CHAPTER 19

987K 21K 2.2K
                                    

CHAPTER 19

INILAPAG ni Lechel ang sagot ni Nykyrel sa interview niya sa ibabaw ng mesa ng Editor-in-Chief. "Heto na po. Lahat ng tanong, sinagutan niya." Makahulugang sabi niya.

Ngumiti ang Editor-in-Chief, "Alam kong sasagutin niya, ikaw ang nag interview e."

"Anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong niya.

Mas lumapad ang ngiti nito, "Lechel, kahit mo sakin sabihin, kaya kong hulaan kung ano ang naging relasyon niyo noon ni Mr. Guzmano isang taon na ang nakakaraan. I know. I could feel it in your article. At gusto lang kitang tulungan ngayon na magkita kayong muli, after all, it was my idea to train you in Chicago."

Napakagat-labi siya, "I know it's wrong to mix business and pleasure but-"

"Hindi mo napigilan?" Nanunuksong tanong nito.

Nahihiya siyang ngumiti. "Sinubukan ko naman."

"It's okay." Ibinasura nito ang papel kung saan naroon ang sagot ni Nykyrel, "the interview is a hoax. Chill."

Umawang ang labi niya pero hindi siya nagsalita. Tumango lang siya at umalis sa opisina ng boss niya. Hindi siya makapaniwala na tinulungan siya ng boss niya para makita muli ang lalaking mahal niya.

Goodness!

Pumasok siya sa kaniyang opisina at huminga ng malalim. Kailan ko kaya uli makikita si Nykyrel?

NANG sumapit ang hapon, nagsalubong ang kilay ni Lechel ng humahangos na pumasok ang sekretarya niyang si Jeannelyn sa opisina niya.

"Ma'am, may nagpipilit pong pumasok sa opisina niyo. He said it's important."

He? "May appointment ba siya o wala?"

"Wala po." Marahas itong umiling, "nasisiguro kong walang Nykyrel Guzmano sa appointment niyo."

Nanigas siya sa kinauupuan. "N-Nykyrel Guzmano?" Sumikdo ng mabilis ang puso niya, "n-nasa labas siya? Nandito siya?"

Tumango ang sekretarya niya pero nakakunot ang nuo nito. "Opo, ma'am."

Umayos siya ng upo sa swivel chair niya at huminga ng malalim. "Papasukin mo siya."

"Yes, ma'am." Lumabas ang sekretarya niya sa opisina at hinintay niyang pumasok si Nykyrel.

Lechel took a deep breath and calm herself. Kung ano man ang pakay sa kaniya ni Nykyrel, siguradong may kinalaman iyon sa interview o sa magazine. Wala iyong kinalaman sa kaniya.

Yesterday, on Délicieux Restaurant, Nykyrel keeps in glaring at her, pero hindi ito lumapit sa kaniya. Hiniling niya na sana lumapit ito, pero natatakot naman siya naka maging desperada na naman siya sa pagmamahal nito.

Bumukas ang pinto at tumigil ang paghinga siya.

Pumasok sa nakabukang pinto si Nykyrel. He looks so handsome in his simple pants and polo shirt. Lechel crave to hug him again.

No! Keep yourself together.

Tumikhim si Lechel at umaktong walang epekto ang presensiya nito sa kaniya. "What can i do for you, Mr. Guzmano?"

Nykyrel locked the door, making her heart thump like crazy.

Mabilis siyang tumayo, "buksan mo ang pinto." She demanded and walked towards him, "ano ba ang kailangan mo sakin, ha? Is this about the interview? May ipapabago ka ba? Gusto mo ng kopya-"

Nykyrel gripped her arm, pinned her on the door and slammed his lips on hers. Napasinghap siya sa gulat na sinamantala naman ng binata. He slid his tongue inside her mouth and deepened the kiss. Napaungol siya sa ginawa nito at napakapit sa braso nito.

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Where stories live. Discover now