CHAPTER 5

869K 22.2K 3K
                                    

CHAPTER 5

WALA silang imik pareho habang kumakain. Gustong magsalita ni Lechel, gusto niyang magtanong, pero sasagutin ba siya ng binata? Sasagutin ba nito ang tanong niya sa pamamagitan ng salita at hindi sa pagsulat sa white board nito?

Inilagay ni Lechel ang isang tasang kape sa harap ni Nykyrel. "Inumin mo hanggat mainit pa." Aniya saka ibinalik ang atensiyon sa pagkain.

Lechel eyes snapped at Nykyrel when he took out a crumpled paper and a pen from his pocket, scribbled something in the paper then passed it to her.

Binasa niya ang nakasulat sa papel.

'Why are you being nice to me?'

Huminga siya ng malalim saka tumingin kay Nykyrel na nahuli niyang nakatingin sa kaniya. He didn't look away. His deep lazy brown eyes captivate her again.

"Nykyrel," she sighed, "matuturing akong myembro ng akyat-bahay gang dahil sa pag-akyat ko sa gate ng bahay mo. I deserve to be bitten by your dog," she frowned, "i mean not really. Ang sakit kaya ng ginawa sakin ng hayop mo na yon." Nykyrel chuckled. "But nevertheless, hindi ko akalain na lilinisin mo ang sugat ko. You injected me a vaccine for anti-rabies, you let me ate your cake, you buy me clothes and now I'm eating your food. Kahit minsan masama ang ugali mo at wala kang modo, may utang na loob pa rin ako sa'yo."

His eyes dance in amusement when Lechel mentioned his bad attitude, then scowled after hearing the last part of her speech but didn't comment.

"Bakit ayaw mong magsalita?" Tanong niya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. "Ayaw mo ba akong kausapin?"

His eyes flashed darker, he looks mad at something. Inabot nito ang papel at nagsulat na naman.

She read it.

'I can't talk to you.'

Hurt flash her eyes. "Can't or won't?"

Nagsulat na naman ito. 'Can't.'

Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit?"

'Disorder.'

"What kind of disorder?"

Nykyrel lips thinned. Hindi ito nagsalita o nagsulat. Inilapag nito ang ball pen sa ibabaw ng mesa saka nag-umpisang kumain ulit.

Hindi ito sasagot. Alam iyon ni Lechel. Whatever his disorder, it has something to do with his voice or his speaking ability.

Kinagat ni Lechel ang pang-ibabang labi. Kung tama ang iniisip niya, napakasakit niyon para sa isang mayamang negosyante. Nykyrel Guzmano is rich, handsome and smart yet here he is, in his black mansion, hiding from the world because of some disorder.

Bumuntong-hininga siya at kinalimutan ang disorder na sinasabi ni Nykyrel. Narito siya para interview-hin ito pero bago iyon, tutulungan muna niya ito sa kahit na anong paraan.

Nykyrel needs help and she's there to help him whether he ask for it or not. Iyon ang bayad niya sa pag-i-interview niya rito. And she's sure that she will get an interview with him. Nararamdaman niya iyon. And then hello promotion.

"So," Lechel smiled at Nykyrel, "napansin kong wala kang mga pagkain dito sa kusina, gusto mong pumunta sa grocery kasama ako? Mamili tayo ng makakain."

Uncertainty and dread flash through his eyes. Pero kaagad din iyong nawala ng kumurap ito. Bakit natatakot itong lumabas? Ano ba ang nangyari rito?

Umiling ito habang may kaunting takot sa mga mata nito.

"Nykyrel, kasama mo naman ako—"

"No!" Malakas na tinampal nito ang mesa saka bigla na namang umalis at iniwan siya.

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Where stories live. Discover now