Twenty - Two

94 18 3
                                    

Author's Note:

Nakakalungkot. Ang dami ko pa lang silent readers. Vote at comment naman kayo please? Anw, I love you all.

Dahil sa high notes ni Louis sa MITAM, ito na 'yung pasabog ko. HAHA.

--

Third Person's POV

"Seriously, Louis, stop messing around Denise. Don't you see that she needs some time alone?" nakakunot na sabi ni Liam sa kaibigan.

Tinignan naman siya ni Louis. Namamaga ang mga mata nito at namumula. Halatang galing lang ito sa pag-iyak.

"I want to say sorry, Liam. I want to say sorry for everything that I've done." pag-rason naman ni Louis.

Liam sighed. Mukhang hindi niya na rin naman mapipigilan ang gusto ni Louis.

Hindi naman siya magkakaganito. Hindi sana siya mapa-paranoid kung hindi niya lang nakita ang picture nina Avery at Denise.

Nasaktan siya. Pakiramdam niya ay napakadali lang para kay Denise na itapon ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya ay siya ang talo. Pakiramdam niya ay siya lang ang nasaktan.

Hindi sinabi ni Louis kay Liam ang tungkol sa nakita niyang litrato. Nagsisisi ng sobra si Louis. Sobra niyang pinagsisihan ang araw na ipinagtabuyan niya si Denise. At ang araw na hindi niya man lang ito hinabol sa airport.

Simula noong huling pagkikita nila ni Niall kung saan binugbog siya nito ay natauhan siya. Natauhan siya sa mga ginawa niya na nagpasakit lang lalo kay Denise. Gusto niyang humingi ng tawad. At pati na rin ng isa pang chance kung bibigyan siya nito.

"Do you want me to call Harry or anyone connected with Niall and ask if they got some news?" tanong ni Liam na intensyong pagaanin ang loob ni Louis.

Napangiti ng kaunti si Louis, "Thanks mate."

Kinuha ni Liam ang cellphone niya at agad na dinial ang numero ni Harry. Hindi ito sumagot kaya naman tumawag siyang muli at sinagot naman na ito ni Harry.

"Hello?" rinig na sabi ni Harry.

"Uh, hey, this is Liam Payne. I was wondering if Denise texted any of you?" diretsang tanong ni Liam.

Liam heard Harry sighed in the background, "So sorry, mate. I've been texting and calling her for ages but she never responded. I think she also deactivated her accounts on the social media."

"Oh, is that so?" malungkot na saad ni Liam, "Okay, mate. Thank you so much for your time. Bye."

Pagkapatay ni Liam sa tawag ay agad niyang tinignan si Louis, "Harry said she deactivated her accounts and never got the chance to stay in contact with them."

Louis sighed, "Well, at least we tried?" sabi ni Louis sabay tipid na ngumiti.

"We sure did." Liam said in response.

Tumayo si Louis at kinuha ang susi ng kotse niya. Matapos nito ay tinignan niyang muli si Liam, "Thanks for the help, mate. I gotta go? I've got some errands to do in my flat. See 'ya later?"

Liam smiled, "Yes, I'll see you later."

Lumabas na si Louis sa bahay ni Liam at agad na sumakay sa kotse niya. Agad niya itong pinaandar paalis.

Habang nagma-maneho ay hindi niya mapigilang isipin ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Denise. Ang mga panahon na mag-kasama sila, pati na rin ang mga panahon kung kailan hinihintay nila ang pagbabalik ng isa't-isa.

"I've been a fucking, heartless, jerk to her. I messed up," naiusal ni Louis. Isang patak ng luha ang lumabas mula sa kanyang mata, "I'll never deserve someone like her."

Flashbacks of their memories flooded his mind, and for that he can't concentrate his eyes on the road. His tears were continuously spilling from his eyes and he can't stop himself from sobbing.

"I wish I could be just like any other. I wish I wasn't Louis Tomlinson," umiiyak niyang sabi, "Maybe by then, I would deserve to love her."

Lumalabo na ang paningin ni Louis pero wala siyang pakialam. Parang nawala sa isip niya na nagd-drive pala siya. Si Denise lang ang nasa isip niya.

Hanggang sa hindi niya namamalayan, papalapit na siya sa isang bangin. Saglit siyang napatingin rito. Sinubukan niyang tapakan ang brake ngunit huli na ang lahat..

..Tuluyan nang nahulog si Louis kasama ang kanyang sasakyan.

--

"Hello, this is Niall Horan speaking." kalmadong sabi ni Niall pagkasagot nito ng tawag sa kanyang telepono.

"Niall! Niall, I freaking need you! This is Liam! Louis is in the hospital a-and I don't know what to do anymore! Please help me, Niall!" humahangos naman na sabi ni Liam.

Biglang napakunot ang noo ni Niall, "Okay, okay. Text me the details once you're calm."

Ilang saglit lamang ay nakatanggap na ng text si Niall. Nandoon na ang address kaya naman agad-agad niya itong pinuntahan.

Hindi pa rin naman nawawala ang pag-aalala ni Niall kay Louis. Kahit papaano ay may pinagsamahan rin silang dalawa.

Pagkarating ni Niall sa ospital ay agad niyang nakita si Liam. Gulo-gulo ang buhok nito at basang-basa ng luha ang mga mata.

"What happened?" nag-aalalang tanong ni Niall kay Liam.

Huminga ng malalim si Liam bago mag-salita, "T-The doctor said he was brought here yesterday. His car and vody was found on the cliff. A-And now, he's in the state of comatose."

Hindi pa man nakaka-recover si Niall sa pagkagulat dahil sa nabalitaan ay nag-salita muli si Liam.

"A-And earlier, he woke up and he doesn't remember anything at all!" frustrated pa niyang sabi.

Nag-isip ng maigi si Niall. Isang munting ideya ang pumasok sa isip niya. Alam niyang hindi maganda ang naisip niyang ideya ngunit sinabi niya pa rin ito kay Liam.

Niall pursed his lips and faced Liam, "We're going to hide Louis' condition to Denise and we're not gonna mention Denise to Louis."

"Oh my god, this is a serious deal, Niall. How can you easily say that Denise musn't know?!" malakas na sabi ni Liam.

"It's the right thing. If she doesn't have any idea about this, then she'll live happily." diretso namang sabi ni Louis.

"But how about Louis? Have you ever considered him?! He's your friend for Pete's sake!" nag-aalalang sabi ni Liam.

"And I'm doing this for him too! Let's just keep our mouths shut."

Sa huli ay napapayag ni Niall si Liam. Napakagat nalang ng ibabang labi si Niall.

He sighed, "I just wish it would work out."

••

Author's Note:

TADAAAAH! Na-surprise ba kayo? Trololol. Hope you enjoyed this chapter. Nahirapan ako sa pag-narrate pero sana ay naintindihan niyo pa rin.

Pwede favor? Basahin niyo naman 'yung iba kong stories. Promise, maiikli lang 'yun! Haha.

Drag Me Down / l.t [au]Where stories live. Discover now