Niya sayo?

"Akala ko po Kasi si Dwaine Ang tumawag Kaya----

"Sinong Dwaine iyan?!

"K-kaibigan ko po, nakilala ko siya kahapon sa ma---

"Lintik na gagong iyon! Kaya pala inis na inis na umuwi kagabi! Dyahe tol, Kaya Hindi mapakali! -ngumingisi na wika ng kuya Niya

"Kuya? Minumura mo ba Ako? -naguguluhang wika Niya

"Naku Hindi lady marie! Yang kasing si blade! Naku! Oh siya mag-almusal kana.

Present...

NASA isang boutique siya ngayon kasabay ng mga kaibigan Niya para mamili ng susuotin sa graduation ball nila, hirap na hirap siyang pumili Kasi Hindi Niya alam Kung Ano Ang babagay sa kanya, Kung sana lang ay nandito Ang mommy niya Hindi na siya mamumublema sa susuotin Dahil alam na alam ng mommy Niya Kung Ano at alin Ang tamang susuotin na babagay sa kanya. She trust her mom's fashion taste ever since!

"Girl, kausapin ka daw ni dwaine! -wika ng kaibigan niyang si ursula habang inaabot Ang cellphone nito

"Bakit daw? -kunot noong wika Niya habang busy sa paghahanap ng susuotin

"Di mo daw sinasagot Ang tawag niya. Naiwan mo ba phone mo? Kausapin mo na nga! -wika uli nito sabay lagay ng cellphone sa tainga Niya

"Oo na, heto na nga! Hello! -simangot niyang wika

"Naka silent mode na naman ba yang phone mo? O Baka ayaw mo lang talaga akong kausapin? -bungad sa kanya ni Dwaine sa kabilang linya

"NASA bag lang naman phone ko, tsaka hinde Naka silent eh. Teka nga't I-check ko. -wika Niya sabay kapa sa loob ng shoulder bag

"Baka bingi ka lang masyado Kaya Hindi mo naririnig nang tumunog ito.

"Hindi ah! Oo nga't Naka 27 miscalled kana. Anong aten? Bakit atat na atat ka? -tanong Niya habang nasa cellphone Ang mata

"Nakabili na si mommy ng susuotin mo sa graduation ball ninyo Kaya Huwag ka ng mamoblema pang hanapin Kung alin Ang susuotin mo Dahil paniguradong magugustuhan mo Ang Napili at Nabili ni mommy para sayo.

"Ano?! Teka nga pano naman Niya Nalaman Ang sukat ko? Gayong Hindi pa kame nagkakilala?

"Expert Ako diyan eh. -tumatawang wika ni Dwaine sa kabilang linya

"Mukha nga. Oh siya! Salamat ng marami. Pakisabi sa mommy mo thank you talaga. Marami na akong utang sa inyo. Nakakahiya na masyado, Baka sabihin niyong sinasamantala ko Ang kabaitan niyo.

"Don't you dare think that way lady marie! -inis na wika ni Dwaine

"Nagsasabi lang naman Ako ng totoo Dwaine, oy! Maya mo na ko tawagan o i-text ah? Nasa mall kame sa isang boutique---

"No need, nasa ground floor nako. Aling floor kayo Nina Ursula?

"Teka't pano mo nalaman na---

"Ursula.

"Wow. Kayo na Ang close. Fourth floor, right wing. Bye! -wika Niya sabay pindot sa end call button

Simula ng araw na nagka-kilala sila ni Dwaine ay halos araw araw silang magka-text at magka-tawagan, yun nga lang dagdag sa konsumo Niya sa pang araw araw Dahil sa load! Hindi din naman Niya kayang tiisin si Dwaine Dahil Ang lakas ng power nitong i-black Mail siya Dahil sa natagusan niyang puting pantalon at pink panty. Minsan Kung tinatamad siyang mag load ay nakikitatext siya kina Ursula para mareplayan lang Niya si dwaine Kaya Hindi nakakapag-Taka Kung paano nito nakuha Ang number ni Ursula.

"Ano daw Sabi? -tanong ni Ursula nung ibalik Niya Ang phone dito

"NASA baba na daw siya. Sinabi Mong nandito tayo?

"Nagtanong Kasi siya Kung San tayo kanina since Hindi mo sinasagot Ang tawag niya.

"Papunta na yun dito.

"Ganun ba, Teka nakapili kana ba? -saad ni Ursula

"Hindi na, Meron na nga daw Ako. Binili ng mommy ni dwaine. -wika Niya sabay upo sa may sofa ng boutique

"Sosyal ka ha! Ibang level na kayong dalawa, tapatin mo nga Ako nililigawan kaba nun?

"Hindi ah! Ano kaba! Kaibigan ko nga lang yun!

"Kaibigan. Kaibigan. Ok. Diyan naman nagsisimula lahat. -ngiting wika ni Ursula

"Hoy Huwag ka nga! Si blade pa din Ang NASA puso ko.

"Si blade na dalawang linggo mo ng di nakikita, si blade na laging laman ng kwento mo, si blade na laging dahilan ng kalungkutan mo, si blade na mahal mo. Seriously lady Marie Hindi kapa ba napapagod Kay blade? Diyan sa nararamdaman mo?

"Nakakapagod, yun nga lang mahirap tikisin Ang puso, siya lang Ang sinisigaw nito.

"Girl, gising din pag may time. Nahihirapan kana nga go kapa ng go. Ginagawa kana ngang tanga Hindi kapa nag mo-move on diyan. Kelan kaba magigising sa katotohanan na Hindi ka type ni blade? Sorry, kahit kaibigan kita Hindi ko naman hahayaan na ganyan ka na lang lagi. Sampung taon Ang Agwat ninyo ni blade, Hindi Ang isang tulad mo Ang tipo Niya at Hindi ka karapat dapat sa kanya. Gising na lady marie, Huwag kang magalit saken Dahil nagsasabi lang Ako ng totoo.

"Masakit din pala marinig sa Iba Ang katotohanan. -mahina at malungkot niyang wika

"Truth really hurts lady Marie.

"Yeah. Katangahan na nga pala itong ginagawa ko. Tanga pa sa mas tanga. Ganun ko pala siya kamahal, tinamaan pala talaga Ako ng husto. Sana dumating Ang punto na isang araw magigising na lang ako na Wala na akong nararamdaman para sa kanya. -wika Niya sabay tingin sa Taas para pigilan Ang luha na gustong lumabas sa kanyang mga mata

"Sana nga lady marie. Sana nga. Bilang kaibigan mo nasasaktan din naman Ako na makita kang ganyan, gusto kong makita kang masaya.

"Tama----

"Umiiyak kana naman. Tsk! -wika ng boritonong bosses sa gilid nila

"H-hindi na-ppuwing lang ako! -agap niyang wika

"Hindi mo ko maloloko lady marie. -saad ni Dwaine sabay abot ng puting panyo nito

"Pangalawang panyo mo na iyan saken. -wika Niya

"Edi mabuti, gawin Mong habit Ang kolektahin ang mga panyo ko. Kaso nga lang ayokong umiiyak ka, ayokong nakikita kang umiiyak.

"Edi maubusan ka ng panyo niyan tsaka itong si ursula----

"Ok lang marami din naman akong Naka reserbang panyo. Tahan na. Nasa labas tayo, Baka isipin ng ibang Tao pina-iyak kita. -Dwaine

"Naku dwaine, ewan ko sa babaeng iyan Hanggang ngayon lunod na lunod pa din dun sa barumbadong blade na yon!

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon