Chapter 26: Malabo

2.7K 75 3
                                    

Lucy's POV~

"Oh! Anjan ka pala Miss ganda!" I heard Mark said.

Nginitian ko lang siya.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko.

"Pinapunta kami ng magaling mong asawa" sagot niya

"Ahh, ganon ba?" Pa tango tango kong sagot.

"Nga pala, bakit ka nandito sa garden? Gabi na ah? Lalamigin ka niyan" sabi niya saka ako tinabihan sa inuupuan kong bench.

"Ahh, wala, nagpapahangin lang" sagot ko

"Ahh, nga pala kumusta kayo ng asawa mo? Nagkakamabutihan na ba kayo?" Tanong niya

"Haha" tawa ko ng mapakla "Kami? Magkakamabutihan? Haha. Malabo, malabo pa sa dugo" sagot ko saka ngumiti ng mapait.
"Sobrang Labo"

"Ha? Sa nakikita ko, hindi naman ah? Mukhang unti unti naman na siyang nahuhulog sayo" Sabi niya.

Tumawa ako, "haha, kulit mo, malabo nga. Pano niya ako mamahalin kung may laman pa yung puso niya?" Mapait kong sabi "Saka diba nga, ayaw niyang e celebrate yung monthsarry namin? Hayy, alam mo ba, di ko pa naranasang mag celebrate ng monthsarry" amin ko sa kanya, wala lang parang feel ko lang mag share, haha

"Weh? Hindi ka pa nagkaboyfriend?" Tanong niya

"Hindi pa, alam mo ba siya yung-- yung first boyfriend ko? I mean, di pala kasi di niya naman pala ako niligawan haha, ako pala yung, yung namilit pero honestly? He's my first in everything, My first love, first holding hands, first hug and first kiss, everything. At sana he's my last din" kwento ko saka ngumiti, siya naman nakikinig lang

"Hindi ka makapaniwala no? Akala niyo kasi I'm not virgin anymore diba? Because of my attitude? But well you're definitely wrong! Very wrong. Yes I'm bitch, but not a slut, dahil maniwala ka man o sa hindi, I believe in fairy-tale. Yes I believe in that, cliche right? But it's true, I believe na ibibigay ko lang tong virginity ko sa mapapangasawa ko, sa lalaking mamahalin ako ng buong buo, yung para bang ako lang? Yung ako lang ang babae sa buhay niya, except syempre sa mama niya" Tumawa ako, yung hindi abot sa mata "Pero alam ko namang malabo yun, sobrang labo, pero alam mo ba? Hindi ko maiwasang umasa, umasa na sana mahalin ako pabalik ng taong mahal na mahal ko? Na sana maging parehas ang love story ko sa love story nila dad at mom, yung nagmamahalan till death do us part. Pero wala eh, nasasaktan lang ako. Napaka sakit lang, masakit isipin na hindi din niya ako mahal? Yung feeling na asawa niya nga ako pero sa papel lang? Ang unfair eh! Ang unfair ng buhay! Ayaw ba nila akong maging masaya? Kahit, kahit sa konting panahon lang? Ang sakit, ang sakit sakit! To the point na gusto ko ng sumuko" tumutulo na ang luha ko,

Pinunasan ko yun ng marahas, nakikinig lang yung katabi ko dito

"Pero hindi ko kaya, sh*t lang! Sabi ng isip ko, tama na ang sakit sakit na wag ka ng magpakatanga!! pero yung pesteng puso ko nakaka asar, sigaw ng sigaw na, kaya ko pa! Laban pa! Pero alam mo yung nakakatakot? Yung unti unti na siyang mapagod. Baka kasi pag di na niya makayanan mapahamak to" sagot ko saka ko tinuro ang puso ko.

Hinagod niya ang likod ko saka ako niyakap, I feel comfortable to him.

"Shhh. Tahan na, kung mahal mo talaga siya wag kang sumuko, pero minsan kailangan mo ding magpahinga, hindi masamang magpahinga Lucy, magpahinga sa lahat ng sakit yung tipong break na muna kasi pagod ka na mamaya na ulit magpakatanga pahinga muna, para naman sa susunod, may lakas ka nanaman para magpakatanga " Rinig kong saad niya

*sigh* Tama siya.

"G-gusto ko ng mag p-pahinga *sob* I want a break" sabi ko then everything went black

"Lucy!" Yan ang huli kong na dinig mula kay di ko alam.


--







Yay! Suko na besh! Haha, ano kaya magandang ending? Patayin ko kaya si Lucy in the end? Wla namang forever eh, haha jk lang! Bitter lang si Author.

Vote and comment

Any violent reactions? E comment niyo na

My Secret Husband is a CasanovaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora