Chapter Twenty Seven

98.1K 2.9K 525
                                    

Musika's POV

"O Mika, kailan at saan tayo magpa-practice para sa Science group project natin?"

Yung song-making.

"Oo. Sa bahay nalang. Kumpleto ako ng instruments dun eh. Meeting nalang tayo mamaya ha?"

Umalis na 'ko tapos pumuntang canteen. Ayokong makita o masulyapan man lang si Melody. Masasaktan lang ako.

"O, nag-iisa ka na naman?" Umakbay sakin si Kenji at sumabay maglakad papasok ng canteen. Pinagtitinginan na nga kami ng mga schoolmates namin. Pero sa ngayon, wala na muna 'kong pakialam.

"Ewan ko ba, Kenj."
"Wala ka bang ibang tinatambayan kundi canteen lang? Sumama ka nga sakin. "

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas. Di ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa makaabot kami sa loob ng school at naglakad sa dulo ng hallway at parang pupuntahan namin yung pinakahuling pinto kaya medyo kinabahan ako.

"Hoy, hoy san mo ko dadalhin ha?!"
"Basta."
"Hala! Hoy Kenji, ha!"
"Walang tao, don't worry."
"Baliw ka, may CCTV!"
Sinapok ko sya sa braso.
"Gusto mo ata akong ma suspend eh!"
Hindi niya ako inimik.
"Hoy, Kenji! Sige ka, sisigaw ako!"
"Ano ka ba, ang OA mo! Madali lang naman gagawin natin eh."

A-Anong gagawin ba pinagsasabi neto?!

"Ano ba kasing gagawin?!"
"Basta nga. Sshh ka lang!"
Tumawa lang siya at pinapasok ako sa loob. May pinakamataas pang hagdan.
"Nakakapagod umakyat, ayoko."

Lalabas na sana ako pero wala eh. Mapilit eh. Tsaka di naman ako kinakabahan kay Kenji kasi sigurado naman akong wala siyang gagawing masama sakin.

"Hala, sa rooftop ba 'to papunta?"
"Di obvious?" Antipatikong 'to!
"Hindi ko pa napupuntahan yun. Takot ako sa heights. Tsaka bawal dun, diba?"

"Masasarap ang bawal."
"Gagi! Ayokong ma-guidance. Umakyat ka mag-isa mo."
"Eh di naman tayo makikita."
"Eh yung CCTV, fake?"
Tinuro ko sa kisame.
"Eh di hindi magpakita."
"Gunggong, imposible yan. Ano ka, multo? "
"Trust me."

At nag ninja moves pa siya.

"Jusko. Kita mo bang hindi ako payat para hindi mahagip kahit anong angle sakin, ha?" Tumawa nga ang mokong.
"Sa laki mong 'yan Mika, mukhang imposible ngang hindi tayo makikita."
Tatapunan ko sana siya ng sapatos.
"Hahahaha! Joke lang! Diretso na, wala na yan dyan."

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa pintuan at binuksan ito ni Kenji. Sumigaw-sigaw pa.

"Woohoooo! Ngayon lang ulit ako nakapunta dito!" Tinaas-taas niya pa ang mga kamay niya at nag-stretch.

"Ang sarap ng hangin, Mika! Ayoko nang pumasok sa next class. Cutting tayo!"

Hindi ako nakabili ng meryenda ko. Anak ng---

"O. Catch!"
Hinagis niya sakin ang dala niyang Cali. Aba, favorite drink ko 'to ah?

"Hoy Mika, halika na nga! Walang CCTV dito. Alam ko di gumagana."

"Grabe."
Lumapit ako sa kanya at hinihingal parin. Argh! Ayoko nang pumunta ulit dito. Not again!

Umupo ako sa sulok pero bago yun, inayos ko muna ang uniform ko kasi baka bumakat ang bilbil ko. Hahahaha #bilbilproblems nakakahiya sa harap niya.

"O. " Pinabukas niya sakin ang Pringles.
"Para di ka ma-drain dyan. Hahaha!"  Ginulo niya ang buhok ko.

Kenji naman wag ka ngang pa-fall...

"Ano? Narinig ko 'yon!"

Hala?!

Napatakip ako sa bibig ko at feeling ko ang pula-pula ko na ngayon.

WHATTHEF*CKINGF*CK. ???

"Nafo-fall ka na ba?" Naniningkit na ang mga mata ni Kenji sa ngiti niyang parang aso.

Sh*t, talagang nasabi ko yun out loud?!

"Sasaluhin naman kita, Mika eh." Ngumiti syang wagas.
"Kaya lang baka mabalian ako, ang bigat mo kasi?"

I pouted at bumangon para sana sapakin siya pero bigla siyang tumakbo at inasar-asar pa 'ko. Naghahabulan kami ngayon dito sa rooftop.

"Pareho lang kayo ng Kuya kong asungot!"
"Hahahaha! Pinapatawa lang naman kita eh."
"Pinapagod... mo... na ... naman ako!"
"Ikaw... kasi!"

Hiningal kami pareho.

Uminom siya ng Cali niya at inalok sakin.

"Meron naman ako dito."
"Hati tayo sa isa mamaya para tipid."
"Eh ininom mo na 'yan eh!"
"Arte!"
"Naniniwala kaya ako sa indirect kiss!"

"Gusto mo direct?"

Napatahimik ako at iniwasan kaagad ang tingin niya.

Nagulat ako nang unti-unti..

Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin tapos nakatingin lang siya sa labi ko...

Anong gagawin ko?

Ano 'to?!

OMG, ANO ITO?!

KENJI???

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now