CHAPTER 21

797K 19K 587
                                    

A/N: Additional chapter po. Enjoy reading.

CHAPTER 21

"CONGRATULATIONS to both of you." Wika ng mga kaibigan ni Nykyrel na siyang huling umalis sa reception pagkatapos ng kasal na idinaos nila sa private beach na pag-aari ni Nykyrel.

"Thanks." Sabay nilang tugon ni Nykyrel.

"Bye. Happy honeymoon, guys." Dustan waved his hand goodbye and went inside his car. Ganoon din ang ginawa ni Nicholas at Tegan.

Nakilala niya ang tatlo pagkatapos may propose ni Nykyrel sa kaniya. Dustan is a flirt, but behind his flirty smile, nararamdaman ni Lechel na may tinatago iyong takot at kalungkotan. Samantalang si Nicolas naman ay talagang napaka-guwapo pero kitang-kita sa mga mata nito na may pinagdaanan itong hindi maganda. Panghuli ay si Tegan, he was silent and clearly wounded, physically, mentally and emotionally. Kaya naman pala magkakaibigan ang apat, dahil pare-parehong may nilalabanang takot ang mga ito. They all have demons to fight against.

At nagpapasalamat siya sa diyos na tuluyan nang natalo ni Nykyrel ang takot na kumakain no'n dito. He's now a different man than he used to.

He's now a changed man. The most amazing man she'd ever met. Nakilala niya si Nykyrel mula ng may disorder pa ito, and now, she's so proud of her. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng kahit na sino man dahil 'yon naman talaga ang pagmamahal, tatanggapin ang lahat, kabutihan o kamalian man 'yon ng taong minamahal.

Inakbayan siya ni Nykyrel ng makaalis na ang mga kaibigan nito.

He kissed her forehead. "Thank you, Lechel."

She looked up at Nykyrel, "what for?"

"For loving me." Niyakap siya nito saka hinalikan ang ulo niya, "oo nga at nagbago ako para sa sarili ko pero ikaw pa rin ang punot-dulo ng paggaling ko. God, babe, i love you so much. And i have a lifetime to thank you and love you as much as my heart can give."

Nanubig ang mata niya. Araw-araw, nararamdaman niya ang pagmamahal nito. Mula sa paggising niya sa umaga, hanggang sa pagtulog niya sa gabi.

"Salamat din sa pagmamahal, Nykyrel." She kissed his lips, "i love you so much."

Masayang ngumiti si Nykyrel saka iginiya siya patungo sa dalampasigan. Dinaanan nila ang ilang mga tauhan ng caterer na kinuha nila para sa kasal.

Mahinang natawa si Lechel ng makarating sila sa dalampasigan at nakita niyang may nakalatag na mapalad na parang picnic blanket saka may basket sa gilid na may lamang wine at dalawang kopita.

Bumaling siya kay Nykyrel na nakatingin sa kaniya. "Really? A picnic in the shore?"

Mahina itong tumawa saka iginiya siya patungo sa picnic blanket. "Naisip kong mag picnic sa dalampasigan. Para maiba naman."

Ngumiti siya. Kasal na sila at lahat-lahat, napapa-kilig pa rin siya nito at mas bumilis ang tibok ng puso niya.

"Thank you."

Sabay silang umupo ng kasintahan saka sinalinan siya nito ng wine sa kopita. Tinanggap iyon ni Lechel saka sumimsim ng wine habang nakatingin sa malawak na karagatan na kumikinang sa ilalim ng bilog na buwan.

Biglang natigilan si Lechel ng may humalik sa leeg niya.

She looked at the man beside her. "Yes, baby?"

Ngumiti si Nykyrel saka humiga at ginawang unan ang hita niya.

Nykyrel sigh in contentment. "Sana palagi tayong ganito." Anito saka hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon, "alam kong hindi magiging perpekto ang pagsasama natin. Alam kong marami pa tayong pagdadaanan, pero nangangako ako, mananatili ako sa tabi mo ano man ang mangyari."

Parang may bumara sa lalamunan niya sa sinabi nito. Lechel felt like crying but hold her tears.

"Mananatili rin ako palagi sa tabi mo." Aniya saka puno ng pagmamahal na nginitian ito, "marriage is not easy but with you by my side, it'll be like a walk in the park."

Nykyrel kissed her hand again, "it'll be a piece of cake, babe. Mahirap pero kaya natin 'yon." Lumapat ang palad nito sa tiyan niya, "i will really do my best, lalo na at magiging tatlo na tayo."

Lechel grinned. "Excited na ako maging mommy." And then she saw fear on Nykyrel's eyes. "What is it?"

Nag-iwas ito ng tingin. "What if maging katulad ko rin siya? What if my disorder siya? Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan kong pangungutya? It scared me, babe. I don't want my child to experience pain in that form."

Hinaplos niya ang mukha ng asawa at hinuli ang mata nito, "it's okay. Narito tayo para sa kaniya. Hindi mararanasan ng anak natin ang pinagdaanan mo. Mamahalin natin siya sa abot ng ating makakaya."

Tumango si Nykyrel. "Love really is a powerful thing. It made me strong, it changes me and it made me become the man i am now." Ngumiti ito, "natatakot ako sa wala. Hindi ko magiging katulad ang anak ko kasi mamahalin ko siya ng buong-buo."

Lechel leaned in and kissed her husband forehead. "I love you."

"I know." He kissed her on the lips, "and i love you too."

It's amazing how people change because of love. That four letter words may tore people up and hurt them in so many ways, but the same four letter word has the power to make people's life better, even the best.

Before she met Nykyrel, Lechel think that love is an unsolved mystery, but not anymore. Because she understand the true meaning of love when she encounters Nykyrel Guzmano and when the wicked cupid shoot his arrows to their hearts.

Lechel will forever love Nykyrel.

A/N: Maikli lang 'to pero sana napangiti kayo.


TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon