Chapter 27: The Bullet

Start from the beginning
                                    

Some of them would still avoid my gaze and bow.But some of them also started to stare at me as if presence revolted them.

Habang naglalakad sa campus isang grupo ng mga estudyante ang nagsimulang magbulungan.

"Why is she still here?"

"I can't believe she dared to stay in this town in the first place."

"Is being our alpha's mate a part of her plan?"

Hindi ko mapigilan na matigilan sa mga salitang narinig ko. Subalit hindi ko pinakita na naapektuhan ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa parking lot.

Bago tuluyang makaalis napansin ko ang isa sa kanila na napangiti.The same dark smile someone gave me at the hallway. Nang makarating ako sa aking sasakyan hindi ko mapigilan na bumuntong hininga. What is it this time?

Binuhay ko ang engine ng sasakyan at nagsimulang magmaneho. Wala si Zander ngayong araw sa bayan kaya hindi niya ako masusundo.

Nang palabas na ako ng campus, unti unti kong inapakan ang break upang maayos na makalabas sa gate. Pero natigilan ako nang tila hindi kumagat ang preno. Inapakan kong muli ang break nang mas madiin. Walang nangyari. Tuloy tuloy ang paglabas ng sasakyan sa gate papunta sa mataong downtown.

What is happening?

Ilang beses kong inapakan ang break. The sidewalk continuously passed through the window. Sinubukan kong buksan ang pintuan ng driver's seat pero nakalock ito.

Tuluyan akong nagpanic. Naalala ko ang ngiti ng isa sa mga nakasalubong ko kanina. May kinalaman ba sila dito?

Sinubukan kong controlin ang manibela. I gripped the steering wheel tightly. Nakikita ko na ang bukana ng downtown sa dulo ng kalye. I pushed the horn with my trembling hands. Umilangawngaw ang busina ng sasakyan.

Ilang taong nasa daan ang napatingin sa direction ko. I want to tell them to stay away. But I'm locked inside the car. Tuloy tuloy ang pag andar nito. Either dederecho ako sa downtown or I'd let myself hit the pavement.

I turned the steering wheel to the side. I was suddenly faced with a wall few feet away from me. Nanghina ako. When I thought all I could do is absorb the impact, a sudden movement in front of the car caught my eyes. The next thing I knew, I almost hit the dashboard dahil sa paghinto ng sasakyan.

Tila tuluyang tumahimik ang buong paligid. My hands were trembling on my lap. Hindi ako agad nakagalaw. Maya maya pa biglang bumukas ang pintuan ng driver's seat. It was nearly unhinged from the body. Bumungad ang mukha ni Sebastian. Hinihingal. Doon ko napagtanto na siya ang pumigil sa sasakyan sa tuluyang pagtama nito sa pader.

"What the hell, Laura!"

Natigilan ako sa kanyang sigaw. Halos kaladkaran niya ako palabas ng sasakyan. Napansin ko ang pagdaing niya. Bumaba ang tingin ko kamay niya na ginamit niyang pangharang ng sasakyan. Namamaga ito.

"What do you think you're doing?"

Tinitigan ko si Sebastian. The effect of what may have happen still lingered on my system.

"I-I lost control." Tanging nasabi ko. Ngayon ko lang nakita na nagalit ng husto si Sebastian.

Hindi malinaw sa akin kung paano ipapaliwanag kay Sebastian ang nangyari. Nagkumpulan ang mga tao sa paligid namin. The engine of the car halted giving a sudden jolt. Huminga ng malalim si Sebastian. Saka siya tahimik na napamura.

"Orders. Meeting after an hour."

Nagbulungan ang mga tao sa paligid. There was no particular order near the place. But it seemed like the beta doesn't need to directly face them to know what's going on. Sa mga bulungan palang alam kong makakarating ito sa kanila.

Hinawakan ni Sebastian ang kamay ko at hinila ako palayo sa nagkakagulong mga tao. Nanlalamig parin ang mga palad ko noong oras na yon.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Bumalik kami sa direction ng parking lot ng school. Doon niya iniiwan ang sasakyan niya kapag bigla siyang umaalis sa campus.

"Sebastian, I'm sorry."

Hindi ko ito magawang dugtungan. Hindi ko masabi ang hinala ko. Wala akong proweba. It could be anyone or it could be just a bizarre coincidence. Ang kanilang tingin at ngiti. Ang kanilang bulungan. Kailangan kong malaman kung ano ang connection ng mga ito sa mga kakaibang nararamdaman ko.

"Kapag nalaman ito ni alpha-"

"Don't." Mabilis kong sinabi. "Don't tell Zander."

Biglang huminto si Sebastian sa paglalakad. Halos kasunod niya lamang ako kaya halos magbangaan kami noong humarap siya.

"It was my fault." Sinabi ko. "It was a technical accident. I didn't check the car beforehand."

Tinitigan ako ni Sebastian. Ngayon na medyo nakalayo na kami sa mga tao tila doon siya kumalma.

"Pero Laura-"

"Masyado na siyang madaming pinag aalala. Just tell him when he get back that it was a small incident."

Muli siyang bumuntong hininga. Napahawak siya sa buhok niya at timingala sa matingkad na langit. Papalubog na ang araw sa di kalayuan. It was filtering through the trees beside the sidewalk where we're stepping.

"Laura, your safety is the priority here. No incident is small or large when it concerns you. You're not just an alpha's mate. You're... different."

Ramdam ko ang frustration sa boses ni Sebastian. Subalit sa huling sinabi niya ako natigilan.

"Different?"

Natigilan siya bago umiling. "Let's just go."

Kinuyom niya ang kanyang palad bago siniksik ang mga ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Narinig ko ang kanyang mahinang mura na tila pinagalitan ang sarili.

—-

Hinatid ako ni Sebastian sa mansion. Naging tahimik kami habang nasa sasakyan. Nang umuwi kami, naabutan namin si Miss Loraine sa living room. She asked me about my car at kung bakit si Sebastian ang naghatid sa akin.

Si Sebastian ang sumagot. He told her a small accident happened but everything was being taken care of. I thanked him silently for not disclosing the full details. Though alam kong sa tingin palang may hinala na si Miss Loraine. She's one of the most observant hybrid I know.

Noong gabing yon pabagsak akong humiga sa aking kama. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tila ba unti unting bumabalik sa akin ang uneasiness at takot dahil sa pananatili ko sa Van Zanth. It came back, and it was worse.

Tiningnan ko ang orasan. It was late evening. Pero wala parin si Zander. Muli ako bumangon sa kama nang may maalala.

Pumunta ako sa closet. Hinanap ko ang mga lumang gamit na nandoon. Maya maya pa isang itim na kahon ang nalaglag sa sahig.

Natigilan ako bago ito kinuha mula sa sahig. At first I thought it was a jewelry box. The box was velvety black. Pero noong buksan ko ito, isang maliit at itim na metal ang nakasalagay sa kahon.

Nakaipit ito sa itim na cushion. Bahagya kong hinawakan ito gamit ang nanlalamig kong kamay. It was a bullet. A silver bullet na may nakaukit na mga salita.

...the clan of Arden...

My hands were suspended. Bakit... Bakit nakakit ang apelyido ko sa isang silver bullet? Kinuha ko ito mula sa cushion. Isang manipis na silver chain ang kasama nito. Nakasabit ang bullet sa tila kwintas.

Napatitig ako dito. Isang alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Dalawang mukha ang aking nakikita. Isang maamong mukha ng babae at isang lalake na sinusuot sa isang bata ang kwintas. Blurry ang imahe pero ilang salita ang pumasok sa isip ko.

Laura, hwag mo itong iwawala...

Family seal...

Hahanapin ka nila...

***

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now