Chapter 22

7K 127 1
                                    

Chapter 22

Debbie's POV

"Kape?"

"Salamat po." Sagot ko, habang tinatanggap ang kapeng iniabot sa akin ni aling chona, Ang land lady ng dating bahay na tinutuluyan ko noon. Di sinasadyang Nagkita lang kami sa lugar kung saan ako umiiyak. Hindi ko alam na tutulungan niya ako at dadalhin dito sa bahay niya.

"Ok ka na ba, debbie?"

"O-opo." Pagsisinungaling ko. dahil ang totoo niyan, Hindi pa talaga ako ok. At Hindi ko alam kung kailan ako magiging ok.

Pinagmasdan ko lang ang hawak hawak kong baso nang maupo sa tabi ko si aling chona.

"Ang akala ko kung sino lang yung babaeng nakita kong umiiyak sa tabi ng kalsada kaganina. Hindi pa ako naniniwala na ikaw yun pero nung titigan kita, ikaw nga. Ano bang nangyari sayo? Na gang rape ka ba, hija? Gusto mo bang ireport natin sa police?"

"N-naku, hindi po! Hindi po. O-ok na po talaga ako. Maraming salamat kasi tinulungan niyo ako. May problema lang po akong pinagdaraanan nung mga oras na yun."

Napapailing na lang ako at alanganing ngumiti kahit papaano. Hindi ko akalaing may mabuting ugali rin pala ang dati kong landlady. Samantalang parati ko pa siyang tinatawag na dambuhalang tutubi noon at tinatakasan sa pagbabayad ng renta. Ganun nga yata, eh. Kung sino pa yung taong ininsulto mo yun pa yung mga taong tutulong sayo. At kung sino pa yung mga taong pinagkatiwalaan at. . . Minahal mo, sila pa ang manloloko sayo.

"Aba'y tungkol ba ito sa kapatid mong si. . . Ano nga bang pangalan nun? Jose?" Tanong sa akin ni aling chona.

"Joshua, ho. Pero hindi po tungkol sa kaniya ang problema ko."

"Ay, ganun ba? Sa pagibig ba yan hija?"

Hindi ako nakasagot sa itinanong ni aling chona. Nakita ko namang tumango tango lang siya na para bang alam na niya ang kasagutan.

"Hay naku, ganyan talaga kapag nagmahal, hija. Nakung minsan kailangan lang nating masaktan para malaman natin kung saan ba tayo nagkamali at nagkulang pagdating sa pagmamahal. May mga tao kasi na para sa kanila hindi pa sapat ang pinapakita nating, o meron silang hinahanap na hindi nila atin makikita."

Pero hindi ako nagkulang. Minahal ko si xander. Ibinigay ko na ang lahat lahat sa kaniya. Ako lang itong sa umpisa pa lang ginamit na niya. Siguro nga tama si aling chona; na kailangan kong munang masaktan para malaman ko kung saan nga ba ako nagkamali. At ang pagkakamaling yun, ay ang mahalin si xander.

Tumayo sa tabi ko si aling chona at nagtungo sa kusina. Naramdaman ko naman muli ang pagbabadyang pag bagsak ng mga luha ko.

Unti unting nabuong ang nakangiting itsura ni xander sa aking isip nang subukan kong pumikit. Bakit ganun? Bakit hindi ko kayang kalimutan ang itsura niya? Ayoko na siyang makita.

Narinig ko ang yabag ng papalapit na si aling chona. Bago pa niya makita ang pagluha ko ay agad ko iyong pinunasan.

"Teka. Hija. Saan ka ba tumutuloy ngayon?" Buhat sa itinanong niya sa akin ay saglit akong napatigil. Ngayon ko lang naisip na wala na nga pala akong mauuwian. Hindi ko na rin nakuha ang mga gamit ko sa bahay nila xander. Wala na rin naman akong balak pang bumalik dun at makita siya.

Hindi ako sumagot sa itinanong sa akin ni aling chona at yumuko lang.

"Sige, pwede ka naman dito sa bahay ko hangga't wala kang matutuluyan. Pasensya na, hindi ko na pwedeng ipagamit sayo ang dati mong inuupahan. May nakatira na kasi dun ngayon."

"Maraming salamat po aling chona. Hayaan niyo po't babawi ako sa inyo."

"Aysus. Wag na. Isipin mo na lang na konsensya ko ito kung hahayaan kitang nasa kalsada ng dis oras ng gabi. Oh, siya. Gamitin mo nalang ang kwartong iyon. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."

"Sige po. Salamat." Tumalikod na ito at pumasok sa isang kwarto.

Nang mapagisa ako sa sala, nanatili muna akong nakaupo dun habang bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kaganina.

Sa mga nakalipas ng araw nasanay akong nakakasama at palaging nakikita si xander. Pero pipilitin ko talagang makalimutan siya. alam kong hindi mahirap sa akin ang gawin yun. Lalo na't Ganito naman talaga ang buhay ko, bago ko pa siya makilala.

***

Pero Mukhang hindi pa tapos ang tadhana na paglaruan ang buhay ko. Parang sa isang iglap lang ay unti unti nang nawawala sa akin ang lahat ng meron ako. una si xander. Hanggang isang balita ang hindi ko inaasahang mas guguho sa buong pagkatao ko.

Parang Nagbuhol buhol ang paghinga ko. wala akong nanarinig nakit anong ingay sa paligid. Tangging ang mga katagang yun lang ang paulit ulit na utakbo sa aking utak. Parang ang hirap isipi. Bakit ako? Anong ginawa kong mali?

"Miss. Galvez. . . Ginawa na namin ang lahat, ngunit tangging ang katawan niya na mismo ang bumigay. I'm really sorry."

Joshua. . . Kapatid ko.

Tatlong araw ang lumipas nang masaktan ako sa mga nalaman kong kahit minsan ay hindi ako nagawang mahalin ni xander. Ang akala ko yun na ang huling pagkakataon na masasaktan ako. Pero hindi pa pala. Mas masakit ang malamang kahit ginawa ko na ang lahat, nawala pa rin sa akin ang nagiisang pamilya na meron ako. Ang nagiisang taong nagbibigay na lang sa akin ng lakas. Wala na. Iniwan na ako.

"Mauna na ako miss galvez." Nang tumalikod na ang doktor. Nanginginig ang mga paa kong naglakad papalapit sa kwartong inuukupa ni joshua.

Nagunahang umagos ang mga luha sa pisngi ko nang makita siyang nakahiga at tila natutulog lang ng mahimbing. Di ko napigilang iangat ang kamay at haplusin ang malamig niyang mukha.

"A-ang daya mo. . . B-bakit mo iniwan si ate?. . . diba sabi ko naman sayo na gagawin ko ang lahat gumaling ka lang? Madaya ka!" Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaang pumatak ang luha ko sa pisngi niya.

Ayoko na. Ayoko ng masaktan. Pagod na akong umiyak. Ano bang nagawa kong mali para maghirap ako ng ganito at kunin lahat ng mga importante sa buhay ko? Gusto ko lang ang lumigaya, hindi ba pwede yun?

"Debbie." Mahinang tawag sa akin na alam kong si si aling chona. Naramdaman ko ang marahang paghagod niya sa aking likod. Marahil ay para pagaanin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ngunit tila wala nang kahit ano pa ang makakatulong sa akin para mawala ang lahat ng iyon. Manhid na ako sa lahat at ayoko nang gumising isang araw na malalamang unti unti nang nawawala lahat ng meron ako. . . Ayoko na.

--

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon