Chapter 21

7.2K 136 2
                                    

Chapter 21

Debbie's POV

"Ms. Galvez. Can i talk to you for a while?" Akmang papasok na sana ako ng kwarto nang bigla nalang akong pigilan ng tito vito ni xander. Hindi pa nga ako nakakasagot ay walang ano anong hinila niya ako hanggang sa makapasok kami sa isang silid. Hindi agad ako nakapagisip ng kung anong gagawin.

Pagkapasok sa loob ng silid hinigit ko ang ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. "Siguradong hindi ho, ikatutuwa ni xander ang ginagawa niyo sa akin, sir." Sagot ko. Kahit na may konting takot ang biglang gumapang sa katawan ko.

Lumapit siya sa mahabang lamesa at may kinuhang sobre. Inilahad niya iyon sa akin. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Take this and leave xander. If is not enough, i can give you more, just name your price."

Tila nainsulto ako sa sinabi niya. Anong tingin niya sa akin? Pera lang ang habol ko kay xander? Ano bang gustong palabasin ng taong ito? Bakit kating kati siyang mawala ako sa buhay ng pamangkin niya?

"Hindi ko ho, kailangan ng kahit magkano sa pera niyo, sir. Mahal ko po si xander. Hindi ako aalis sa tabi niya kung hindi siya mismo ang may sabi."

"Look, ms. Galvez. Mapapasalamatan mo pa ako sa ginagawa ko kung tatanggapin mo ang perang ito at lalayuan ang pamangkin ko. Now, take this money and leave my nephew alone. Hindi mo pa siya lubusang nakikilala."

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Nakaumang pa rin ang sobre sa akin. Ilang sandaling katahimikan lang ang pumapagitan sa aming dalawa Bago ako nagsalita.

"Bigyan niyo ako ng isang dahilan kung bakit gusto niyong layuan ko si xander?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman."

"Pwes, hindi ko rin ho kailangan tanggapin ang perang yan." Pinal na sagot ko at walang ano anong nagmadaling lumabas ng silid. Halos takbuhun ko na ang pasilyo makalayo lang, kung hindi ko pa nakita ni xander na patungo sa kwarto nito, hindi pa ako kakalma.

Lumingon siya sa akin at nagtatakang tumingin din sa lugar na pinanggalingan ko.

"Where have you been?"

"U-uhm, w-wala. Nag libot libot lang." Pinagsalikop ko ang mga kamay para pigilan ang panginginig nito. Huminga rin ako ng malalim para kalmahin ang sarili.

"Papuntahan na dapat kita sa kwarto mo dahil meron tayong importanteng paguusapan."

"A-ano yun?" Hindi ako mapakali. Malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Baka nga tungkol sa pakikipag usap ko kay archie ang dahilan. Mas mabuti nga kaya sigurong sabihin ko na rin iyon sa kaniya. "Uhm, meron din akong gustong sabih-"

"Mamaya na." Aniya at hinawakan ako sa braso at hinila hanggang sa makalabas kami ng bahay. Sumakay kami sa kotse at saka niya yun pinaharurut palayo ng walang kaimikimik

***

"Xander?. . . A-anong ginagawa natin dito?" Mahinang tanong ko sa kaniya kung saan nililibot ko ang paningin sa isang abandonadong gusali.

Hindi sumagot si xander sa tanong ko. Nananatili lang siyang naka tingin sa salupa. Halata ring sunog ang bahagi ng gusali. Nang tawagin ko muli ang pangalan ni xander dun lang siya humarap sa akin. Pero iba na ang klase ng pagtingin niya sa akin. At sa halip sagutin ang tanong ko iba ang sinabi niya.

"Bakit? Hindi ba ito sinabi sayo ni evengeles? Na dito pinatay si katarina?"

Napasinghap ako sa narinig. Kasabay ng pagyakap ko sa sarili.

Galit na galit naming lumapit sa akin si xander at marahas akong hinawakan sa magkabilang braso.

"Ang akala mo ba hindi ko alam na nagkita kayo!! Look, debbie. Hindi ko sinayang ang buong panahon ko sayo para lang mapunta sa wala ang lahat ng plano ko. You make me out of limit!"

"H-hindi kita maintindihan. n-nasasaktan ako, xander!"

"Anong sinabi mo sa kaniya!! Anong pinagusapan niyo tungkol kay katarina?!"

"W-wala naman. . . N-nasabi niya lang sa akin ang tungkol sa p-pag kamatay niya. . . xander!" Takot na takot ako sa galit na nakikita ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ganun siya katindi magalit kay archie at anong dahilan?

Paigkas niya akong binitawan. Hinimas himas ko namam ang mga braso kong nasaktan.

Isinuklay niya ang mga daliri sa buhok at muling tumitig sa akin ng mataman. Gulong gulo ako sa mga nangyayari. Sa mga kinikilos niya.

"Ano bang dahilan bakit ganyan ka nalang kung magalit sa kaniya? H-hanggang ngayon pa rin ba, Ganun pa rin kahalaga sayo si katarina? Kahit andito na ako?"

"Yes!"

Hindi ako nakaimik sa isinagot niya sa akin. Parang bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Kung ganun, importante pa rin sa kaniya si katarina at hanggang ngayon hindi pa rin niya to nakakailimutan.

"P-pero, xander. Paano ang tungkol sa atin?" Tanong ko sa kaniya. Nag tagis ang mga panga niya at deretsong tinitigan ang mga mata ko.

"We're nothing, debbie. Kahit kailan hindi naging seryoso ang relasyon natin. Ginamit. lang. kita. para mabigyan ng hustisya at gantihan ang mga taong pumatay sa babaeng mahal ko. I never loves you. Gaya ng sinabi ko sayo noon, Sa isang laban siguraduhin mong nasa sayo ang alas kung gusto mong manalo. Nagkataon lang na ikaw ang barahang yun, debbie."

Hindi ko na namalayang naguunahan na palang umagos ang luha ko sa mga sinabi niya. Paanong ginamit niya lang ako? Kasinungalingan lang ang lahat ng ipinakita niya sa akin?

"P-pero M-minahal kita, xander. . ." Wala sa sariling naiusal ko. Ngunit Wala akong kahit anong nabasang reaksyon sa mukha niya.

"I didn't tell you to love me. Hindi ko na problema ang tungkol diyan. Si katarina lang at ang mahalaga sa akin. Siya lang babaeng minahal ko." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa narinig. Kasabay ng mabilis kong paglapit sa kaniya at pagigkas ng kamay ko sa kanang pisngi niya. Halos bumaling ang mukha niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko. Hindi siya agad nakahuma.

Pakiramdam ko naman tila Nangangapal sa sakit ang palad ko, pero hindi ko magawang indain ang sakit nun. Dahil wala yun kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ng dibdib ko. Hindi na rin tumigil sa pag-agos ng mga luha ko.

Muli akong tumingala para titigan siya. Ngunit hindi ko na siya maaninag ng mabuti dahil hilab na sa luha ang mga mata ko.

"Wala akong ginawang masama sayo! Minahal kita sa maikling panahon na nagkakilala tayo at hindi ko rin kasalanan yun! Hindi ko alam kung anong kinalaman ko sa pagkawala ng taong minamahal mo! At nagawa mo akong gamitin!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib hanggang sa unti unting para bang nawalan na lang din ako ng lakas na gawin yun.

Nanluluno at Wala sa sariling naglakad ako palabas sa lugar na yun. Hindi ko na nagawa pang itanong sa kaniya kung ano nga ba kasalanan ko Para gamitin niya? Ang alam ko lang ang dali kong nagpauto, andali kong naloko. Ang tanga ko para umasa sa isang gawa gawa lang. Bakit ba hindi ko pa to nalaman sa umpisa palang?

Ngunit kahit ganun Parang ayokong maniwalang hindi niya ako minahal.

Tss, bingi ka ba? Ginamit ka nga lang diba?

Nang makalayo na ako sa lugar, dun lang ako humunto sa isang tabi. at dun, ibinuhos ko ang lahat ng sakit na naramdama ko sa pamamagitan ng pag iyak.

--

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon