Chapter 15

2.3K 72 0
                                    

Lucy's POV~

Bago pa ako makaladkad ni Luke nilingon ko muna yung lalaking hinalikan ko saka ako nag salita

"By the way, You're a good kisser ;)" Sigaw ko sa kanya kasi medyo malayo na kami.

Naramdaman ko namang mas lalong humigpit ang paghawak sakin ni Luke and that thought make me smirk. That's you call 'selos' I guess?

"Aray! Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot

"Aray ano ba?! Nasasaktan ako!" Sigaw ko sa Inis,

Di pa rin siya sumagot, tumahimik nalang ako.

Saka ko lang napansin na nandito kami ngayon sa park malapit sa bar, binitawan niya ako ng pabalang kaya naman napa atras ako.

"Ano ba problema mo?" Tanong ko sa kanya ng mahinahon, di pa rin siya tumitingin sa akin.

"IKAW!" Sigaw niya saka tumingin sakin.

Wow ha?! Ako pa talaga ang problema?

"H-huh?" Tanong ko, naguguluhan kasi ako eh! Bakit ganun?

"Bakit mo ginawa yun?" Sabi niya sakin, saka ako hinawakan sa braso ng mahigpit.

"Aray ano ba?! Nasasaktan ako!" Ako.

"Ang landi mo! Napakalandi mo! Sobra!" Sigaw niya sakin,

at dun na ako tuluyang sumabog.

"Di pa ba sapat na sinasaktan mo to?!" Sabi ko habang tinuturo ng free hand ko ang kaliwang dibdib ko.

Tiningnan niya lang ako saka umiwas ng tingin.

"Tinatanong mo kung bakit ko ginawa ang ganung eksena kanina?" Tanong ko habang sunod-sunod na tumutulo ang luha ko.

Di siya sumagot, tiningnan niya lang ako saka umiwas ng tingin.

"Alam mo kung bakit?! Dahil nasasaktan ako! Ang sakit sakit na dito!" Sabay turo ko sa dibdib ko.

"Alam mo bang sa tuwing pinapamukha mo sakin na di mo ako kayang mahalin, napapaisip ako? Sinasabi ko sa sarili ko na bakit ikaw pa? Eh marami namang may gusto sakin? Bakit ikaw pa na hindi ako kayang mahalin? Bakit ikaw pa na walang pakialam sakin? At bakit ikaw pa rin kahit nasasaktan na ako? Pero alam mo bang sa kabila ng mga yun? Pinipilit kong lumaban, pinipilit kong ipaglaban ang sinisigaw niya! Na kahit hindi na sang-ayon yung utak ko, Go pa rin ako? Saya no? Haha"

Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi yan at tumawa ng mapakla dahil nanghihina na ang Tuhod ko, na anumang oras ay babagsak na ako.

Nag salita siya na kina wasak ng puso ko.

"Pinili mo yan, that's not my fault, I didn't ask you to Love me Lucy, that's your choice not mine" malamig niyang tugon saka tumalikod at naglakad papalayo..papalayo sa akin.

Ilang beses na tong na ulit, ilang beses ng na ulit ang pag iwan niya sakin ngunit di pa ako sanay. Haha siguro, dapat na akong masanay

Yan kasi! Magmamahal na nga lang sa taong di pa kayang magbalik!- Utak.

Wag ngayon, please lang malaki na ang sugat ko - Puso

Nandito lang ako sa park naka upo sa bench habang umiiyak. Ang sakit kasi ang sakit sakit! Durog na durog ang puso ko.

"Miss mukhang kailangan mo to" Dinig kong sabi sabi ng kung sino.

Tumingala ako at nakita ko siya nakangiti habang inaabot sa akin ang panyo niya.

Nandito siya. Buti nalang at nandito siya.


---------------------------------------------------------

End of chapter.

This chapter is dedicated to BlackAppleDiamond
:) thank you for your votes black :D I really appreciate it. Hope tuloy-tuloy na :D

Nga pala yung mga nagvo-vote at nagcocomment sa mga stories ko Mag dedicate ako ng chapters para sa inyo.

Patuloy niyo po sanang subaybayan :)

Vote and Comment.

My Secret Husband is a CasanovaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora