CHAPTER 10

896K 19.8K 5.9K
                                    

CHAPTER 10

NYKYREL was sweating bullets. Nanlalamig ang kamay niya at nanginginig ang mga tuhod niya. Dread and fear was there, lurking in the corner of his mind trying to coax him in chickening out. Bakit ba kasi pumayag siyang sumama rito kay Lechel?

Fuck! Baka may ka-klase siya noon na makakita sa kaniya. Shit! Paano kung may mangyaring masama at mapahiya si Lechel? He can't live with that. Nykyrel knew he'll die in embarrassment. Shit! Why can he be normal for a change?

Anong gagawin niya kapag pagtawanan si Lechel ng dahil sa kaniya? Paano kung pagtawanan siya ng mga kaibigan nito? He can't do that to her. Hindi niya hahayaang madungisan niya ang magandang imahe ng dalaga sa iba. He's an abomination like what his mother had said when she was still alive. Walang tatanggap sa kaniya.

Siguro, masuwerte lang siya at tanggap siya ni Lechel, pero hindi iyon sapat para suklian nito ang nararamdaman niya. There's a lot of fish in the ocean, why settle with a fish with disability?

Insecurities hung around him like a thick canopy.

Binalingan niya si Lechel na nagmamaneho. Nagtalo sila bago umalis ng bahay niya kung sino ang hahawak sa monabela, and five minutes later at heto siya at nakaupo sa passenger seat ng sasakyan niya. She's so persistent and he was actually turned on. Good heavens!

Mukhang napansin nito na nakatingin siya rito kaya tinapunan siya nito ng tingin. She smiled at him.

Malakas ang tibok ng puso niya dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Shit!

"Lechel—"

"Shut it, Nykyrel. Pumayag ka, remember?" Pinandilatan siya nito.

Nykyrel sighed. Yes, pumayag sjga. At kinakabahan siya sa mangyayari. What if he embarrassed Lechel in front of her friends? What if something bad happened and that would taint Lechel's beautiful image? Ayaw niyang mangyari 'yon. Shit! Shit! Shit!

Nanuyo ang lalamunan niya ng iparada ni Lechel ang sasakyan sa gilid ng kalsada, kaharap niyon ay ang CCBells Cafe. It looks cozy from the outside. Nykyrel knew that the cafe was built to make the costumer comfortable, but he felt the opposite, he's agitated. Nani-nerbiyos siya. Natatakot siya. Mas lalo lang nanlamig hindi lang ang kamay niya kundi pati na rin ang buo niyang katawan. His nervousness is showing and it's so palpable.

"Nykyrel, magiging maayos ang lahat." Kombensi sa kaniya ng dalaga.

Pilit siyang ngumiti. Ayaw niyang malaman nito ang kabang nararamdaman. Kahit walang salamin ngayon sa harapan niya, alam ni Nykyrel na namumutla siya sa sobrang kaba.

What if something bad happened and it concerns him? Ayaw niyang madamay si Lechel sa kapalpakan niya sa buhay.

"Nykyrel?" Pukaw ni Lechel sa kaniya.

Binalingan niya ang dalaga. "Yes?"

Nginitian siya nito. "It's going to be okay."

"H-Hope so, babe."

Hinawakan ni Lechel ang kamay niya at pinisil 'yon bago ito lumabas ng sasakyan.

Nykyrel followed.

Nang umapak ang paa niya sa semento, bumilis ang tibok ng puso niya. Please, heart, be still. Please God. Have mercy on me. Hindi siya ang tipo nang tao na magdadasal para maging maayos ang lahat kasi alam naman niyang imposibling mangyari ang hinihiling niya sa panginoon pero ngayon, habang kinakabahan siyang nakatayo sa labas ng Cafe, he prayed.

Nakangiting inilahad ni Lechel ang palad nito sa kaniya, "halika na."

Nanlalamig ang kamay na tinanggap niya ang kamay nito. Lechel felt the coldness in his hand. She squeezed it, assuring him.

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon