Chapter 8

14.7K 234 3
                                    

Chapter 8



"Xander, magtatrabaho ako uli." Mayamaya ay usal ko sa gitna ng katahimikan.

Mula sa librong binabasa ni xander ay umangat ang tingin niya sa akin nang sabihin ko yun isang umaga.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang tumira ako sa bahay niya. Pero nakakabagot din pala ang maghapong wala kang kahit anong ginagawa, kaya naman naisipan kong sabihin na yun sa kaniya.

Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso nang di man lang siya sumagot. Pero nakita kong nakataas ang isang kilay niya. Pagkuway umangat din ang isang sulok ng labi niya.

"Why?" Aniya. Ibinaba niya ang hawak na libro at  ipinatong ang daliri sa labi.

Gwapo siyang tignan sa ganung itsura, nakakayummy talaga. Lalo na nang marahan niyang igalaw galaw ang mga daliri sa tapat ng labi. Marahas akong napalunok.

Oh, my gosh!

"Gusto mo uling bumalik sa club?" Aniya

"Ha? Hindi! Hindi! . . Hindi sa club! Mag hahanap ako ng ibang mapapasukan. Hindi na ako babalik sa club. Naisip ko rin lang kasi na, hindi naman ako pwedeng umasa lang sayo. At saka. . . Alam mo na. . . Oo may kontrata akong pinirmahan, pero baka lang kasi mag taka ang kapatid ko kung saan ako kumukuha ng pera pang pagamot niya kung wala naman akong trabaho."

"Hmm. . ." Tumango tango siya sa sinabi ko at muling sumandal sa upuan. "May nahanap ka na bang trabaho?"

"Teka. You mean, payag mo ko?" May halong excitement na tanong ko. Muli nanaman siyang tumango.

"Yes."

"Talaga? Thank you! Xander!"

"Saan ka magtatrabaho?" Muling tanong niya.

"Ah, eh. . . Hehehehe, wala pa. Mag hahanap pa lang." Sagot ko.

"Then. . ." Huminto siya sa pagsasalita at binuksan ang drawer sa ilalim ng lamesa. may kinuha siyang maliit na tarheta at saka iniabot sa akin.

"Business card?" Usal ko at binasa ang nakasulat. 'Deseo del hombre resto bar' ang pangalan ng business card. Muli akong tumingin kay xander na nakangiti parin. "Uhm. . . Ano to?"

"A job." Sagot niya. "Go that place and find the owner. Tell them that i recommend you. And they will give you a decent job."

Muli nanaman akong nagulat sa sinabi niya pero dahil yun sa tuwa. Kaya naman Wala sa sariling nayakap ko si xander. "Thank you! Thank you! Talaga xander! Promise, hindi kita ipapahiya sa kanila."

"But i have one condition, debbie."

"Ano yun? Kahit ano?" Tanong ko. Pero di siya sumagot. Sa halip, mas lalo pang lumalim ang tingin niya bago siya Tumayo sa kinauupuan at lumapit ng unti-unti sa akin. Aatras sana ako ng isang hakbang nang hapitin niya ako sa bewan na naging dahilan ng pagdidikit ng mga katawan namin. Sinapo niya rin ako sa baba at nagpalipat lipat ang tingin niya sa labi at mga mata ko.

"If you get the job, you should give me back the favor." Sa mahinang boses at kalakip ang malagkit na tingin nang sinabi niya yun. Unti unti naman sumilay ang maharot na mga ngiti sa labi ko saka dahan dahang tumango.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon