Chapter 20:Date 2

2.1K 71 2
                                    

Lucy's POV~

Tumawa lang ako sa reaksyon niya haha. Ang kyut kasi.

"Oh tapos ka na bang sumuka? Haha" Pang aasar kong tanong.

Sinamaan niya ako nang tingin.

"Hehe, peace ^_^v" Sabi ko saka nagpacute.

"Tsk. Ikaw talaga, tara na nga!" Sabi niya saka hinila ako papuntang O_O Horror House?! Waaaaah!!

Feeling ko namumutla ako. Grr.

"Ah.eh Luke, sa i-iba n-nlang t-tayo?" Nauutal kong sabi saka pilit na ngumiti, kinakabahan kasi talaga ako.

Ngumiti siya, Waaah! Kinakabahan ako sa ngiting yan. Huhuhu

"It's pay back time *smirk*" Waaaah! Ang hot niya kapag nag i-ismirk.

Sarap yakapin, halikan ayy! Ano ka ba Lucy! Nagiging pervert ka na! Tsk. Erase, erase.

Hinila na niya ako dun.

Pagpasok namin nakakatakot na

"Kyaaaah! Putsa! Umalis ka diyan! Kung ayaw mong mamatay!!" Sigaw ko saka ko sinapak yung multong nanggulat sakin.

Tsk. I heard him chuckled.

"Haha, wag kang manapak haha" inirapan ko lang siya, saka naglakad ulit.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hawak ka sakin, baka mawala ka" sabi niya

Maraming nagtitilian, at nagtatakbuhan kaya naman nung nabangga nila kami napabitaw ako sa kamay niya.

Shit! Asan na siya? Kyaaa! Natatakot na talaga ako. Huhu

"LUKE!" tawag ko sakanya, di ko kasi siya makita.

Naiiyak na ako sa takot, huhuhu.

"BOO!" May biglang nanggulat sakin at dahil sa takot ko nasapak ko siya!

"Puta! Sabi nang tigilan niyo ako eh! Huhuhu" Wala na, umiyak na talaga ako. Huhuhu

Tumakbo ako palabas ng horror house kasi bigla akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib.

Umiiyak pa rin ako habang hawak hawak ko ang dibdib ko, di kasi ako makahinga, nakaupo ako sa may bench dun ng biglang may yumakap sakin.

"Akala ko nawala ka na, tinakot mo ako" bulong ng yumakap sakin.

Kumalas ako sa yakap upang malaman kung sino yun at tama nga ang hinala ko it's Luke.

Yinakap ko siya ulit

"Kala ko iniwan mo na ako" pabulong kong sabi

"Saan ka ba kasi pumunta? Wag ka na ngang umiyak" sabi niya saka kumalas sa yakap.

Di ko siya sinagot bagkus yinakap ko siya ulit.

"I Love you" bulong ko sa tenga niya.

Di siya sumagot, kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang sasabihin ko.

"I love you, to the point na gusto nalang kitang pakawalan kasi alam kong di ka sasaya sa piling ko, I'm sorry kung selfish ako, masama bang ipagdamot kita? Wala eh, mahal kasi kita, pero wag kang mag alala pagkatapos ng 100 days? Pakakawalan na kita, For now, Can I have a one favor?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak, nakayakap parin ako sa kanya.

"Ano yun?" Mahinang sagot niya.

Kumalas ako sa yakap saka ko tiningnan ang relo ko, it's 8:17 Pm

"Pwede ba tayong magpanggap na mahal natin ang isa't isa kahit ngayong gabi lang? Kahit hanggang 12 am lang?" I begged.

Sana pumayag.

"Tara!" Sabi niya saka hinila ako patayo

"Punasan mo na yang Luha mo, tumatakbo ang oras" sabi niya, saka ngumiti.

Ngumiti ako.

"Tara!" Excited kong sigaw

~3 hours Later~

Halos lahat ng rides na sakyan na namin pwera nalang sa Ferris wheel

Itong araw nato
October, 17 20** NOTED! Ito ang pinakamasayang araw na kasama siya.

"Sa Ferris wheel tayo Asawa ko? Anong oras na ba?" Tanong ko

"It's 11:35pm, sige tara" sabi niya saka hinila ako.

Nakakalungkot isipin na pagkasapit ng alas dose, tapos na to, na bukas balik nanaman tayo sa dati, hinihiling ko na sana ganito nalang palagi. Ngayong gabi naramdaman ko ang pagmamahal niya kahit kunyari lang

Napangiti ako ng pilit.

Nakapasok na kami sa Ferris wheel umiikot na ito, kaya nagsalita na ako.

"Luke" tawag ko sa kanya

Tumingin siya sakin

"Salamat" sabi ko ng nakangiti.

"For what?" Tanong niya

"For this, for giving me a chance to feel that you love me too even if I know na kunwari lang to" napangiti ako nang mapait sa huli kong sinabi.

Nakaiwas lang siya ng tingin.

"Kahit kunyari lang to asawa ko? Na kahit alam ko na bukas pag gising ko hindi na ganito? I always treasure this night, kahit pa sa kabilang buhay ko, ok lang na di mo ako mahal, wag mo lang akong iwan, just in 100 days asawa ko, payagan mo akong ipadama sayo yung pagmamahal ko kahit wag mo nang suklian, ok na ako dun" ngumiti ako, yung totoo.

"Mahal kita asawa ko, saranghae, I Love you" sabi ko Saka hinalikan siya sa pisngi, napatingin naman siya sakin

Ngumiti ako

Bumukas na yung pinto sa ferris wheel tanda na tapos na ang pag ikot nito

Hinawakan ko yung mukha niya saka ko siya hinalikan, smack lang tapos pinagdikit ko yung noo namin nagtitigan kami

"I Love you" Bulong ko saka ko siya iniwan dun.

Uuwi na ako, Too much for this day.






-------------------++++++++++++++////+++++++++//+/------

Vote and comment please?

Comment kung pangit ba o hindi. Please lang comment kayo, para malaman ko kung itutuloy ba natin to o hindi.

Please comment.

VOTE NA RIN :) Love you guys :*

My Secret Husband is a CasanovaWhere stories live. Discover now