Chapter 22:Aminin

2.3K 62 1
                                    

Lucy's POV~

Nandito ako ngayon sa balkonahe ng house resort nila Luke sa Palawan, kakadating lang namin at talagang napagod ako.

Ang ganda dito, ang tahimik ng dagat sana ganito nalang din ang buhay ko, tahimik, yung walang problemang iniisip.

Tahimik lang akong nakatayo habang pinagmamasdan ang dagat at ang mga bituin nang biglang may yumakap sa akin sa likod.

At amoy pa lang, alam ko na kung sino to kaya naman pinabayaan ko nalang. I don't want to ruined this moment. Ang sarap lang isipin na yakap ka ng taong mahal mo. I feel secured.

"Asawa ko?" Bulong niya. W-what? This is the first time na tinawag niya akong 'Asawa ko' ang saya!

"Hmm?" Sagot ko
Ano kaya ang sasabihin nito.

Luke's POV~

Bumabagabag parin sa isip ko ang mga sinasabi ni Angel kanina, ewan ko ba kung bakit natatakot akong iwan niya ako Aisht. Diba nga gusto kong pakawalan na niya ako? Pero bakit taliwas ang sinasabi ng puso ko sa isip ko?

"Asawa ko?" Tawag ko sa kanya, at tila nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya, ako din naman eh.

"Hmm?" Sagot niya

"Hindi mo naman ako iiwan diba? Hindi ka naman siguro mapapagod na mahalin ako?" Sh*t bat ko tinanong yun! Ah bahala na nga!

"Huh? Anong klaseng tanong yan? Syempre, hindi ako mapapagod na mahalin ka, pero masaktan? Ewan ko nalang" mahina niyang sagot.

"Hindi mo ako iiwan diba?" Aish! Ano ba tong lumalabas sa bibig ko? Grr

Hinarap niya ako saka hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Hindi, hindi kita iiwan, ayaw din kitang pakakawalan, unless kung gusto mo nang pakawalan kita, mahal kita. Alam mo yan, at handa akong gawin ang lahat maging masaya ka lang, kahit hindi sa piling ko" mahinang sabi niya saka hinalikan ako ng mabilis, aaminin ko, sa lahat nang babaeng nahalikan ko ang labi niya ang pinakagusto ko

"Aminin mo nga, iniisip mo rin ba yung mga sinasabi ni Angel kanina?" Dagdag niyang.

"H-hindi no!" Deny ko.

She smirked. Tsk. Lumalabas nanaman pagiging bitch ng babaeng to.

"Aminin mo nga, Mahal mo na rin ba ako?" Tanong niya.

"Hindi. Wag kang assuming, matulog ka na nga!" Singhal ko sa kanya.

"Hmm, nakakalungkot naman" malungkot niyang sabi, pero maya maya ngumiti siya. Tsk. Bipolar ba tong babaeng to?

"Ok lang! Alam ko namang malapit mo na ako mahalin. Umaasa ako" nakangiti niyang sabi.

"Do your best" sabi ko saka nag smirked.

"Talaga! Gagawin ko ang lahat mapasa akin lang yang puso mo, Mahal kita asawa ko, tandaan mo yan kahit wala na ako" sabi niya saka tumalikod na at humiga na sa kama. Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi ang alam ko lang masaya ang puso ko sa narinig ko, ewan ko ba! Mukha kasing nakaka move on na ako sa kanya nang dahil sa babaeng to.

Lumabas nalang ako sa kwarto habang umiiling, tss.

She never failed to make me smile.






--------------------------------------

Yay! Sino kaya yung tinutukoy ni Luke? Abangan.

VOTE AND COMMENT PLEASE?

My Secret Husband is a CasanovaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora