Bago pa niya matugon ang halik nito, pinakawalan ni Nykyrel ang mga labi niya.

His lips were mere inch apart from hers. Oo nga at pinakawalan nito ang mga labi niya pero napakalapit naman niyon. Naghalo ang hininga nilang dalawa at matiim ang titig nito sa kaniya.

She wanted to ask badly why he kissed her? Pero hindi niya magawa, wala siyang lakas ng loob. Pagdating kay Nykyrel, nawawala siya ng lakas ng loob.

"Nykyrel..." bulong niya sa pangalan nito.

Hinaplos nito ang nakaawang niyang mga labi, "ito ang kailangan ko sayo. I need to kiss you. I need to see you. I need to touch you. I need to... damn it!"

"Why?" She finally asked.

Lumamlam ang mga mata nito, "kasi mababaliw na ako sa kakaisip sayo. Simula ng makita kita ulit, ikaw nalang palagi ang laman ng isip ko. Ikaw lang, Lechel, ikaw lang."

Gusto niyang maniwala, gustong-gusto, pero masakit pa rin ang ginawa nito isang taon ang nakakaraan.

"Nykyrel," huminga siya ng malalim, "you made your choice a year ago."

"I know." Hinaplos nito ang pisngi niya at pinaulanan ng halik ang mukha niya, "at hindi ko pinagsisihan na pinili ko ang career mo. Look at you now, you got promoted and you deserved it. Hindi ko hahayaang ako ang maging dahilan para hindi mo maabot ang pangarap mo bago mo pa ako makilala. I will not be your downfall, Lechel, because to me, you are my light, my hope and salvation. And i want to be like that to you too." Masuyo nitong hinalikan ang mga labi niya. "God, Lechel, you don't know how much it pained me to send you away."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "But you still did. Pinapili kita, Nykyrel, handa akong manatili sa tabi mo kung sinabi mo lang."

"Iyan ang kinakatakot ko." Niyakap siya nito at hinalikan sa nuo, "nagawa mong akyatin ang gate ng bahay ko para sa promotion mo, alam ko kung gaano 'yon ka importante sayo. Alam ko, Lechel, kaya pinaalis kita. And also, i need time for myself. I need to fight my demons. I need to flash them out of my life. Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbabago sa buhay ko. Please, give me another chance to prove to you that I'm worthy of your attention, that I'm the man that you can be proud of." Nagmanakaawa ang tingin nito sa kaniya, "alam kong hindi ko kayang pantayan ang isang RV Volkzki. I'm just Nykyrel Guzmano, you knew me inside and out and i know i could never be as confident and amazing as RV, but please, I'm begging you, please, give me a chance. Please... please... please..." dumaos-dos ito at lumuhod sa harapan niya saka tumingala sa kaniya, "please, Lechel. I need you. Ayoko nang magising nang wala ka sa tabi ko. Ayoko nang gumising sa araw-araw na ginawa ng diyos na wala ka, na hindi kita mayakap, na hindi kita mahalikan, na hindi ko man lang masabi sayo na 'Lechel, i miss you'. I tried so hard to be strong for a year so when you came back, you'd be proud of me. Pero Lechel, nadi-drain na ang tapang ko, kailangan kita. Kailangan na kailangan kita sa buhay ko. Please, give me one more chance, one more... please, just one more."

Tumulo ang luha ni Lechel sa pagmamakaawa ni Nykyrel. God. He doesn't have to beg.

Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila.

Sinapo niya ang mukha nito at matamang pinakatitigan ito. She can see determination and desperation in his eyes. God. This man amazes her in so many ways. No wonder she fell madly and deeply in love with him.

"Nykyrel," she pressed her thumb against his lips and smile softly, "God, you don't have to beg." Pinagdikit niya ang nuo nilang dalawa at ipinikit ang mga mata niya, "i miss you too, baby. I do. I really miss you." Bumuga siya ng malalim na hininga habang tumutlo ang luha niya. Humalagpos ang kinikimkim niyang nararamdaman dito na pilit niyang sinusupil dahil natatakot siya na baka hindi sila preho ng nararamdaman. "One year, Nykyrel, one year. God... one year. I miss you too."

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum