Chapter 21:Hugot ni Bestfriend

2.2K 63 2
                                    

Lucy's POV~

Days had passed, at sa loob ng mga araw na yan pinapatunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya, inaalagaan ko siya at sweet ako sa kanya .

Lahat ng gawain ng asawa ginagawa ko na, pwera nalang sa pagsuko kay perlas, di pa naman niya hinihingi eh. Siya naman, simula nung Date namin nakakalungkot isipin na bumalik nanaman siya sa dati, mukhang pinagbigyan lang niya ako nung gabing yun haayy. Yaan na nga may 62 days pa naman ako eh.

*

KINAUMAGAHAN maaga kaming gumising kasi pupunta kami sa resort nila sa palawan.

"Asawa ko, ligo ka na, ready na lahat, ikaw nalang ang kulang" nakangiti kong sabi.

Ako lahat nag asikaso mula sa pag iimpake ng mga damit niya hanggang sa pagligo niya.

Bumangon naman siya saka naligo na.

Nasa kotse na kami ng biglang nag ring ang cellphone ko. It's Angel

~Convo in phone~

"Oh?"

"Pupunta ba kayo sa resort ngayon? *sob*"

"Umiiyak ka ba Angel?"

"Pwede bang sumabay ako sa inyo?"

"Huh? Oh sige"

-End of call-

Tumingin ako kay Luke, tiningnan naman niya ako ng SINO-YAN Look.

"Si Angel, sasabay daw siya sa atin, asawa ko. Ok lang ba?" Tanong ko.

"K" maikli niyang sagot.

Sinundo namin siya. Pero nakakagulat lang na pagpasok na pagpasok niya ay humagulgol siya.

"Hoy! Anyare sayo?" Taranta kong tanong habang si Luke naman tahimik lang na nagdadrive.

"Bakit ganon? *sob* Iniwan niya ako! Huhuhu *sob*" iyak niya.

"Baka sawa na siya" biglang sabat ni Luke. Tiningnan ko siya ng masama, di kasi siya nakakatulong eh, mas lalo kasing umiyak si Angel.

"Oo nga baka sawa na siya *sob* kaya niya ako iniwan *sob* bakit ganyan kayong mga lalaki Luke? Kapag sawa na iniiwan niyo na, di kayo makontento. Na kahit ginawa na namin lahat mahalin niyo lang kami ng tapat bakit hindi pa rin? Alam niyo bang ang sakit sakit na? Kaya ikaw Luke? Pahalagahan mo yung taong hinahanap at naiisip ka kahit wala siyang kailangan sayo dahil yang taong yan ang masarap mahalin. Makuntento ka, kung ayaw mong magising ka nalang kinaumagahan na mahal mo na pala siya pero" she paused. Huminga siya ng malalim.

"Pero wala na pala siya kasi napagod na ang puso niyang mag mahal at masaktan ng paulit-ulit. Kaya Luke? Please lang pahalagahan mo siya" makahulugang dagdag niya.

Naiiyak na ako. Si Luke naman tahimik lang na nakikinig habang nagdadrive.

"Tsk. Matulog ka na nga Angel! Ang drama mo. Naiiyak na ako alam mo ba yun?" I'm trying to lighten up the mood, ang drama kasi eh.

Ngumiti lang siya saka natulog.

Ako naman naiwang nagiisip sa mga sinabi niya hayy.

Makatulog na nga lang! Tsk.

--------------------------------------

VOTE AND COMMENT

My Secret Husband is a CasanovaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα