Chapter 16

2.3K 72 4
                                    

Lucy's POV~

Simula nung gabing yun iniiwasan ko na si Luke, nasasaktan kasi ako eh, kapag gabi, tulog na siya pagdating ko o vice versa, di na rin muna ako natutulog sa kwarto na katabi siya, ginamit ko muna ang guest room. Tapos kapag Umaga naman Madaling araw akong gumigising para ipagluto siya at i-ready ang mga kailangan niya pag pasok sa opisina bago ako umalis papuntang companya.

Mga Tatlong Linggo ko na rin ginagawa yan at sa Tatlong Linggo na yan wala akong ginawang iba kundi ang iwasan siya kahit miss na miss ko na siya.

Tumigil ka nga! Ikaw lang yung nakamiss, siya walang paki!- Utak

Edi-- Puso

Edi ano?!- Utak

Edi WOW! - Puso

Tsk, nag aaway na naman sila oh -_-

"Hoy Lucy!"

At simula nung gabing yun, palagi na kaming magkasama ni Jan, at oo nga pala siya yung nagbigay sakin ng panyo, bestfriends na nga kami eh.

"LUCY!"

"Ayy! Butiking nanganak ng kabayo!! Piste ka talaga Jan!! Grr." Sabi ko saka siya binatukan manggulat ba daw? at ang loko tumawa lang, Piste talaga!

"Pfft. Kasi HAHAHA ikaw!" Sabi niya habang pinipigilang wag matawa pero nabigo naman siya.

"Anong ako?! Nakakaasar ka na ah!" Naaasar kong sabi saka siya pinalo-palo, kaasar kasi.

"A-aray! Hahaha A-aray ano ba?! Nakakatawa ka lang kasi A-aray! Tama na! Haha A-aray!" Utal utal niyang sabi.

"Ano namang nakakatawa dun?" Tanong ko sa kanya saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Kasi nag e-emote ka jan, di naman bagay haha, saka ang cute mo kasing magulat, pero teka? Tanong ko lang? May butiki bang nanganganak ng Kabayo?? HAHAHA pfft." Sabi niya saka tumawa ng tumawa.

"Ma-utot ka sana! Hahaha" tawa ko rin kasi pulang pula na siya.

"Aheem, aheem" Ng biglang may tumikhim kaya naman napatigil kami at nilingon kung sino man yun.

Paglingon ko O_O

"Oras ng trabaho ngayon! Back to work! Di kayo binabayaran dito para lang tumawa at magharutan!" Masungit na sabi ni Luke, Yeah si Luke to.

At Haha pwedeng mahiya? FYI lang ah? Ako yung nagpapa sweldo dito tas wow ha?! Harutan? Big word! Siya nga, nakikipag-make out eh -_-

Tumalikod nalang ako at di siya pinansin. Tsk. Papansinin ko nalang ang mga papers na nakatambak dito sa table ko kesa naman pansinin nanaman siya masaktan nanaman ako.

Pero di ibig sabihin non sumusuko na ako, I need some break lang sa sakit

Pag medyo medyo ok na ako, wag kayong mag alala babalik nanaman ako sa pagiging tanga :)






--------------------------------------

Sino ang gustong magpapa-dedicate ng Chapters? Wag mahiyang i-PM ako.

Saranghae Readers :*

Vote and Comment :)

My Secret Husband is a CasanovaWhere stories live. Discover now