CHAPTER 11

859K 19.9K 2K
                                    

CHAPTER 11

HINDI pumayag si Lechel na hindi sila mag dinner ni Nykyrel bago umuwi sa bahay ng binata. Nagtalo na naman sila ni Nykyrel pero nanalo siya sa bandang huli. Tumambay sila sa Yacht buong maghapon at nang gumabi, they left the Yacht and went to her favorite Restaurant.

"Dito tayo kumain." Nakangiting sabi niya.

Hihilain na niya papasok sa loob ng Restaurant si Nykyrel ng maramdaman niyang nanigas ito sa kinatatayuan. Kaagad niyang binalingan ang binata.

Lechel saw dread crept into his handsome face. "Nykyrel—"

"No!"

Kumawala ito sa pagkakahawak niya saka malalaki ang hakbang na bumalik sa sasakyan nito. But before he can open the passenger seat, a group of women recognized Nykyrel.

"Nykyrel Guzmano?" Anang matinis na boses ng isang babae.

Nykyrel froze on the spot.

"Wow, ikaw ba yan Nykyrel?" Manghang tanong ng isang babae na halos kita na ang singit sa ikli ng damit na suot. "Wow. Look, girls, Nykyrel Guzmano, the stuttering idiot."

Napanganga si Lechel sa nasasaksihan. Kahit siya ay hindi makagalaw para ipagtanggol ang binata. Nykyrel just froze there, not moving even an inch.

"N-Nykyrel, a-anong g-ginagawa mo r-rito?" One of the women mocked him and the others laughed their heart out.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagdasal sa panginoon na sana naman ay lumaban ang binata. These women are nothing, they don't matter. They don't deserve his time, damn it! Ayaw niyang iligtas ito o lapitan kasi gusto niyang ipagtanggol nito ang sarili sa mga babaeng 'yon.

But her prayer wasn't heard by God. Tumayo lang si Nykyrel habang iniinsulto at ginagawang katatawanan ng mga kababaehan. He never moved a muscle. He stood there, looked down like a wounded animal and never says a thing.

Is he that scared?

"Siguro Nykyrel, namatay ang mga magulang mo sa kahihiyan dahil sayo." Anang isang babae.

"Oo nga." Tumawa ang babae na may maikling damit. "Kawawa naman sila at may anak na katulad mo. Isang dysfunctional na anak." Lumapit ang babae kay Nykyrel at tinusok-tusok ang pisngi nito. "Naalala mo ba Nykyrel nuong manligaw ka sakin dahil akala mo ayos lang sakin na may disability ka? Wow. Ang kapal din naman ng mukha mo. Oh well, i won the bet. Kaya ayos lang. It was fun making fun of you."

Umawang ang labi ni Lechel. These women made a bet with Nykyrel?

Oh God. Mas malala pala ang nangyari rito kaysa sa iniisip niya. She needed to do something.

"Nykyrel." Tawag niya sa pangalan ng binata. Nang hindi ito tumingin sa gawi niya, nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay nito.

Pero sa laking gulat ni Lechel, itinulak nito ang kamay niya palayo. Pain embraced her heart; it tightened its hold on her heart and squeezed it tightly.

"Nykyrel—"

"L-leave m-me a-alone."

Tumawa na naman ang babae na mas dumadagdag sa pagkairita niya. "P-poor, N-Nykyrel. I-idiot." She mocked him again while laughing.

Pinukol ng masamang tingin ni Lechel ang babae na mukhang leader ng mga langaw na nasa harapan niya. "Ano bang problema mo? Leave him alone!"

Bumaling sa kaniya ang babae. She smirked. "Well, well, well, what do we have here? Ikaw ba ang girlfriend ng loser na 'to?" Sabay turo kay Nykyrel na ngayon ay nakatingin na sa kanila habang walang emosyon ang mukha.

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin