FLSHBCK: Eleven

114 30 2
                                    

4 Years Ago

Denise's POV

"Eh. Iba pa rin kapag kasama kita, Kylie. Paano kung ayaw nila sa akin?" kinakabahan kong sabi kay Kylie.

She giggled, "Denise, sino bang aayaw sa'yo? Besides, nakayanan mo nga nung summer na 'di ako kasama eh. Saka susunod ka naman sa San Francisco 'di ba?"

I sighed, "Sige na nga. Mamimiss lang talaga kita, Kylie. First time nating 'di magkakasama." pagrarason ko.

Kasi naman.. bakit niya pa kailangang pumunta sa San Francisco? Maiiwan na naman ako.

Niyakap ako bigla ni Kylie, "Nagiging cheesy ka ha?" bulong niya saka tumawa, "Magiging okay ka dito."

I pouted, "Sinasabi mo lang 'yan kasi ikaw 'yung aalis."

Magsasalita pa sana si Kylie nang tawagin na siya ng driver para umalis. Ngayon na kasi 'yung flight niya.

Niyakap niya pa ako ng mahigpit, "O sige, Denise, mag-Skype na lang tayo, huh? Alis na ko."

Dala-dala ang maleta niya ay sumakay na siya sa kotse. I even heard her scream a goodbye.

I smiled and waved at her.

Hay, ako na lang ang mag-isa dito.

Pagkatapos umalis ni Kylie ay pumasok na ko sa bungalow. Umupo lang ako sa may sofa.

Inis naman. Kung kailan mag-aaral na ko sa university, doon pa siya napilitang mag-intern sa San Francisco..

I was homeschooled since I was kindergarten. I never had any friends except for Kylie. You can say that I'm not the "friendly" kind of person.

Kaya kong makipag-interact, makisama sa banters tungkol sa paborito kong banda, pati na rin ang makipag-joke at tawanan.. pero sa Internet lang.

Hindi talaga maganda ang social life ko in person. Siguro ay dahil na rin sa homeschooled nga ako.

Pagtungtong ko ng 18 ay pinadala ako nina Mama dito sa London at hinayaang maging "independent". Pinayagan niya na rin ako pumasok sa isang pormal na unibersidad para lang sa isang taon.

Fudge. Iniwan na nga ako ng mga magulang ko, iniwan rin ako ng best friend ko.

Ngayon, mapipilitan na talaga akong maging "super independent". Pfft.

Sa susunod na araw na ang pasukan at ni isa ay wala pa rin akong kakilala. Snob din kasi ako minsan dahil natatakot akong baka ayawan lang nila ako.

I guess, magiging loner na lang ako sa university. Okay lang naman siguro 'yon 'di ba?

Isang taon lang naman ako mag-aaral doon tapos susunod na ako sa San Francisco. It won't be that hard, right?

Ugh. Sino bang niloko ko? A year is too long for me! Suck it.

--

WELLINGTON UNIVERSITY

Crowded hallways.

Murmuring students.

Ugh, this is why I hate public places. Na-o-OP agad ako. Feeling ko 'di ko 'to kakayanin.

"Uhm.. hi?"

Napatingin ako sa lalaking nakangiti sa akin ng malapad.

I just smiled.

"You're Denise Walls, right?" tanong niya.

I nodded.

Ang saya ko talaga kausap.

"Great. Uhh, the chancellor sent me here to give you a tour." sambit niya naman.

I gulped, "Yeah, sure."

Naglakad na kami ng sabay. May beach blonde hair siya na naka-bagsak lang at pansin na pansin ang bughaw niyang mata.

"I'm Niall Horan. We're blockmates, by the way. If you need anything, don't be shy to approach me.." nakangiti niyang sabi. Syempre nginitian ko rin siya pabalik.

Umikot kami at napuntahan na namin ang ilan sa mahahalagang lugar dito sa school tulad ng library, computer lab, at canteen.

Nagj-joke rin siya na tinatawanan ko naman.

Nag-ring ang bell. Napaharap naman sa akin si Niall, "Uhm, I guess, let's eat first? I'm a bit hungry right now."

Tumango naman ako at sinundan siya sa paglalakad.

"HEY NIALL!"

Sabay kaming napalingon ni Niall sa tumawag sa kanya.

"LOUIS!" tawag niya naman dito.

Nang makalapit na 'yung lalaki ay nag-brofist silang dalawa at nagtawanan.

Biglang napatigil 'yung lalaki sa pagtawa at napatingin sa akin.

Napansin iyon ni Niall kaya naman lumapit siya sa akin, "Ah, Louis, she's Denise Walls. Denise, he's Louis Tomlinson."

"Uhm, nice to meet you." nahihiya kong sabi sabay lahad ng kamay ko.

Nginitian niya ako. Imbis na makipag-kamay ay kinuha niya ang kamay ko at idinampi niya ang kanyang labi rito.

I just gasped. This is so awkward.

"I'm Louis! Can I join you guys?" sabi niya matapos halikan ang kamay ko.

Tumingin sa akin si Niall na para bang tinatanong sa akin kung okay lang. I just nodded and smiled.

"Okay then, mate."

Pagkapasok namin sa canteen ay agad kaming umupo doon sa may bandang dulo. Occupied na rin kasi 'yung nasa harap.

"I'm gonna go order our meals. What do you guys want? My treat for today!" masayang sabi ni Louis.

Niall chuckled, "The usual, mate."

"Okay then. How about you, Denise?" tanong ni Louis sabay tingin sa akin.

I shifted uncomfortably. Hindi talaga ako sanay sa mga ganito.

"A pasta will do." sagot ko.

"Pasta? That's all?" nagtatakang tanong ni Niall.

I smiled, "Yeah."

"Pasta it is. Then I'll just decide the drinks for us. I'll be right back." sabi niya at saka umalis.

Nang maiwan na kami ni Niall sa mesa ay agad niya akong kinausap.

"Do you like him?"

Kung may iniinom lang siguro ako ay baka naibuga ko na iyon sa kanya.

"W-What?!" gulat kong sabi.

"I'm serious here." seryoso niyang sabi.

Nagkibit-balikat ako, "I guess so. Well, he's nice."

"What?! That fast?!"

"Yeah.. Why? I like you too. You're so nice to me." sabi ko pa.

Napa-facepalm siya, "No, not that kind of like. I mean like as in 'like-like'."

"Like-like? Haven't heard that before." sabi ko naman.

He sighed, "Just.. Ugh, I want you guys to remain as friends."

Of course I'm aware of what you're trying to say, Niall.

"Why is that?" tanong ko naman.

"He's not what you think he is. He's a great friend but.. Ugh, just stay as friends with him." sabi niya pa.

"We're friends...?" unsure kong sabi.

Magsasalita pa sana siya nang dumating si Louis dala ang mga pagkain namin. Inilapag niya ang tray at saka umupo sa tabi ni Niall.

"Anything eventful happened while I'm not around?" nakangiting tanong ni Louis.

"Nothing much, mate. Nothing much."

Drag Me Down / l.t [au]Where stories live. Discover now