Ivan (PNY12)

26 4 6
                                    

Entry ko para sa PNY12 (Pahina ng Pasko, December to Remember). Ito rin ang male POV ng kwentong Lara.


***

"Kinakabahan ako sa gagawin ko, Banjo." Hinithit ni Ivan ang kanyang sigarilyo bago niya ito binitiwan sa sahig at saka tinapakan.

"Pwede namang huwag na natin ituloy 'yang plano mo, pare, eh." Tumingin siya sa kaibigan sabay iling.

"Hindi, pare. Gusto ko na ng bagong buhay. Kailangang gawin ko na 'to."

"If you say so, Ivan. Basta walang sisihan kapag pumalpak, ha? Labas na ako doon. Just let me know if you've changed your mind." Tinapik siya nito sa balikat bago umalis papasok sa gusali kung saan sila parehong nagta-trabaho bilang mga programmer.

Hindi. Hindi na ako pwedeng umatras. Matagal ko nang pinagplanuhan iyon at kailangang mangyari ang lahat ng ayon sa plano. Tama. Kailangan ko lang lakasan ang loob ko para magawa ang dapat sa araw na iyon. Isang malakas na buntong hininga muna ang kanyang pinakawalan bago siya bumalik sa loob ng opisina.


***

"Lagi kasi kitang tinatanong noon kung nakabili ka na ng regalo para sa Mama mo, eh! Ayan tuloy, ngayon pa tayo nakikipagsiksikan dito! Alam mo namang maraming tao kapag ganitong araw na, Ivan!" Inis na itinulak ni Lara ang pinto ng boutique kung saan sila bumili ng regalo para sa ina ng nobyo na magdiriwang ng kanyang kaarawan bukas, ika-dalampu't lima ng Disyembre.

"Sorry na, Babe. Huwag ka na magalit, please? I was thinking about a lot of things these past weeks, kaya nawala sa isip ko." Pagsuyo nito sa nobya.

"Eh bakit kasi hindi na lang ako ang inutusan mong bumili ng regalo? Para noong November pa lang, ready na! At ano? Marami kang iniisip recently? Sa tingin mo, ako, walang iniisip? Si Papa nasa ospital pa rin dahil sa stroke, si Kuya, nabuntis 'yong girlfriend niya at si TinTin, humihingi na ng pera para sa requirements niya sa graduation! Mas marami pa ba ang iniisip mo kaysa sa 'kin, huh?!" Patuloy pa rin ang lakad nilang dalawa sa Mall habang bitbit ang mga pinamili.

"Lara naman... I know how hard your situation is and I am very willing to help you out. Just let me-" At nakita niya ang pagguhit ng kalungkutan sa mukha nito.

"I appreciate that you want to help my family financially, Ivan, pero ayokong mag-take advantage sa yaman niyo. Problema ito ng pamilya namin, kaya naming lagpasan ito. Just... always be there for me, okay?" Bilib talaga siya sa kasintahan. Sa tatlong taon na pagsasama nila, ni minsan, hindi ito humingi ng kahit anong materyal sa kanya. Ayaw niya ng ginagastusan siya nito dahil para sa kanya, bawat piso ay pinaghihirapan at hindi dapat ginagastos sa hindi masyadong importanteng mga bagay. Ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa't isa.

"I will always be here for you because I love you. Matatapos din lahat ng problema, Lara."

"Salamat, Ivan." At napangiti na ang dalaga na kanina lang ay sumisigaw sa kanya. "Kain na tayo."

"Sure! Banjo's sister opened a restaurant here. Pwede natin subukan 'yong pagkain doon." Hinawakan niya ang kamay ng nobya at lumakad na papunta sa sinasabi niyang restaurant.


***

Dahan dahang iminulat ni Ivan ang kanyang mga mata at agad nakaramdam ng sakit sa kanyang mga braso at binti. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa isang bakal na upuan. Tumingin siya sa paligid at nakitang nasa isa siyang bakanteng warehouse. May isang maliit na kwarto sa harapan niya at may screen sa itaas ng pinto nito.

Bumukas ang screen at nakita niya si Lara na nagsusulat sa pader. May mga kulay pulang katagang nakasulat dito, malapit kung saan nagsusulat ang nobya-

LIar WAy You kilL MY RUMOR Eh?

Sa ibaba noon ay may iba pang nakasulat-

XII XXIII XXV XXIXV XVIII V XXV XIII XII IX I XVIII XV

Ano ba'ng nangyayari?! "Lara!!!" Nakita niyang napatigil sa pagsusulat ang nobya at lumingon sa direksyon kung saan tila nakikita rin siya nito.

"Ivan!" At biglang namatay ang screen. Pinilit ni Ivan na makawala sa pagkakatali sa upuan, ngunit bigo siya. Inilibot niyang muli ang tingin sa paligid at tumama ang mga mata niya sa isang pamilyar na tao. "Hoy!" Lumapit ang taong iyon sa kanya at nakangising huminto sa harapan niya.

"Hindi ito ang plano, bakit pati ako?!"

"Kalma, pwede? Naisip ko kasi na mas may thrill ang lahat kung ganito ang mangyayari. Lara's really bright, this plan's going to be a success. Ang galing ng naisip mong locked room scene."

"Humanda ka kapag natapos na ang lahat ng ito!" Banta ni Ivan sa kausap. Tumawa lang ito ng mahina at may kinuhang tila radyo sa kanyang bulsa at nagsalita rito.

"Limang minuto." Tumingin ito kay Ivan at tinapik ito sa balikat, "Proceed as planned."


Ilang minuto pa ang lumipas at biglang nagbukas ang pinto ng kwartong nasa harapan ni Ivan. Iniluwa nito ang nobya at humahangos na tumakbo ito patungo sa kanyang direksyon. Agad siya nitong kinalagan at bakas sa mukha nito ang sobrang pagaalala. "Okay ka lang ba?" Maluha-luhang tanong nito. "Sino'ng gumawa nito sa atin?"

"What's the answer?"

"Huh?" May pagkalito sa tono ng nobya at sandali siyang natigilan. Maya maya'y humawak ito sa kanya at sumagot, "It's 'Will-"

"No, not that." Pinutol niya ang sasabihin ng dalaga at lumuhod siya sa harap nito. Alam kong masasagot mo iyon dahil bata ka pa lang, mahilig ka na sa mga palaisipan.

"I'm... confused, Ivan." Napalitan ng gulat ang pagkalito sa mukha ng nobya.

"I know how much you love puzzles and riddles. Kaya naisip ko 'to." May kinuha siya sa bulsa niya at binuksan ito. Sinambit niyang muli ang sagot sa palaisipan at napangiti ng matamis ang si Lara.

"Yes!"


---End of Story 11.08.15




One shots RevealedWhere stories live. Discover now