Chapter 26 - Let's Jog

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ay hindi. Si ateng nagbebenta ng gulaman.", ang pilosopong sagot naman ni Webster habang itinituro si Aling Bebang sa may likuran namin.

"Naku. Hindi na may pupuntahan pa'ko."

"Alright, ihatid na kita sa pupuntahan mo."

"Ah... eh... hindi na... hindi pa kasi nagtext yung friend ko kung sa'n kami magkikita."

"Are you kidding me? May pupuntahan ka ba talaga? Or ayaw mo lang sumabay sa'kin?"

"Huh? Eh pareho.", ang sagot ni Armalite girl na ikinaasar ni Webster. Nabadtrip na siya, kaya ako naman ang pinagbuntungan.

"You Big Fat Boy!"

"Bakit?"

"Wala naman. Yung roasted turkey pinadeliver ko na sa house niyo. Just see you this weekend.", ang sagot niya sa'kin bago magpaharurot ng sasakyan.

"Roasted turkey? Wow! Sarap naman nun. Pati pala si Webster noh? Puno na ba yung klase mo this weekend?"

"Yung Saturday puno na pero may slots pa for Sunday. Wanna join?"

"May mga classmates ba tayong kasama?"

Nagpapatawa ba siya? Siyempre wala. E matatalino nga lahat ng nasa section namin diba? Napasmile na lang ako habang pinupunasan ko ang pawis ko.

"Oh smile lang? So ibig sabihin wala. Ok."

"So hindi ka na magpapalista?"

"Ang sabi ko naman sa'yo kaya ko naman mag-aral mag-isa."

Siya na yata ang pinakamapride na taong nakilala ko. Haha e di wag!

Just got home. Dumeretso kaagad ako dito sa kusina after ko magmano kay Lola at Mama. NapaWOW ako sa dami ng pinadala ng mga schoolmates ko. Just wow! Napakadaming pagkain! Parang bibitayin na naman ako! Napakadaming lechon manok at ang grilled turkey na galing kay Webster ay nandito na rin. And guess what? Solve na ang birthday ko for the next decade sa dami ng cake.

"Oh iho, anong sabi ni Dok?", ang tanong ni Mama sa'kin habang binubuksan iniislice ang grilled turkey.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang kunin ni Mama ang leg part na favorite ko.

"For now, ako muna ang kakain nito huh? Sige na, umakyat ka na don at magbihis. Don't be sad my baby, i'm just thinking of you."

"Opo Ma."

Nandito na'ko sa kwarto ko. Ipinatong ko sa desk ang aking bag at humiga. Ang sarap naman talaga humiga pero mas masarap pa rin kumain. Sino naman kaya kakain nung mga yun? Wrong timing naman dating ni Mama. Kung si Lola lang sana makakapuslit ako. Sayang.

Nagvibrate ang phone ko. Dinukot ko ito sa aking bulsa at kaagad tiningnan ito. Unusual kasi. Si Mama at Lola lang naman ang kumocontact sa'kin.

Si Beatriz nagtext? Totoo ba'to. I can't remember na kinuha ko ang number niya. Teka! Ah, naalala ko na! Tama! Last time kasi hiniram niya yung phone ko.

Hi Taba! Jogging tayo bukas.

Napabalikwas ako sa kama ko nang mabasa ko ang text niya. Is this true? Is she asking me for a date? Ambitious ka! Jogging lang hindi date! Pero kahit na. Parang gano'n na rin 'yun. Atleast she's thinking of me. Diba guys?

Waaahhhhh. 'Di ko mapindot ang send button. I'm in freeze mode. Ahhhhhhhh... Ayan na. Message sent.

Sure. Anong oras?

5am.

Ok

Ano kaya nakain nito ni Armalite girl at nagyaya magjogging? Samantalang last time halos pagtaguan niya 'ko. Anyway, excited na'ko. Teka lang huh, prepare ko lang susuutin ko bukas. Haha

"Anak! Ano bang hinahanap mo?", ang tanong sa'kin ni Mama. Hindi ko napansin na nasa likod ko lang pala siya.

Nilapitan niya ang mga damit ko na ipinatong ko sa kama. Kinuha niya ang mga ito at saka ibinalik sa cabinet ko. Hinahanap ko kasi yung favorite kong jersey at jogging pants.

"Mag-jajogging po kasi ako bukas Ma."

"Teka Anak. E hindi ba mga pangjogging 'tong mga 'to?"

"Hindi Ma. I'm looking for something. 'Yung gift ni Papa last Christmas."

"Ah teka. Inilagay ko yun sa taas. Ako na kukuha."

"Thanks Ma.", ang masayang tugon ko nang maibigay ni Mama sa'kin jersey at jogging pants.

"I'm just curious Anak. E diba ayaw mong gamitin yan? Sabi mo before isusuot mo lang 'yan if you're with your Dad. E sino ba kasama mo magjogging bukas? May usapan ba kayo ng Lola mo? Hindi naman siguro si Ruby 'coz you wear anything naman kapag siya ang kasama mo, diba? Don't tell me may bago kang jogging buddy?", ang sunud-sunod na tanong ng Mama ko.

Ang daming tanong ni Mama noh? Mga nanay talaga. Anyway, ang saya saya ko sobra. Kung alam niyo lang how happy I am right now. Ininvite ako magjogging ng babaeng gusto ko. Is it a date? Official date ba'to? Kasi if it is, may one check na'ko from my bucketlist. Teka lang! Niyaya ka lang magjogging, date na? Hindi ba pwedeng wala lang talaga siyang kasama magjogging? Ambisyoso lang sorry!

Gising na'ko before pa mag-alarm ang phone ko. Excited lang? Syempre naman. Naghilamos na'ko. Nagtoothbrush saka nagbihis na. Suot ko ngayon 'tong favorite kong jersey and jogging pants. Kinuka ko ang rubber shoes ko sa ilalim ng kama para isuot.

Hoooooh! Ito talaga ayoko sa everyday routine ko, 'tong pagsusuot ng sapatos. Hirap ako tumungo kasi alam niyo na ang laki ng tiyan ko. Totoo! The struggle is real! Kaya naman it really takes time for me para lang maisuot at maisintas ang sapatos ko. O ayan tama na ang pagrereklamo! I'm so ready!

















OVERWEIGHT? Can LOVE Wait?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon