"Ano nanaman ba kasi ang iniisip mo girl?" Si Eunice na kagagaling lang sa banyo at tinabihan ako sa napakalapad naming dresser. Dito kami sa club nagkakilala. Magkasing edad lang kami pero mas nauna siyang nagtrabaho dito sa club. 18 years old lang siya non.

"The usual." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Hay naku besty! Maghanap ka na lang kasi ng papa rich para naman hindi ka na lagi problemado sa pera." Sabi niya nakatingin sa salamin ay inaayos ang make-up nito.

"Ayoko nga." Agad kong sabi. "Di ko kailangan ng lalaking sakit lang ng ulo ang ibibigay sakin noh."

"Hay naku besty." She said patting me on my shoulder. "Talagang pinanindigan mo na iyang panata mo n iyan. Sa totoo lang ang daming gwapo at papalicious na 'tomer na gusto ka i-table at mga big time pa ah pero ikaw todo tanggi."

"Hmp! Big time na may mga asawa na at gusto lang akong ikama ng mga yon noh." Sabi ko nga. Eto kasing si Eunice kung minsan tume-table siya sa customer pero pili lang. Usually, gwapo at may pera ang type niya.

"Alam mo besty." Sabi niya at humarap ulit sa salamin at inaayos naman niya ang buhok niya. "Ikaw na lang anb kilala kong virgin na nagtatrabaho sa club."

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. "Yeah right." Virgin ako nung mapunta ako dito sa club and of course mananatili ako sa ganitong status dahil ito na lang ang natira sakin. Wala na nga akong pride eh. Pati ba naman virginity ko isusuko ko? No way!

"Tama na ang daldalan dyan Naya at divine malapit na talaga tayo magumpisa, five minutes na lang." Bungad nanaman ni Mama Tere sa may pinto, nalingon kami ni Eunice. Pen names namin Divine at Naya. Ako Naya ang gamit kong pangalan samantalang si Eunice naman ay Divine. "Naya ikaw ang mag-open ng show solo flight ka ngayon sa sexy dance number mo."

In Love With A StripperWhere stories live. Discover now