"Ronnie, bakit ganun? Ako ang may gusto nito diba? Pero bakit ang sakit sakit pa din?"


Umiiyak na si Shariah kaya nasisiguro kong lasing na nga sya.


"Shah, just tell me where you are. Please."


Binaba na ni Shariah ang tawag kaya hindi ko nalaman kung nasaan sya ngayon. Inistart ko na lang ang kotse ko. Babaybayin ko na lang ang bawat bar dito sa lugar.


Habang nagddrive ay kinokontak ko si Shariah pero hindi nya sinasagot ang tawag ko.


Hanggang sa mapadaan ako sa isang bar kung saan nakita kong nakaparada ang kotse ni Shariah. Bumaba agad ako ng kotse ko at sakto namang kalalabas lang ni Shah sa bar. Pagewang gewang pa sya habang naglalakad papunta sa kotse nya. Agad ko syang nilapitan at inalalayan dahil muntik na syang matumba.


"Ronnie?..hahaha..ano ba yan, dahil sa kakaisip ko sayo, naiimagine na kita..hahaha.."


Lasing na lasing si Shah habang tinatapik tapik pa nya ang pisngi ko. Binuhat ko na lang sya at ipinasok sa kotse ko.


"hoy..ikaw hah..sino ka? Paano mo nakopya ang mukha ni Ronnie?"


Napatingin ako kay Shariah. Kailan pa sya naging maglalasing?


"Alam mo mahal na mahal ko si Ronnie."


Natigilan ako sa sinabing iyon ni Shariah. Seryoso na sya ngayon.


"Kaso ipinagtabuyan ko sya. Sinabi ko na hindi ko sya mahal kaya ayun, ikakasal na sya. hahaha. Dapat masaya ako pero hindi ko magawa. Ang sakit sakit kasi eh."


Nag-umpisa nang pumatak ang mga luha ni Shariah. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang sya na magsalita ng magsalita.


"Gustong gusto ko syang bawiin. Gustong gusto kong sabihin na mahal na mahal ko sya. Pero anong karapatan ko diba? Desisyon ko ang i-let go sya at sundin ang gusto ng nanay nya."


Sundin ang gusto ng nanay ko? Teka, anong sinasabi nya?


"Ikaw, kilala mo ba si Ronnie? kamukha mo sya eh, sa pagkakaalam ko naman wala syang kakambal. O baka naman naghahalucinate lang ako? Tss. Lasing na nga ako. hahaha"


Hindi ko magawang iistart ang kotse ko. Dahil gusto kong marinig ang lahat ng sasabihin ni Shariah.


"Kapag nagkita kayo ni Ronnie, pakisabi na lang na mahal na mahal ko sya hah. Pero wag mong sasabihin na ako ang may sabi. Baka kasi iwasan ako nun. Kanina lang kasi kami naging close ulit. hahaha. Natatawa ako sa sarili ko. Nasasaktan na nga ako pero patuloy pa din ako sa pagmamahal sa kanya. Hindi ko sya magawang kalimutan. Dahil after all these years, sya pa din ang tinitibok ng puso ko."


Totoo ba ang lahat ng sinasabi nya o nasasabi nya lang yun dahil lasing sya? Pero sabi kasi ng iba, kapag lasing ang isang tao, dun mo malalaman ang lahat ng totoo sa kanya.


"Shah.."


Lumingon ako kay Shariah kaso tulog na sya. May luha pa sya sa magkabila nyang pisngi kaya pinunasan ko iyon.


"Totoo ba lahat ng sinabi mo Shariah?..















Kasi kung totoo lahat ng sinabi mo, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sayo."



*****

Sa nagbabasa nito, salamat ^_^

God bless!


---nnaeillek




2nd chance -the book 2Where stories live. Discover now