Chapter 25

8.1K 140 3
                                    

Chapter 25


Debbie's POV

"Hindi lahat ng tao sa paligid mo ay pwede mong pagkatiwalaan. At hindi lahat ng akala mong hindi makakabuti sayo ay sasaktan ka. Just Open your eyes, debbie. And look around."

Hanggang ngayon ay paulit ulit paring tumatakbo sa utak ko ang mga katagang iyon na sinabi sa akin ng tiyuhin ni xander. Ano kayang ibig niyang sabihin tungkol dun? Wag magtiwala? Saan?

Parang sasakit ang ulo ko sa kaiisip sa mga sinabi niya. Naguguluhan na ako. Hindi ko rin alam kung Importante pa ba yun at kung para saan. At isa pa, kung meron man akong hindi dapat pagkatiwalaan, yun ay silang dalawa lang. Hindi ko kailangan makinig sa ano mang sasabihin nila. Marahil paraan lang nila iyon para lalong pahirapan ang buhay ko. Ang kailangn ko lang gawin ay lumayo kay xander at kalimutang nakilala ko siya. Yun ang mas makabubuti sa akin. Dahil hangga't nakikita ko siya sa paligid, lalo lang nadaragdagan ang galit na nararamdaman ko.

"Hindi ako dapat nagpapaapekto sa sinasabi nila. Marami akong mas kailangan isipin." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin.

Kailangan kong ibalik ang kung ano mang buhay meron ako noon bago ko pa nakilala si xander. Laking pagsisi ko nga lang at sinayang ko ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Isa kang malaking tanga." Muli kong bulong. Walang akong ibang masisi kung di ang sarili ko dahil nagpaloko ako sa kaniya. Ang dali kong nagpadala sa mga ngiti niya sa akin.

Tumungo ako at umiling. Pinilit kong pinigilan ang pagbabadyang pag tulo ng mga luha ko. Hindi ako iiyak. Hindi.

Mayamaya Napalingon ako sa bukanan ng pinto nang biglang sumungaw ang ulo ng isa sa mga kasama ko sa club at dumako ang tingin sa akin.

"Uy, Debbie."

"Hmm? bakit?"

"May customer ka. Sa VIP room daw sabi ni ma'am grace. Ikaw ang hinahanap. Grabe ka, gurl! Kababalik mo pa lang marami na agad naghahanap sayo. VIP pa! Saka, teh! Panalo ka dito. Pogi na bata pa!" Derederetso niyang sabi sa akin habang nakangiti ng mapapad.

"Ako? Sa VIP room?" Pagtataakang tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito.

"Oo Ikaw. As in ikaw ang hinahanap. Bakit ayaw mo ba? Kung ayaw mo sa akin na lang siya. Sayang din yun! Malaki magbayad ang mga customer sa VIP!" Aniya na naging pilyang ngiti na.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Simula kasi ng bumalik ako dito sa club ay wala na akong ibang nakasalamuha kung di ang mga matatanda at dati ko ring mga customer. Pero nakapagtataka. bago at bata pa raw ang naghahanap sa akin, at VIP pa.

Muli akong lumingon sa kasamahan ko na napalitan na ng pagtataka ang itsura. "Uy, ok ka lang? Bakit parang di ka masaya? Oh, sige na babalik na uli ako dun. Nakisuyo lang sa akin si mother grace, eh. Basta, kung ayaw mo dun sa customer na pogi. sa akin mo ipasa, ha? Bye!"

"Ha. . . S-sige." Alanganing sagot ko, kahit pa naka alis na ang kausap ko.

Sa hindi ko maintindigan biglang May masama akong kutob na naramdaman. Hindi naman siguro maaring si xander ang tinutukoy ng kasamahan ko. Imposible na makipagkita pa siya sa akin.

Kahit may konting kaba na biglang lumukob sa pagkatao ko ay walang pagdadalawang isip na agad akong tumayo at tinungo agad ang dereksyon ng VIP Room. Binagtas ko ang may kahabaang hallway kung saan wala kang makikitang tao kung di malamlam na ilaw lang sa paligid. Pagkadating ko sa dulo ng hallway may mga ilang bouncer ang nakatayo malapit sa malaking salamin na pinto ng VIP hall ng club.

Talagang may mga bantay sa lugar na ito dahil pulos mga mayayaman lang kasi na customer ang umuukupa sa mga kwarto ng VIP room. At Kahit noon pang dito na ako nagtatrabaho sa club, hindi ko nagawang magkaroon man lang ng isang customer sa VIP, kaya nakapagtatakang ngayon pa lang.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon