Chapter 4

19K 320 11
                                    

Chapter 4




MATINDING lamig ng katawan ang nagpagising sa akin kinabukasan, giniginaw ako sa tila yelong lamig sa paligid. Ngunit wala pa akong balak bumangon dahil antok na antok pa ako. At Parang hinihila pa ako ng kama pabalik. Ang sarap matulog kahit maginaw pero bakit ba sobrang lamig? Para akong nasa northpole.


Umiling ako at Babalewalain ko na sana ang ginaw at balak nalamang bumalik muli sa pagtulog nang bigla akong may maalala.


Paano nga palang natutulog ako sa tila malambot na kama at malamig na paligid kung wala na nga pala akong bahay? Hindi ba't napalayas na ako kahapon sa tinutuluyan ko?


Sinubukan kong gumalaw. Pero nagpahinto sa akin ang para bang matigas na bagay na tumatama sa likod ko. Napapakunot noo akong inangat ang kamay ko para kapain kung ano ba yun.


Matigas. pero bakit parang mahaba.


Dinama dama ko pa yun ng mabuti at sinalat salat. wala naman kasi akong ideya kung ano yun, hanggang sa nakarinig nalang ako ng mahinang pagungol. Dun na ako tuluyang napadilat at napabalikwas ng bangon, sabay lingon sa tabi ko.


Para namang nag flashback lahat sa isip ko ang mga nangyari nang nagdaang gabi ng makita ko ang natutulog na si xander sa kaliwang bahagi ng kama. Duon ko lang din na pagtanto na wala pala akong kahit anong saplot sa katawan at tanging ang kumot lang ang tumatakip sa akin. Kaya pala giniginaw ako kanina pa.


Napasapo ako sa bibig.


Oo nga pala, may nangyari sa amin kagabi.


Shock na sigaw ko sa isip. Muli kong nilingon ang natutulog na si xander. Hindi ko siya nakitaan ng sign na nagising siya.


Naramdaman niya kaya yung ginawa ko?


Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Sa parteng may umuumbok sa ilalim ng kumot. Nakaramdam tuloy ako ng pamumula sa isiping nahawakan ko siya duon. Nakakahiya!


Tanga! Bat' ka mahihiya! Nag anuhan na nga kayo kagabi! Wag kang echosera debbie! Hindi ka si maria clara!


Pagalit kong sita sa sarili ko. Sabay tili uli sa isip.


Pero ilang sandali lang ay napatigil ako sa ginagawa at muling lumingon sa kaniya nang marinig ko siyang muling umungol at gumalaw.


Di ko napigilang mapangiti habang tinititigan ko ang napaka inosente at maamo niyang mukha. Kung nagising kaya siya at nalaman niya ang ginawa ko, magagalit kaya siya?

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon