CHAPTER 14

767K 17.6K 1.1K
                                    

CHAPTER 14

MASAYA si Lechel para kay Nykyrel. Napagdesisyonan din nitong kumuha ng Therapist. Naroon si Lechel ng kausapin ni Nykyrel si Mr. Delos Santos tungkol sa gusto nitong mangyayari.

Mr. Delos Santos is a 50 years old man with gray hair. Isa ito sa magaling na Therapist sa buong bansa. Binigyan nito si Nykyrel ng karapatang kasuhan ito kapag may pinagsabihan itong iba tungkol sa disorder ng binata.

Nykyrel had been attending his session every day. Ang nakakatuwa pa ay pumayag si Nykyrel na sa opisina ni Mr. Delos Santos ganapin ang bawat session. It only means that Nykyrel is really trying his best to be normal.

Si Lechel naman ay nanatili sa bahay ni Nykyrel at inumpisahang isulat ang report niya tungkol kay Nykyrel Guzmano. She included everything she knew about him.

Everything is going smoothly.

Napaigtad si Lechel ng may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Nagluluto siya ng hapunan nila ni Nykyrel.

"Hey, babe." Boses iyon ni Nykyrel.

Napangiti siya at tinapos ang niluluto saka humarap dito. "Kumusta ang session mo ngayong araw?"

Nykyrel grinned. "It was awesome."

Napangiti rin siya. Dalawang linggo palang itong nagsi-session pero kapansin-pansin kaagad ang pagbabago nito. He now talks often. And he seems happy all the time. May mga pagkakataong nauutal ito, pero hindi sa kaniya kundi kapag kausap nito si Mr. Delos Santos.

"Niluto ko ang paborito mo." Ginawaran niya ito ng halik sa mga labi. "Umupo ka na, ipaghahain kita."

Masayang sumunod si Nykyrel at nakangiti siyang pinaghain ang binata. Parehong magaan ang pakiramdam nilang dalawa habang naghahapunan. At pagkatapos nilang linisin ang pinagkainan, may ibinigay sa kaniyang sulat si Nykyrel.

"Pinapabigay sayo ni Mr. Delos Santos." Anito. "I'm curious to know what inside but..."

Napangiti siya saka binasa ang laman ng sulat.

Ms. De Villa,

I assumed that Mr. Guzmano's quick response to our session is because of you, kaya naman hihingin ko sana ang tulong mo. Nasabi sa akin ni Mr. Guzmano na hindi na siya nauutal kapag ikaw ang kausap niya. Sa akin naman ay minsan nalang at mabibilang ang minsan na 'yon ng mga daliri ko. Napagdesisyonan kong oras na para subukan nating ipaka-usap si Mr. Guzmano sa iba. I hope your response to my letter is positive.

- Mr. Delos Santos

"Anong sabi niya?" Tanong ni Nykyrel na sinusubukang sumilip para mabasa ang nakasulat.

Tinupi niya ang papel at inilagay sa bulsa. "Sabi ni Mr. Delos Santos, oras na para subukan mong kumausap ng iba maliban saming dalawa."

Fear shadowed his eyes, but it quickly disappeared. "Ganoon ba? Sino naman?"

Alam ni Lechel na nilalabanan nito ang takot para hindi niya makita, pero alam niyang takot ito. Nararamdaman niya iyon. She can sense it, damn it.

Nagkibit-balikat siya. "Ikaw ang pumili. I suggest you pick someone you trust."

Nag-isang linya ang kilay nito, halatang nag-iisip ng malalim. Seconds later, his whole face lit up. "Si Daniel Mendoza."

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "'Yong executive assistant mo?"

Tumango ito. "Yes. Him." Niyakap siya nito sa beywang saka hinalikan sa mga labi. "Bukas kaya, puwede?"

"Oo naman." Nakangiting sagot niya. "The sooner, the better."

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Where stories live. Discover now