Chapter 3

18K 307 7
                                    

Chapter 3




HINDI ko na mabilang kung ilang beses ko nang pinikit pikit ang mga mata ko para lamang mawala ang pakahilong nararadaman. Tapos ay Binibilang ko pa sa darili ko kung nakailang bote ako ng alak. Lintek, hindi pa yata ako nakaka sampu, nakaramdam na agad ako ng pagkahilo.


Ang lakas mo kasing mag-hamon, debbie. Wala ka naman palang maibubuga!


Bulong ko sa sarili ko. Pero hindi ko pinapahalata kay xander na medyo tinatamaan na ako.


"Why did you chose this kind of job, debbie?" Mayamaya ay tanong niya sa akin. Mataman siyang nakatingin sa mukha ko habang ipinapaikot ang index finger niya sa bibig ng baso.


"Dahil... kailangan ko ng pera?" Deretsang sagot ko habang Namumungay pa. "Bakit? isha ka rin ba sha mababa ang tingin sha mga tulad ko? Na porket ganito ang trabaho, mababang uri na kaagad? hindi ba pwedeng may matinding dahilan muna?" Buong pahayag ko.


Bakit? Sino nga ba ang may gusto sa ganitong uri ng trabaho? Kung ako ang papipiliin ay ayaw ko rin naman. Pero ginagawa ko ito dahil sa kapatid ko.


At kahit na ganito pa ang uri ng trabahong meron ako, walang sino ang may karapatang husgahan ako. Dahil alam ko sa sarili kong malinis pa rin ako. Wala siyang alam sa pinagdaraanan ko.


Inangat ko ang bote ng alak at tinunga, ngunit wala na palang laman iyon. Napalingon ako sa baso niyang hindi na niya ginagalaw, bago ako tumingin sa mukha kaniya at muling ibinalik sa baso.


Dumudoble na ang tingin ko sa paligid. Muntik muntikan ko na ring masabi kay xander na may kambal siyang kasama.


"Hindi mo ba iinu-"


"You're already drunk, sweetheart." Gagap niya sa sasabihin ko.


"Ha? Ako? Lashing? Shinong lashing?!" *hik* Ngumisi ako kay xander nang mapasinok ako at saka nag peace sign pa. "Hindi ako lashing."


Hindi na ako mag tataka kung ma offend na talaga siya sa akin. Napaka busalsal kong kumilos.


Tumitig ako uli sa mga mata niya. Inangat ko ang kamay ko at dinama ang mukha niya. Perpektong hugis ng mukha, ganito ang hanap ko sa isang lalaki.


"Debbie."


"Shander." Tawag ko rin sa pangalan niya.


"I think, it's time to say that you lose in our bet." Pagpapaalala niya sa akin.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon