Author's Note

233 5 0
                                    

Hello po! Kape, anyone? :)

Ito ang apat na istoryang ipinasa ko noong sumali ako sa Wattpad writing contest na Incognito: Battle of the Unknown 2014 (Season 1). 

Pinili kong sumali sa Team Mystery noon, bilang pinaka-malapit sa akin ang Mystery/Thriller genre, at pinalad nga akong mapabilang sa Mythical Five. 

Bukod sa apat na entries, makikita niyo rin dito ang audition piece ko. Edited na po ito lahat ng inyong mababasa. Inayos ko lang ang spacing at ilang typographical errors na nagawa ko noon. 

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Incognito, sa mga Facilitator, sa mga Coach at sa mga kapwa ko kalahok sa patimpalak na ito. At lalo na sa mga taong sumuporta sa akin at sa mga isinulat ko. Maraming maraming salamat! 

~imbethqui

***update***
Sa kahiligan kong sumali ng mga mga contest, ayan, dumami na. haha! May pumasa at nanalo, may hindi pumasa at natalo. Sana'y matuwa kayo sa mga mababasa niyo. Maraming salamat muli!

-updated note: 12/06/16

One shots RevealedWhere stories live. Discover now